"Atty. Dela Vega." Pagtawag ko sa lalaking nakaupo sa sala. He's having a tea while scanning some documents that's in his right hand. Kaagad na umangat ang tingin niya sa akin. He slowly put down the teacup and the documents before offering his hand for a shake hands.
"Good afternoon, Ms Lazaro." Seryoso nitong sabi bago lumingon kay Akihiro na nasa likuran ko. "So, you've met each other."
Saglit na tiningnan ko si Akihiro. Kita ko ang kaseryosohan sa kaniyang mga mata. Isang tikhim ang pinakawalan ko bago nagsalita. "Are you here to discuss about the last will and testament of my dad?"
Alam kong nabasa na nito iyon pagkalibing pa lang kay Dad. Nalaman ko rin mula kay Emily na kasabay ng pagbasa ng huling habilin ni Dad ay binasa rin ang huling habilin ng Mommy ni Akihiro. Noong isang araw ko pa tinawagan si Atty. Dela Vega. Kaya lamang ay abala pa ito sa ibang bagay. Marahil ay ngayon lamang ito nagkaroon ng oras para paunlakan ang aking imbitasyon.
"Yes," maiksing sagot ni Atty. Dela Vega. Saglit nitong tingnan ang documents na nasa harap. "Pero, pwede bang kami muna ni Akihiro ang mag-usap?"
Kaagad na umigkas ang aking kilay. "Kung tungkol iyan sa hacienda, may karapatan akong manatili rito."
Bahagyang natilihan ang abogadong kaharap ko. Muli itong sumulyap kay Akihiro. "Mr. Santibañez?"
"Sure," sagot ni Akihiro bago naupo sa pang-isahang upuan. "Actually, sasabihin ko rin naman sa kaniya ang tungkol sa pag-uusapan natin. Mabuti na sigurong siya na mismo ang makarinig mula sa iyo ng tungkol doon."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Akihiro. Diyata't seryosong bagay ang kanilang pag-uusapan. At mukhang may kinalaman talaga sa akin.
Maya-maya lamang ay nagsimula nang magsalita ang abogado. Pinag-usapan nila ang tungkol sa problema sa manggahan. Akala ko'y iyon lamang ang kanilang pag-uusapan. Nagulat na lamang ako nang dumako ang paksa nila sa nangyaring paghabol sa akin ng mga hindi kilalang kalalakihan.
"It's very obvious that there's someone trying to take your life. Ang nangyari sa manggahan ay hindi nalalayo sa nangyari sa'yo, Mayumi." Seryosong sabi ni Atty. Dela Vega.
Lalong lumalim ang kunot sa aking noo. "Anong ibig ninyong sabihin?"
"Base sa mga nakalap na information ng mga inupahan naming mag-imbestiga. Tatlong tao lamang ang maaaring nasa likod ng kaganapang ito." Sagot ni Atty. He reached for his phone. Saglit niya iyong binuksan bago inabot sa akin. "Iyan ang mga CCTV footages na nakuha ng investigator ni Akihiro. Nang hingiin niya iyan sa isa sa mga tauhan ninyong nakatalaga sa security house—napansin niya kaagad na my mali sa mga CCTV footages."
Salubong ang kilay na pinanood ko ang video. Kuha iyon sa lugar kung saan tumirik ang aking sasakyan. Ang sumunod na video ay noong hinabol na ako papunta sa maliit na kubol na malapit sa manggahan. Understandable na iyon kaagad ang sumunod na video, dahil imposibleng magkaroon ng surveillance camera sa gitna ng malapad na taniman ng mga bulaklak. Pero ang ikinapagtataka ko lamang ay wala ang kuha noong binangga ang aking kotse.
"Pinutol nila ang video." Komento ko.
"I know." Sagot ulit ni Atty. Dela Vega. "Kaya pinapuntahan ko ang talyer. Ang sabi, nawalan daw ng preno ang sasakyang bumangga sa kotse mo. Pinagpalagay na aksidente ang nangyari. Isa pa, hindi ka nagreklamo. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nauwi sa aksidente ang dapat ay isang murder case."