Kabanata 32

2.2K 79 11
                                    

"He asked for a second chance?" Gulat na tanong sa akin ni Emily matapos kong sabihin sa kaniya ang mga nangyari habang magkasama kami ni Akihiro.

Marahan akong tumango bilang sagot. Tama naman siguro na ipaalam ko sa kaniya ang mga nangyari kanina. Kung wala kasi akong pagsasabihan tiyak na mapupuno na naman ang dibdib ko. Hindi ko kakayanin.


Kanina nang sabihin ni Akihiro na siya pa rin ang nagmamay-ari sa akin tila ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Hindi kaagad ako nakaimik. Hindi ako nakakilos. Para bang isang baldeng malamig na tubig ang ibinuhos sa buo kong katawan. Kung hindi lamang dumating si Emily baka inumaga na ako sa kinatatayuan ko.


"Well, I kinda understand why he wanted to be with you again. Sa mga nasaksihan kong pangyayari, alam kong dapat lang na pagbigyan mo siya."


Awtomatikong nangunot ang aking noo. Mula sa pagkakaupo sa high stool sa bar area ng bahay ay bigla akong napatayo. "Akala ko ba si Vier ang gusto mo para sa akin?"


"Yes! I still want him for you. Pero, ikaw ba? Siya ba ang gusto mo?"



Once again, I don't know what to say. I like Vier. But, that's only because we're friends. I've been admitting to myself that it's always Akihiro. But that doesn't mean I'll give him another chance. I might think about it, but I don't know if I can give him the chance he wanted.



Maybe we still love each other. But we're old enough to know what we should prioritize in our lives now that we have a family to look after. I'm not closing my door. I only want to take a break after what happened. Sa tingin ko, ngayon ko pa lang makakamit ang relaxation na gusto ko. For the past years, hindi naman naalis ang mga alalahanin ko. Ngayon, gusto kong mag-umpisa ulit.


"Mayumi," pagkuha ni Emily sa aking atensiyon. Itinaas ko ang aking kilay, indikasyon para ipagpatuloy niya ang gustong sabihin. "Remember when I tried to talk to you at the airport? I said he was suffering from a selective amnesia. Pero hindi lang naman iyon ang gusto kong sabihin."


Kumunot ang noo ko. "Was it about Martha?"



"No!" Malakas na sabi ni Emily sabay hawak sa ulo. "I should've told you what really happened."


"Then, tell me now. Marami akong oras para makinig. Kahit gaano pa kasakit ang mga iyon tatanggapin—."


"Akihiro was beaten to death." Pangungusap na nagpaawang sa aking bibig. "Nagkaroon ng away sa loob ng presinto. And he was the only one who got beaten so bad. Vincent was the one who planned it. He said that, it was you who told him to kill Akihiro. Iyon ang naging rason kung bakit kinailangan siyang dalhin sa Canada para magpagamot. Someone smashed his head, dahilan para magkaroon siya ng amnesia."


Parang may kung anong sumuntok sa aking dibdib. Tila sinampal rin ako ng pagkalakas-lakas. What the fuck?


I can feel my tears on my cheeks. I still don't know what to say. I can't even think of anything except of Akihiro. He suffered that much? Kung ikukumpara ko iyon sa napagdaanan ko, mapapahiya lamang ako. All this time nagagalit ako dahil sa wala? That I was mad only because I thought I was the only victim of this stupid situation?


Fuck!



"Mayumi..."



Mula sa tahimik na pag-iyak ay napahagulgol na ako nang maramdaman ang pagyakap sa akin ni Emily. "Ang gaga ko! Ang tanga-tanga ko! I should've let him explain his side! Sana nakinig muna ako. Sana hindi muna ako nag-isip ng kung anu-ano! Ang sama kong tao!"


 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon