It seems like luck won't take my side for this day. I prayed not to see Akihiro and Maki again after what happened in the parking space. But yeah, shits do happen when you're trying to avoid it.
"Are you dumb?! Can't you see I'm playing with this because this is mine?!" Sigaw ng maliit na paslit sa tahimik na si Maki. Nasa isang gilid lamang ang mga ito ng maliit na playground sa loob ng mall.
Dinala ko si Elayka rito para sana makapaglaro ito. Pero mukhang hindi iyon ang mangyayari. Sana pala si Vier na lang ang pinasama ko kay Elayka.
"I just want to borrow it," naiiyak na sabi ni Maki habang nakatingin sa SpongeBob balloon na hawak ng bata. Nakita ko kung paano kumibot ang mga labi ni Maki habang pinipigilan ang sariling tuluyang umiyak.
Napasinghap ako ng malakas nang makita ang pagtulak ng bata kay Maki. He's still holding his tears!
Inilibot ko ang tingin. Hinanap ko si Akihiro pero wala ito. "Ah, Akihiro! Damn you." Inis kong sabi bago nilapitan si Maki na ngayon ay sinisipa ng bata.
"You should ask your mom to buy you a balloon!" Sigaw pa ng bata.
"I can't do that. I don't have a mo—."
"You don't have money? You're poor?! That's why you want to steal my balloon! Shame on you!"
Lalo akong nainis sa narinig. Kaya naman pagkalapit na pagkalapit ko sa mga ito'y walang pasabi kong hinatak ang lobo na ikinatili ng bata. May ilang tumingin sa direksyon namin. Pero mukhang walang pakialam ang mga ito.
"Oh, I'm taking away your balloon. What are you gonna do about it?" Sabi ko habang pinanlalakihan ng mga mata ang bata. Oh I love kids. But not this little monster in front of me.
"Tita-Mommy..." I heard Maki sobbed. Naramdaman ko ang pagyakap nito sa aking hita.
"Shhh, don't cry. Please don't cry. We'll buy balloons after this. Right, mommy?" Tanong sa akin ni Elayka na ngayon ay umiiyak na rin habang hinihila si Maki para mayakap nito.
"Yes, we'll buy a lot of this." Sabi ko sabay lapag ng lobo sa baba. Walang pasabi ko itong inapakan na siyang dahilan kaya ito pumutok. Kawawang SpongeBob. I smirked when I heard the child's crying. "Oops, I'm sorry. I will also buy you one, because we're rich. We're fucking rich." Sabi ko habang binibigyang diin ang huling pangungusap.
"What the fuck?!" Sigaw ng babaeng kararating lamang. Ito yata ang ina ng batang umiiyak ngayon sa harap ko. "Why did you do that to my son? Wala kang awa, pati bata pinatulan—."
She stopped talking. At kahit ako na hindi naman nagsasalita ay tila naumid ang dila. My eyes met hers. I know those eyes.
"Mayumi," napapaawang ang bibig na sabi nito.
Again, I smirked. "It's nice to see you again, Barbie." Right, it's Barbie. Ang kaklase kong inaway ako dahil nagkagusto ako kay Akihiro. Ang kaklase akong inggit na inggit sa akin dahil mataas ang grado ko sa school. Dagdag pa na anak ako ng isang Lazaro.
"What did you do to my son? Hanggang ngayon ba may galit ka pa rin sa akin kaya gumaganti ka ngayon sa anak ko?!" Sigaw nito na ikinatingin sa amin ng maraming tao. I saw some audience taking videos. I smiled. What's new? Everyone sees me as the villainess in this town. Ugh, whatever!