Wakas

3.1K 68 8
                                    

Malayo pa man kami sa isla ay napansin ko na kaagad ang mga taong abala sa kung anong ginagawa nila. Kunot ang noong napalingon ako kay Akihiro. Naglalaro sa kaniyang mga labi ang isang ngiti. “What are those?” Tanong ko habang nakaturo sa mga tao at mga kiosk na nasa isla.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Akihiro. “I’m sorry kung hindi ko nasabi sayo ang tungkol sa resort. I want to surprise you.”

Hati ang nararamdaman ko. May parte sa akin ang tila nalungkot sa isiping hindi na lamang kami at ang mga magulang namin ang makakasaksi sa kagandahan ng Paradise. Ganoon pa man, masaya ako dahil ngayon ay marami na kaming nakaka-appreciate sa kagandahan nito.

Isang matamis na ngiti ang kumurba sa aking mga labi habang natatanaw mula sa bangkang kinalululanan ko ang islang minsang nagbigay sa akin ng bangungot. A part of me was ruined because of what happened. Pero ngayon ay unti-unti ko nang ibinabaon sa limot ang lahat. Alam kong hindi madali na kalimutan ang pangyayaring iyon. Pero sa tulong ng mga taong sumusuporta sa akin; ang pagmamahal na ipinaparamdam nila sa akin, masasabi kong makakaya ko nang sumaya nang walang balakid sa likod ng aking isipan.

“We’ll be alright,” bulong sa akin ni Akihiro.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago kami tuluyang nakarating sa isla. Inalalayan ako ni Akihiro para makababa ng maayos. Inaasahan ko nang makakaramdam ako ng takot pagkayapak pa lamang ng aking mga paa sa buhangin. Subalit hindi iyon nangyari. Marahil ay dahil sa mahigpit na paghawak ni Akihiro sa aking mga kamay at sa masayang pagsalubong sa amin ng mga bata.

“Maligayang pagdating, mahal na Prinsesa,” nakangising sabi sa akin ni Shane. Natatawang inirapan ko lamang ito, pagkatapos ay pabirong hinampas sa braso.

“Ikaw, wala ka talagang palya sa pang-aalaska sa akin.” Pagbibiro ko.

“Hindi ka pa nasanay. Anyway nakahanda na ang pananghalian. Tara na at kanina pa nagrereklamo ang mga bata.” Pagsingit ni Emily bago kami niyakag papunta sa rest house.

Bago tuluyang pumasok sa bahay ay pinagmasdan ko munang mabuti ang kabuohan nito. Ibang-iba na ang hitsura nito sa dati. Mukhang ginawa nga nila ang lahat para tuluyan ko nang makalimutan ang mga kaganapan noon.

Nang makapasok sa loob ay marami din ang mga nabago. Napapangiting pinagsasawa ko na lamang ang aking mga mata sa kagandahan ng bahay. Para akong isang bisita sa bagong tayong bahay. Nawala na nga nang tuluyan ang bangungot ng kahapon.

“I like your smile, honey. It’s pure and sweet. I love you.” Bulong ni Akihiro na ikinatayo ng mga balahibo ko sa batok. Paano ba naman kasi’y tumatama ang kaniyang hininga sa aking tainga at leeg.

Akma akong sasagot sa sinabi ni Akihiro nang biglang pumagitna sa amin si Emily. “Mamaya na iyang harutan ninyo, nagugutom na kami.” Sabi nito bago kami tuluyang hinila sa komedor.

Masiglang kumain ang lahat. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang mahabang lamesa. Lahat ay may kaniya-kaniyang kwento na gustong ibida; lalo na ang mga bata. Nagpapaunahan ang mga ito sa pagkuwento ng kung anu-anong bagay na nadiskubre nila rito sa Paradise. Hindi na nga kami magkaintindihan sa kung sinong uunahing pakikinggan. Sa huli, lahat kami ay nahilo sa paiba-ibang kwento ni Elayka at Maki.

Pagkatapos mananghalian ay saglit kaming nagpahinga. Nakatulog ang mga bata sa duyan na nasa labas. Kasama ng mga ito si Shae at Emily. Sa Manang Sabel naman ay piniling sa sala magpahinga. Habang ako at si Akihiro ay sa balkonahe sa aking kuwarto na nasa ikalawang palapag. Saglit lamang kaming nagpahinga. Nang dumating ika-tatlo ng hapon ay niyaya naman ako ni Akihiro na maglakad-lakad para naman makita ko pa ang kabuohan ng isla.

“Mas masaya siguro kung kompleto tayo.” Mahina kog sabi habang binabaybay namin ni Akihiro ang kalaparan ng dalampasigan.

“Pinapalungkot mo lang ang sarili mo,” komento niya bago pinisil nang bahagya ang aking kanang kamay.

 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon