Micah's POV
Lumipas na ang isang linggo and yasss! Naalala ko na lahat lahat na nangyari. Alam ko na kung bakit ayaw ni Darren na pansinin ko si Twittle, alam ko na kung ano ang buong pagkatao ni Darren at alam ko na rin na boyfriend ko si Darren. Basta LAHAT! Effective talaga yung therapy na yun. Tatlong araw lang sumakit ulo ko, wala na ngayon.
Syempre, dahil okay na ako pinabalik nako sa trabaho bilang katulong.
Saturday ngayon kaya kahit 8:30am na, tulog parin si Darren. Iniwan ko na lang breakfast niya sa kwarto niya.
Tapos na lahat ng chores eh. Ang boring! SUPER!
Lumabas muna ako at pumunta sa swings sa park.
May lalaki na medyo familiar tapos umupo siya sa swing na katabi nung akin. Bandang kanan.
"Micah...galit ka ba sakin?" Tanong niya.
Si Jakey yun ah!
"Bakit naman ako magagalit sayo?" Tanong ko pabalik
"Eh kasi...ako yung dahilan kung bakit hindi na kayo magbff ni Twittle eh. Galit nga rin siya sakin eh pero di ko naman kasalanan diba? Hindi ko naman alam na hahalikan niya ako sa pisngi eh. May sasabihin sana ako sa kanya kaya ako tumingin sa kanya. Hindi ko alam na ganun pala mangyayari" Paliwanag ni Jakey.
"Ah...yaan mo na siya. Hindi naman siya kawalan sa buhay natin eh" Sabi ko ng ngumiti.
Bigla na lang lumabas si Darren ng bahay. Nakangiti kaso nung nakita niya kami ni Jakey sumimangot siya. Ang cute hahaha.
Tumabi sakin si Darren pero bandang kaliwa naman.
"Good Morning bae!" Bati ni Darren tapos yakap sakin.
Huh?! Bago ata toh ah.
"Uh....good morning bae!" Bati ko.
Teka....parang ang sweet sweet ni Darren ngayon ah. Naka shabu ba toh?!
"Ah sige Micah. Kailangan ko na umalis ah" Sabi ni Jakey sabay yakap at halik sakin sa pisngi.
Friendly kiss lang naman yung ginawa niya eh kaya walang malisya.
Pagkaalis ni Jakey, tumingin ako kay Darren. Hindi siya makatingin sakin ng diretso tapos ang sama pa ng mukha. Ano yun?! Kanina ang sweet sweet ngayon ang bitter?! Ang labo naman ng lalaki na toh.
"Uy anyare sayo?" Tanong ko.
"Ha? Ah..wala. Ayos lang ako" Sabi niya pagalit.
Natatawa nako hahaha. Nagseselos si bebe Darren hahahaha. Ang cute niya kapag nagseselos.
"Selos ka noh?" Tanong ko.
"Ano?! Di ah!" Sabi niya.
"Wehhh!!! Selos ka eh. Kung di ka nagseselos, bat ang sama ng mukha mo?" Tanong ko.
"Masama lang gising ko" Sabi niya.
"Ows! Eh kanina nga kulang na lang langgamin ka na sa kaka sweet mo eh, tapos ngayon dinaig mo pa ang ampalaya!" Sabi ko.
"Sige na! Panalo ka na!" Sabi niya galit pa tono.
"Hahahahaha" Tawa ako ng tawa.
"Bahala ka nga dyan!" Sabi niya.
"Hahaha...uy...wag ka magselos. Ikaw lang naman mahal ko eh" Charot! Haha yaan niyo na. Sinusubukan ko maging sweet eh.
Inakbayan niya ako. Medyo okay okay na yung mukha niya.
----------------------------------------------------------------------------------------------
Guys! Oo alam ko napaka short at corny nitong chapter nato. Sorry!
Sorry na din kung di nako masyadong naguupdate ha kasi busy na me sa school eh. Tapos may math dance pa kami.
Love you guys! Vomment <3
BINABASA MO ANG
The Maid (A Darren Espanto Fanfic)
JugendliteraturMicah Testor wasn't very rich. In fact she was very far from rich. She's the eldest among five children. She has two baby brothers and two baby sisters. Their father left them when she was just five years old. In order to help her mom with their exp...