Darren's POV
"Darren mag Christmas shopping kaya kayo ni Micah. Pasasamahin ko sana si Lynelle kaso inaantok eh" Sabi ni dad nung hapon na yun.
"Sige dad" Sabi ko.
Nagsuot ako ng green checkered polo, white tokong at Black Nike rubber shoes.
Si Micah nagsuot ng green sleeveless shirt, black denim shorts at sandals.
Ang init kasi ng panahon ngayon eh.
2 hours later.....
Nakabili na kami ng mga gamit kaya nagdesisyon na kaming umuwi. Hinihintay namin yung driver sa park.
Bigla akong may nakita na babae at lalaki na naghahalikan or parang accidental na tinuloy. Teka si Twittle ba yun?
"Micah si Twit ba yan?" Tanong ko.
"Huh? Halaa oo!" Sabi niya.
Di ko napigilan. Merong mga luha na bumuo sa mata ko.
"Sige lamunin niyo ang isa't isa!" Sigaw ko.
Lumingon sila st si Twittle nga yun. Kasama niya si JK. Kaklase ko nung grade 5.
Lumapit sakin agad si Twittle.
"Darren wala yun hin-"
Sinubukan niya magpaliwanag pero hindi ko na siya pinatapos.
"Tumahimik ka! Nakita ko ang lahat. Ang landi mo kababae mong tao!" Sabi ko. Di ko na napigilan eh.
"Ako malandi ?! Matatanggap ko pa kung sa ibang tao nanggaling yan pero sa lahat ng magsasabi niyan, ikaw pa talaga?!" Sabi niyang umiiyak.
"Kalimutan mo na naging tayo! Wala ng tayo!" Sabi ko at umalis na ako.
Narinig ko pinagsasabihan niya pa si Micah. Aba! Siya pa itong galit ngayon! Grabe talaga! Hinding hindi ko siya mapapatawad!
Micah's POV
Pagkatapos ako sampalin ni Twittle, hindi ko na talaga inisip na kaibigan ko siya. Wala na ang masasayang araw naming dalawa. Magkaaway na kami.
Umalis ako it iniwan ko siya.
Teka! Asan si Darren?!
Anubayan! Nakipagdramahan pa kasi ako kay Twittle eh! Dapat sumunod na lang ako nung lumakad paalis si Darren.
Tinawagan ko siya sa cellphone niya. Hindi niya sinasagot! Naka 118 missed calls nako wala parin sagot! Nagaalala na ako.
Bigla na lang may kumalabit sakin. Sana si Darren! Sana si Darren!
Hindi si Darren! Si Kuya Rem! Yung driver ni Darren.
"Micah! Asan si Darren?! Diba kasama mo yun?" Tanong niya.
"Kuya mukhang tinakasan niya ako. Nawawala siya tapos ayaw niya sagutin cellphone niya!" Sabi ko.
"Hala patay! Nagpapark na sa parking lot sila Mam at Sir kasama si Lynelle. Dito daw kasi sila kakain ng hapunan." Sabi niya.
"Halaah! Kuya tulungan mo ko! Kailangan mahanap natin siya!" Sabi ko.
"Mahanap sino?"
Rinig ko. Teka. Boses yun ni.....MAM MARINEL! ANAK NG KALABAW! PANO NA TOH!
"Sinong hahanapin?" Tanong niya muli.
"M-m-mam s-s-si D-Darren po nawawala" sabi ko.
"Ano?! Bakit?! Hindi mo ba siya nabantayan?!" Tanong ni mam.
"Mam kasi po nagaway sila ni Twittle tapos umalis po siya eh hindi ako pinaalis ni Twittle agad. Napag initan pa po ako. Eh nung aalis na po ako napansin ko po na wala na si Darren." Sabi ko.
"Ganun ba? Kung ganun hindi mo kasalanan. Tara hanapin natin si Darren. Wala kang kasalanan Micah" Sabi ni mam.
Hinanap namin si Darren sa lahat ng lugar pero wala eh. Bigla akong may naisip. Si Darren, iisa lang ang nagpapasaya dun ng tunay. Mga Nike shoes. Alam ko mahirap paniwalaan pero ganun talaga eh.
Pumunta kami sa Nike Store at nakita namin si Darren nakatunganga sa isang pair. Baka gusto niya bilhin, pero diba meron na siya niyan?!
"Darren, anak. May gusto ka ba bilhin dito?" Tanong ni Mam Marinel.
"Wala po mommy." Sabi niya.
Ah...alam ko na kung bakit siya nakatunganga sa sapatos na yun. Yun yung mga binigay sa kanya ni Twittle noon. Masakit talaga yung pinagdadaanan niya. Paskong pasko pa naman tapos ganito?
"May gusto ka ba sabihin?" Tanong ni mam kay Darren.
"Wala rin po mommy" sabi niya.
Pumunta na kami sa restaurant na kakainan nila. Sa Super Bowl.
Dapat magiintay lang kami sa labas ni kuya Rem kaso sabi ni Mam Marinel kasama daw kami sa kanila na kakain.
"Bakit parang antagal ninyo?" Tanong ni Sir Lyndon.
"Ah eh hinanap pa namin si Darren. Nawawala pagdating natin eh." Sabi ni mam.
"Ah ganun ba? Micah magusap tayo mamaya sa office ko" Sabi ni Sir Lyndon.
"Opo" sabi ko.
Kinabahan ako sa totoo lang. Sana hindi ako mawalan ng trabaho dahil dito. Hindi dahil kay Darren, syempre pano na yung pamilya ko?
Pagkauwi namin, dumiretso ako sa office ni sir Lyndon.
"Micah umupo ka" Sabi niya.
Umupo ako sa upuan.
"Micah akala ko ba mapagkakatiwalaan ka? Bakit naman simpleng trabaho lang na hindi mahihiwalay sayo si Darren hindi mo pa magawa?" Nagalit sakin si Sir Lyndon.
"Sir sorry po talaga di na po mauulit" Sabi ko.
"Talaga lang. Paano kung may nangyaring masama ky Darren? Sa susunod bantayan mo siya ng maiigi ha. Dahil sa susunod na mangyari pa ito, tanggal ka na sa trabaho mo" Sabi ni Sir.
"Pangako po" Sabi ko.
"O sige balik ka na sa kwarto mo" Sabi niya.
Umalis ako at pumunta sa kwarto ko. May kumatok at lumingon ako.
"Pwede po ba pumasok?" Hahaha si Darren pala yun. Cute niya.
"OO" Sabi ko.
Tumabi siya sakin,
"Sorry ah. Alam ko dahil sakin muntik ka na mawalan ng trabaho" Sabi niya.
"Pshh hayaan mo na yun. Wala yun" sabi ko
"Hayaan mo babawi ako sayo" pangako ni Darren.
"Wag na" sabi ko.
"Hindi. Hindi ako papayag na hindi ako babawi" Sabi ni Darren.
"Sige na nga. Eh ano pa ba magagawa ko?" Sabi ko.
Tumawa siya ng onti. Cute niya grabe!
Nagpinky swear kami tapos tumawa ng sabay. Para kasi kaming mga maliliit na bata kung maka pinky swear. Ayan ulit si Darren. Nagpatawa pa ng nagpatawa.
Nakita namin ang mommy niya sa labas ng kwarto. Hindi nga pala nakasara yung pinto.
Ang ganda ng ngiti ni Mam Marinel.
Pumasok siya sa loob.
"Ang sweet niyo naman dalawa. Naalala ko tuloy noon kami ni Lyndon. Hindi rin kami mapaghiwalay noon. Bagay naman kayo" sabi ni mam.
"Ha? Uh ma baka antok ka lang tara tulog na tayo" Sabi ni Darren sabay labas ng kwarto hila hila si mam.
Lumingon sa akin si Darren at kumindat. Hahaha cute. :*
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Awww last update of the week. Sorry guys! Update na lang ako kapag kaya ko na ulit. Sorry guys may trangkaso ako eh. Tapos may exams pa.
I will update ASAP.
BINABASA MO ANG
The Maid (A Darren Espanto Fanfic)
Teen FictionMicah Testor wasn't very rich. In fact she was very far from rich. She's the eldest among five children. She has two baby brothers and two baby sisters. Their father left them when she was just five years old. In order to help her mom with their exp...