AN: Flashbacks ang naka-italic
------"Beat him," may ngisi sa labing sabi ng lalaking bumisita sa akin.
Kanina nang ipaalam sa akin na may bisita ako'y naghinala na ako. Mariin kong sinabi kay Shane na huwag munang bibisita dahil baka lalong magpumilit si Mayumi na puntahan ako rito sa kulungan. Kaya naman kahit labag sa loob ko na harapin ang lalaki'y wala akong nagawa. Heto at nakatayo sa harap ko ang nagpakilalang secretary ni Mayumi.
Secretary? Sa pagkakaalam ko'y walang ibang nakakasama si Mayumi maliban kay Emily. Sa mga nakalipas na araw ay halos palagi kaming magkasama ni Mayumi. Kaya ang lalaking nasa harap ko ngayon ay walang dudang tauhan ni Vincent.
"Mayumi want you dead. Kabayaran dahil sa pagpatay mo sa kaniyang ama." Nakangisi pa ring sabi ng lalaki.
Damn it. Ano pa bang gustong gawin ni Vincent? Matagumpay niya akong nailayo kay Mayumi. Ipinakulong niya ako kahit na alam ng lahat na wala akong kasalanan. Pagkatapos ay heto't gusto niya pa akong mawala ng tuluyan sa mundo?
"Mayumi loves me," malamig kong pahayag.
Malakas na halakhak ang pinakawalan ng lalaki. Maging ang ibang pulis sa paligid at ibang mga preso ay nakitawa na rin. Fuck! Don't tell me lahat ng narito'y kasabwat ni Vincent?
"She never told you about her feelings. Did you ever hear her said 'I love you, Akihiro'?" Patuya nitong sabi sabay lapit sa akin.
Isang malakas na suntok ang tumama sa panga ko. Gustuhin ko mang gumanti ay hindi ko magawa. Nakaposas ang mga kamay ko. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tingnan ito ng matalim.
"Hindi ba't hinayaan ka lamang niyang dakipin ng mga pulis? Wala siyang ginawa kundi ang pagmasdan ka habang hinihila na parang asong malapit nang katayin."
No. Alam kong gusto ni Mayumi na umapila habang hawak-hawak ako ng dalawang pulis. Gusto niya akong ipagtanggol at sabihin ang totoo sa harap ng mga ito. Kita ko iyon sa kaniyang mga mata. Pero wala siyang nagawa dahil sa takot na baka ang maging kapalit ng pagsasabi niya ng totoo ay ang buhay naming dalawa. I saw how Vincent threatened Mayumi with my own life. Napansin ko ang paghihirap niya sa pagdesisyon kaya naman nagpasya akong magpahinudhod sa kung anong gustong mangyari ni Vincent.
Mayumi wanted to save me. Alam ko, ramdam ko. Pareho naming iniisip ang buhay ng isa't isa. Pareho kaming handang sumugal. Iyon nga lamang, ako ang unang nagdesisyon sa aming dalawa. Kaya naman kahit abutin ako ng isang dekada sa kulungang ito, hinding-hindi mababahiran ng galit ang aking puso para kay Mayumi.
Isang malakas na sipa sa panga ang nagpabalik ng atensiyon ko sa lalaking kaharap. Hindi ako nakahuma sa lakas ng sipang iyon. Gusto kong gumanti at lumaban. Pero hindi ko na nagawa dahil nasundan pa nang nasundan ang mga sipa at suntok na natatamo ko.