Pinili kong huwag na lamang pansinin ang ginawa ni Emily. Natural na kasi sa pinsan ko ang pagiging maldita. Hindi na bago sa akin na minsan nitong inismiran ang ilan naming kawaksi noon.
"May nakita na ba sa investigation?" Tanong ko na lamang kay Emily para malayo na ang tingin nito kay Manang Susan na naglalakad pabalik sa kusina.
"Wala pa nga eh. Hindi malinis ang pagkakagawa ng problemang iyon, pero ang hirap tukuyin kung sino ang may sala. May log book ang mga trabahador sa farm ninyo. Lahat naman ay on time kapag pumapasok at umaalis."
"Malay mo naman bumabalik sila after nilang—."
"Gaga, maraming nakakalat na surveillance cameras sa buong hacienda. Kung may bumalik man para magnakaw tiyak na makikita sa security room. Isa pa, marami ring rumurondang security guard rito."
Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga narinig na sinabi ni Emily. Ilang sandali lamang ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Hindi ako papayag na magpatuloy ang ganitong pangyayari. Ninanakawan kami ng malaking salapi. Kung nabubuhay si Daddy, natitiyak kong ipagsasawalang bahala nito ang bagay na iyon. Marami na nga naman itong pera at madali para ditong ibalik ang nawala. Pero iba ako. Hindi ako papayag na umabuso ang kung sino mang kawatan na iyon.
"I'll talk to Akihiro." Seryoso kong sabi na bahagyang ikinataas ng kilay ni Emily. Kumunot ang noo ko. "Can you tell me about him?"
Ngumisi si Emily. "Nakuha niya ba ang atensiyon mo?"
I rolled my eyes. "He was my highschool teacher. Grade twelve ako noong naging teacher ko siya. So, yeah, nakuha niya ang atensiyon ko. Lalo na nang malaman kong anak siya ng babaeng pinakasalan ni Dad."
Muli kong naalala ang naging sagutan namin ni Akihiro. Hindi man niya sabihin nang diretso'y alam kong may parte sa kaniya na sinisisi si Dad sa pagkamatay ng kaniyang mommy. Kung hindi nga naman dumating sa buhay nila si Dad, hindi mangyayari ang aksidente na iyon. He was angry and sad. Pero pinili niya pa ring manatili rito sa hacienda para pagbigyan ang hiling ni Dad. Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan niya. Basta naghinala na lang akong masama iyon. I don't have any proofs about that. Kaya heto at gusto ko pa siyang kilalanin. Though, I already know him being my highschool teacher, limited lamang iyon. I wanna know everything about him. Lahat ng tungkol sa taong sinabihan ko ng nararamdaman ko. Stupid me!
"Well, he's nice." Nakangiting sabi ni Emily.
Matalim na tingin ang ibinigay ko rito. "Hindi iyon ang gusto kong malaman."
Isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito bago tumikhim. "Mabuting tao si Akihiro, Mayumi. Kung hindi'y bakit maayos pa rin ang takbo ng LGC at ng hacienda na iniwan ni Tito? Marami siyang pinamamahalaang kompaniya, kabilang na ang kompaniya ng mommy niya. Pero tingnan mo't nagagawa niya pa rin ng maayos ang trabaho sa loob ng limang taon. Iniwan niya ang pagtuturo para lang sa huling kahilingan ni Tito Arnold. He wanted him to manage everything habang hindi ka pa nakakapagtapos. But now that you're here, sa tingin ko'y nagpaplano na rin si Akihiro na iwan sa iyo ang lahat."
Natahimik ako. Damn! Ngayon nagdududa na ako kung matalino ba talaga ako. Shit! Ang bobo ko!
"Emily..."