"Manang Susan, ano hong almu—." Natigil ako sa pagsasalita nang mapasukan ko sa dining room si Manang. Tila nahihintakutan ito habang nakatingin sa hawak na isang parisukat na papel. I'm not sure kung anong nilalaman niyon. But, the expression on her face—she was terrified.
"Uh, Emily, ang aga mo yatang nagising. Maghahanda pa lang ako ng almusal." May kaba sa boses na sabi nito.
I bit my lip. Sinundan ko ng tingin ang paglakad ni Manang palapit sa lababo. There's something off about her. She seemed so awkward. Parang may itinatago itong hindi pwedeng malaman ng sinoman.
Oh well, dati pa man ay may napapansin na ako kay Manang na kakaiba. There's something about her smiles whenever Tito Arnold's around. Ang buong akala ko'y normal iyon dito dahil sa kaalamang lumaki itong kasama si Dad at Tito Arnold. Nitong huli ko lamang nalaman na may kakaiba pala talaga kay Manang Susan.
She fell in love with her best friend. Too bad, Tito Arnold loved someone else. Nang mamatay ang unang asawa ni Tito, pansin kong umasa si Manang Susan na matutugunan na ang pagtingin nito kay Tito. Pero dumating sa buhay nito si Tita Eliza at Hiro. And that was the reason why she planned to kill Tita Eliza. Sa kasamaang-palad, pati si Tito Arnold ay nadamay.
"Ano'ng gusto mong agahan, Emily?"
"Nevermind, Manang. Magkakape na lamang ako." Right. Dapat siguro na ako na lamang ang maghanda ng aking agahan. Baka hindi ko napapansin ay nilalason na pala ako paunti-unti ni Manang Susan.
"Ganoon ba? Si Shane na lamang ang ipag—."
"No need, Manang Susan." Sabat ng kapapasok lang na si Shane. Bagong ligo ito. Tumutulo pa ang tubig sa basang buhok. Pansin ko rin ang malapad nitong ngisi. "Magkakape na lang din ako."
Hindi ko napigilan ang pagsingkit ng aking mga mata. Kahapon pagkaalis ni Hiro at Mayumi'y tila naging abala si Shane sa kung anong bagay. He looked suspicious. Pero hindi sinasadyang marinig ko ang pag-uusap nito at ni Hiro sa cellphone. He's working for Hiro. Isang dahilan para maalis ang kaba sa aking dibdib.
"Where's Vince?" Tanong kong ikinatuwid ng tayo ni Manang Susan. Umigkas ang aking kilay. Isa pa ang Vince na iyon. Anak nga talaga ito ni Manang Susan.
"Inaasikaso iyong bubuksan niyang shop sa bayan."
"Ah! 'Yung dried fruit shop?" May ngisi sa labing sabi ni Shane. "Ibig bang sabihin niyon dito siya sa Hacienda Lazaro kukuha ng mga prutas?"
Naging malikot ang mga mata ni Manang Susan. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Oh damn it. I should've told Mayumi about Manang Susan. Natitiyak kong hindi ito maniniwala sa umpisa. Pero ang kaalamang si Manang Susan ang dahilan ng pagkamatay ni Tito Arnold at Tita Eliza, baka ngayon din mismo, hihimas ng bakal na rehas si Manang at ang mga kasabwat nito.
—
"Wow!" Malakas kong bulalas pagkababa pa lang namin ni Hiro mula sa bangkang de-motor. Hindi ko napigilan ang pagngiti nang lumapat ang aking mga paa sa puti at pinong buhangin ng isla. "Ang ganda!"
"You like it here?" Tanong sa akin ni Akihiro.
"Of course! Bakit ngayon mo lang ako dinala rito?"
"Busy ka sa Australia. Inaway mo naman ako pagkarating mo rito sa Pilipinas. Ngayon lang ako nakahanap ng tiyempo para dalhin ka rito." Mahabang paliwanag ni Akihiro.