IWGU 6

111 6 1
                                    

Ranz Pov

Kaalis lang ng babaeng mahal ko, oo inaamin ko mahal ko pa rin siya, kahit alam kong di na niya ako mahal, at di na siya muling babalik sa akin. 2 years ago ng makipag break siya sa akin sa di ko malamang dahilan, alam niyo yung feeling na ang sakit-sakit kasi nakipag-break siya na di man lang sinasabi sa akin kung ano yung dahilan? Halos mabaliw ako nung time na yun. Pero pinilit kong mag move on kahit alam kong masakit para makalimutan siya. Pero taghana nga naman binigyan niya pa rin ako ng pagkakataong makita siya, di ko inaasahang sa paglipat ko ng school makikita ko siya. Di pa rin siya nagbabago maganda pa rin gaya ng dati. At siya pa rin yung taong mahal na mahal ko.

Status: Mahirap makita yung taong mahal mo na may kasamang iba:( Ouch!

Comment:*****( sakin ka na lang? di kita sasaktan)

                     ********(Hindi sakin ka na lang, mamahalin kita)

Ito yung nakakainis kasi paglipat ko ng St.Francis Integ. School, pinagkakaguluhan ako ng mga babae, ngayon lang ba sila nakakita ng pagmumukhang to?

At di ko inaasahan nung first day, hinalikan ako ng babae sa cafiteria mabuti na lang di nakita ni kyla yun baka kasi isipin niya na chickboy na ako ngaun. Haixt, mabuti na lang at may pinag kakaabalahan ako ngayon, pagsayaw kasama yung grupo ko, kilala kami bilang Chicser.

Nagsasayaw para ma ispire yung iba para rin sumikat diba? First namin yung *Teach Me How To Dougie* ok lang hehe, pero marami rin yung nag like tska nag views.

Search: Kyla Marie Jalandoni

oh teka may new status siya?

Status: Ang hirap kang kalimutan? 

Tss! siguro yung cejay yung di niya makalimutan ! Halos sumabog na ako kanina ng nakita kong hinawakan ni cejay yung kamay ni kyla, kaya yung ginawa ko hinatak ko na lang siya palayo at nagdahilan na gagawa kami para sa project! 

Haii, makatulog na ngalang maaga pa pasok ko bukas eh.

Kyla's Pov

Good Morniing Sun ! New Day, New work nanaman :(  at makikita ko nanaman siya.. Makabangon na nga at baka ma late ako, so yu  ginawa ko yung daily routine ko, naligo, nagbihis kumain nag toothbrush, tsaka nag paalam kay manang,hehe bait ko no?

Nagmadali akong pumasok, baka late nanaman? baka pagalitan ako ng pinakamabait kong teacher,hehe.

Oh teka? si cejay ba yun? kausap si rhazel? chaar, tong babaeng to halata namang kinikilig,haha matukso nga mamaya, cguro di pa time andito pa yung mga kaklase ko sa labas eh, diritso muna ako ng cafiteria bili lang ng gummy worms, my favorite!

Pagdating ko ng cafiteria,dumiretso agad ako kay manang para mabili ko na yung may ever favorite gummy worms,yum yum yum,! "Ah, manang 3 pack nga po ng gummy worms" oh baka sabihin niyo ang takaw-takaw ko? haha,hanggang mamaya nato baka maubusan eh mabuti na yung handa :D . Binayaran ko na tsaka umalis, habang naglalakad ako kinakain ko yun, ako kasi yung tipo na habang naglalakad na kumakain parang wala akong pakialam sa mundo? pasensiya na pinanganak akong ganito eh,hahaha!

"Gurl, nakita mo na ba yung video nila ranz? kasama yung barkada niya? chicser ata yung pangalan ng group nila eh? ang cute2 kaya nila dun" Girl 1

"Ah, oo andito nga yun sa phone ko eh, hala! sikat na talaga sila no?" Girl 2

"Sigurado akong maraming magkakarandapa sa kanila eh ang ga-gwapo nila eh, lalo na yung ranz, taga rito pa naman yun!" Girl 3

"Balita ko rin,  lilipat daw ng school  yung barkada niya dito, gosh gurl! swerte ng school natin!"     Girl 1

Ranz? Barkada? emeghed! baka sila yun?

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon