IWGU 8

107 6 5
                                    

Kyla's Pov

Pagbalik ng classroom, ayun lesson lesson si maam wala namang nkikinig sa kanya.Para naman siyang tanga diyan sa unahan.Tss,di ako makapag focus kasi ano kasi? katabi ko siya,ni hindi man lang kami nag-usap tungkolsa bagay na yun, kasalanan ko naman kasi pinakawalan ko yung taong mahal na mahal ko. Wala naman akong magagawa baka magalit sila mama at papa :(

Pagtapos nung last subject,dumiretso na ako ng locker para ilagay yung mga gamit ko.Tsaka sa labas ko na lang siya hihintayin.Remember may gagawin pa kami para sa music video??Pagtapos nun,dumiretso na ako sa labas para hintayin siya.

Pero paglabas ko nakita ko na may kasama siyang iba,yung babae kanina nung game? yung kasama niya?nagtatawanan pa sila,halatang masaya sila guguluhin ko pa ba? pupuntahan ko pa ba? wag na parang wrong timing naman ata nun,saya-saya nila lalapit pa ako mas mabuti pang umalis na lang ako.

Di ko namalayan tumulo na pala luha ko, takbo lang ako ng takbo di ko alam kung saan na ako patungo ang importante makalayo ako sa kanila. Napaupo ako sa dating pinuntahan ko nung una kong nakita na may kasama siyang babae at kahalikan pa :"(

"Umiiyak kana naman?" alam kong siya yun.

"Ba't di mo pa kasi sabihin sa kanya na nasasaktan kana?"

"Hindi na pwede oliver, hindi na pwede kasi may bagong buhay na siya, guguluhin ko pa ba? di na pwede kasi may mahal na siyang iba" Tuluyan na akong napahagulgol. Napasandal tuloy ako sa balikat niya.

"Shhhh wag ka ng umiyak,andito naman ako pwede  kang mag open up sakin gaya nga nang sanabi ko kanina, umiyak kana kanina tapos umiyak kana naman ngayon? di ba napapagod ng kaiiyak dahil sa kanya?" kailan may di ako mapapagod,dahil mahal na mahal ko siya.

"H-hindi*sobs* ko naman sinasadyang *sobs* makita silang magkasama eh *sobs* " 

"Shhh, ganito na lang sumama ka na muna sakin, papasayahin kita" napatingin naman tuloy ako sa kanya

"Saan?" tapos pinunasan ko yung mga luhang patuloy paring pumapatak sa mukha ko.

"Basta tara na"tapos hinila niya ako, nakahawak kamay tuloy kami tingin naman yung mga tao.Hello! di to sinehan, kulang na lang popcorn eh! Tumigil kami sa isang Black porsche.Ganda! yaman naman nito!

Pinagbuksan niya ako ng pinto"Pasok na"

Pagpasok ko, pumasok na rin siya. Tahimik lang ako habang tinatanaw yung ganda ng paligid, hmm? saan naman to? pero di ko na aapreciate ganda ng paligid, kasi naman siya pa rin ang iniisip ko :( aww.

"Andito na tayo" sabi ni oliver, tumingin naman ako sa labas. O__O ganda naman ng bahay nato. May fountain sa gitna tapos yung parang palasyo ganda talaga as in.

"Asan tayo?"

"Nasa bahay ko" masiglang sabi niya

"Huh? eto yung sanasabi mo kung san masaya?" Masaya ba dito? sabi niya eh

"Oo tara na nga" Lumabas na siya at pinagbuksan ako ng pinto, gentleman!

Habang papasok kami sa main door nila, pag bukas wow! ang liwanag daming nagkalat na mga maids tsaka may isang maliit na bata dun, ang cute niya hehe!

"Hi tuya" kapatid niya? tumakbo papalapi samin yung cute na bata tsaka yumuko si oli para i-hug siya,aaah so sweet ng magkuya. Inggit tuloy peg ko wala akong kapatid eh :(

I Won't Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon