Kabanata 5

3.5K 112 4
                                    

Pinasingkit ko ang aking mga mata nang mamataan ko si Akihiro na abala sa pagpapastol sa mga baka. Alas kuwatro na ng hapon kaya dapat lang na ipasok na ang mga hayop sa kulungan. But what the hell is he doing? Hindi siya trabahador! Nagpapa-good shot ba siya dahil sa nalaman ko na ang mga plano niya?


Kahapon nang magkasagutan kami'y hindi na ako kailanman lumabas ng aking kuwarto. Naiirita ako. Nangingilabot, dahil hindi ko maatim na ang lalaking siyang dahilan ng pagkamatay ni Daddy ay kasama ko ngayon sa iisang bubong. Hindi lamang iyon, ito pa ang tila nakatataas sa akin. Tila mas may karapatan ito kumpara sa akin na siyang tunay na nagmamay-ari ng lahat ng narito.



"Yumi, may tawag ka sa telepono." Pukaw sa akin ni Manang Susan. Mula sa matalim na pagkakatitig ko kay Akihiro ay nabaling ang tingin ko kay Manang. Huminga ako ng malalim bago tumayo mula sa duyan na nakakabit sa katawan ng dalawang punong manga. Tahimik na naglakad ako pabalik sa malaking bahay. I can feel Manang Susan's stares. I ignored it. Pagkarating sa bahay ay kaagad na tinungo ko ang telepono na nasa tabi ng hagdan.


"Mayumi Lazaro?" Tanong mula sa kabilang linya.



"Ako nga..."



"Ma'am, ipinapaalam ko po na tanggap na po kayo. Maaari na po kayong magsimula bukas." Sabi ng babaeng kausap ko. I can hear the excitement in her voice. Para bang magandang balita na nag-apply ako sa kanila at ngayon nga'y maaari nang magsimula sa trabaho bukas.



Marahan akong tumango. "Okay, I'll be there tomorrow morning. Thank you."



Bago ako umuwi galing sa Australia ay nagpasa ako ng resume sa isang hindi kalakihang kompaniya. Nagtapos ako ng kursong Business Administration. Kung tutuusi'y maaari akong magtrabaho na lang sa Hacienda o 'di kaya ay sa LGC. Kaya lamang ay ayaw ko namang madagdagan pa ang pagkikita namin ng hudas na si Akihiro. Alam kong siya ang namamahala sa mga negosyong naiwan ni Daddy. Sa ngayon ay kailangan kong magtrabaho at magsimula sa ibaba. Kapag may napatunayan na ako sa aking sarili, babawiin ko ang lahat kay Akihiro. At kailangan din niyang makulong!


I went to my room and prepared my things. Dalawang maleta ang dadalhin ko at isang backpack. I already booked a room in one of the hotels in Manila. I also found a condominium near the hotel. It was for sale, when I found it online. Pwede naman akong dumiretso roon. But I want it renovated. Kaya isang linggo akong mananatili sa hotel bago tumuloy sa condo.



"Where are you going?" Tanong ng kararating lang na si Akihiro. Napansin yata nito ang mga maletang inilagay ko sa tapat ng pinto. Ipabababa ko na kasi iyon sa mga kawaksi para kapag umalis ako kinabukasa'y hindi na ito maging sagabal. Mahirap ang magpanhik-panaog.


"Pupunta sa presinto para ipakulong ka." Walang gana kong sabi na ikinatiim ng kaniyang mga bagang. He's mad. I can see it, I can feel it.



"You're unbelievable, Mayumi. Ibang-iba ka kay Tito Arnold. Sigurado ka bang totoo ka niyang anak?"


Uminit bigla ang ulo ko. Matalim ang tinging ipinukol ko sa kaniya bago ko siya nilagpasan. Bahagyang nangunot ang aking noo nang pumasok sa aking ilong ang pinaghalong pabango at pawis ni Akihiro. I tried not to close my eyes. But, shit—kinurot ko na lamang ang sarili ko para matauhan.


Bumaba ako ng hagdan at tumungo sa komedor. It's already dinner time. Medyo gutom na rin ako. I sat on my chair, kasunod niyon ay ang pag-upo naman ni Akihiro sa katapat na silya. He gave me a smirked. Asshole.


"Nag-apply ka ng trabaho?"



"None of your business." I said. Inis na sinubo ko ang hiniwang karne ng manok.




 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon