Chapter 14

955 52 21
                                    

Micah's POV

So...ilang months na. Today is a school day and actually pauwi na kami ni Darren sa bahay.

Dumaan muna kami ng park.

Umupo ako sa swings...Favorite ko ang swings eh!

Teka bat parang kinakabahan tong itsura ni Darren? Para siyang pinagpapawisan na nanlalamig na ewan na mukhang kinakabahan.

"Uh..Micah may kailangan kang malaman" Sabi niya.

"Ano naman yun?" Tanong ko.

Teka bakit parang bumibilis ang kabog ng puso ko?! Bakit ako kinakabahan?

"Uh...kasi. Pinasok nako sa showbiz nila mommy at daddy bilang singer and...kailangan na natin magbreak up" Sabi niya.

ANAK NG KESONG TOKWA!

"Huh? Ren bakit? Eh ano naman kung pumasok ka ng showbiz? Bakit kilangan natin magbreak up?" Tanong ko.

"Kasi sabi nung manager ko...dapat daw walang panggulo. Dapat daw makipagbreak up na sa girlfriend at kahit kaibigan di pwede" Sabi niya.

"So ganun?! Panggulo na lang pala ako! Pagkatapos kita pagsilbihan ng halos isang taon panggulo lang pala ako sa buhay mo! Pagkatapos ko ibuwis ang buhay ko para sayo panggulo lang pala ako!" Sabi ko umiiyak.

Yumuko na lang si Darren.

"Uwi na tayo." Sabi ko.

"M-Micah.." Sabi ni Darren pero di ko siya pinatapos.

"UWI NA NGA TAYO DIBA?!" Sigaw ko.

Naglakad na kami pauwi. Tahimik lang.

Pagpasok ko, inutusan ako ni Sir Lyndon  na sumama sa office niya. Sumunod ako at umupo.

"Siguro nasabi na ni Darren ang tungkol sa pagpasok niya sa showbiz."Sabi ni sir.

"Opo" Sagot ko.

"Alam mo Micah...alam ko naman na mahal mo si Darren at marami na kayo napagsamahan...pero kasama sa pagtupad ng pangarap niya, kailangan niya isakripisyo pati ang relasyon niyo. Masakit rin naman para sa kanya eh" Sabi ni Sir.

"Naiintindihan ko naman po..." Sabi ko.

"Gusto ko rin sana malaman mo na...bukas na ang huling araw mo dito sa bahay ko. Susuportahan ko pa rin naman ang pag-aaral mo kaso baka hindi mo na makita o makausap kailan man si Darren" Sabi ni sir.

"Opo." Sabi ko.

Pinapunta niya nako sa kwarto ko. Btw last day of school ngayon so start of summer na bukas...pero hindi ako masaya.

Nasayang lang kasi lahat eh. Lahat lahat. Para lang talaga sa career niya isasakripisyo niya relationship namin samantalang ako sinakripisyo ko na pati buhay ko...pero wala eh.

Nagimpake nako.

"Gusto mo ba tulungan kita?" Narinig kong tanong ni Darren.

Inirapan ko lang siya.

"Uyyy Micah. Ngayon na nga ang huling araw na makikit at makakausap mo ko tapos di mo pa ako papansinin? Micahhh" Nagmakaawa siya.

"Bahala ka nga!" Sabi ko.

"Basta wag mo kakalimutan na hindi kita tinuring na katulong. Hinding hindi ka naging katulong sakin dahil mas importante ka pa sakin kaysa sa mga kaibigan ko" Sabi niya at umalis.

Tumulo na ang mga luha ko.

Sa sobrang pagiiyak nakatulog nako.

------------------------------------------------------------------------------

Hi guys okay sorry kung super short t super late nako di nakakaupdate pero sana nagustuhan niyo :))))

The Maid (A Darren Espanto Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon