Chapter 18

1K 50 15
                                    

Micah's POV

So...one week nakalipas since nagkabati kami ni Darren and life has been doing good.

Nasa bahay lang ako ngayon...doing absolutely nothing when...tumunog yung phone ko. Sinagot ko agad.

Yung modelling company kung saan ako nagtatrabaho yun.

"Ms. Testor. We need you here immediately. Nacancel ang unang photo shoot kaya kailangan ka na dito para sa photo shoot ninyo ni Mr. Espanto" Sabi nun.

Nag "Okay" na lang ako sabay takbo sa banyo, ligo, then bihis.

Hindi ko naman kailangan mag make up kasi sila na incharge dun kaya nagpowder na lang ako.

Nagsuot ako ng blue t-shirt, denim shorts at white nike high top sneakers. Dinala ko na bag ko tapos nagpahatid sa driver (yup may driver nako).

Pagdating ko dun sa studio, dinala ako agad sa hair and make up room. Nakita ko dun si Darren nilalagyan din ng make up.

Nilagyan ako ng make up artist ng foundation, natural eye shadow,brown mascara, black eye liner, light pink blush on, pink lipstick na pinatungan ng pink lip gloss.

Binigay sa akin yung damit ko at nagbihis ako.

Nagsuot ako ng yellow tube, black skater skirt at black high wedged sneakers...tapos a gold necklace, gold bracelets at butterfly designed ring.

I have to admit. I looked good. But remember, I only wear girly outfits like this whenever I need to. If I don't need to wear it, I DON'T WEAR IT!

Paglabas ko nakita ko si Darren sa isang table parang may hinihintay or something....idk.

Nakasuot siya ng blue button down polo, white jeans at black shoes.

Nang makita niya ako, nakakatawa yung expression niya hahaha. ○_○

Lumapit ako sa kanya sabay yakap. It's fine. Kami na nga diba?

"Okay ba sakin?" Tanong ko referring to my outfit.

"Hindi eh. Hindi okay." Sabi niya.

"Luh! Bakit naman?" Tanong ko.

"Hindi yan okay sayo kasi maganda yan sayo" sabi niya.

Haysst! Kahit kailan di talaga mawawala ang kacornyhan ng lalaking ito!

"Mr.Espanto you're up first!" Tawag niya kay Darren.

Dumeretso si Darren sa camera. Then nag position na siya. In fairness magaling siya mag posing sa camera!

Yung photographer naman panay ito sinasabi:

"Nice Darren"

"Good job Darren"

"To the side okay that's a nice posing"

"Very good"

Basta panay ganun.

After ng ilang shots, ako naman.

Ganun din. Positive comments rin from the photographer.

"Nice! Beautiful!"

"Very nice"

"Gorgeous"

"Try to put that hand on the waist..there! Perfection"

Basta marami pa eh.

Tapos nun kaming dalawa naman ni Darren magkasama.

So first few shots nakaupo si Darren tapos ako nakatayo sa gilid niya.

"Alright Ms.Testor ilagay mo kaliwang kamay mo sa balikat ni Darren"

"Next! Darren this time ilagay mo kamay mo sa waist niya"

Next shots tapos this time nakatayo na kaming dalawa.

"Alright Darren akbayan mo si Ms.Testor!"

"Next Darren give her a piggy back ride"

Tapos mga ilang shots yang piggy back ride na yun eh then...

"Last posing, Darren this time kargahin mo siya bridal style"

This posing is the most awkward! Urghh...bakit naman kasi ehh! Wala rin naman kaming choice. Napansin ko medyo na awkward din si Darren but did he have a choice?

After nung shoot, nagpalit na kami ng damit because for one thing...si Darren kailangan mag disguise tapos ako I do not want to go out like this.

Nagpalit ako into grey Nike sweatshirt and yes adik nako sa sweatshirts, black jeans at black Toms.

Paglabas ko, I saw Darren....wearing the same exact outfit...how weird for some reason.

Nagselfie kaming dalawa on each other's phones. Tapos nabalitaan ko nagkasakit pala si manong driver ko kaya pinauwi ko na siya.

Haysst. Commute na naman?! Oh well...

Biglang..

"Micah commute ka lang?"

Paglingon ko...si Darren pala yun.

"Ah oo. Nagkasakit driver ko eh" Sabi ko.

"Hatid na kita..este..teka. Sleepover ka sa bahay ko" Aya niya.

"Ang problema niyan pag nakita ako ng parents mo kasi nga diba...ayaw nilang balikan mo ko?" Sabi ko.

"Micah ako bahala." Sabi niya.

"Okay" sabi ko.

Naglakad kami papuntang kotse niya HOLDING HANDS.

Then tinaas na namin hood namin kasi marerecognize kami ng fans niya eh.

Sumakay kami agad sa kotse then ayun na papunta na kaming bahay niya.

Pagdating namin dun...fudge kinakabahan akooo. Nanlalamig na mga kamay ko.

Tinigil ni Darren yung kotse.

"Micah okay ka lang?" Tanong niya.

"Kinakabahan lang kasi ako eh" Inamin ko.

"Micah nandito lang ako. At saka ako na rin bahala magexplain sa kanila..okay?" Assure niya.

Gusto ko talaga sabihin sa kanya na maraming pwede maging reactions mommy at daddy niya kaso nanahimik na lang ako.

Pinark na ni Darren yung kotse sa parking lot nila. May nakita akong parang teenager na babae na nakaupo sa benches nila sa labas ng bahay.

Bumaba na kami sa kotse then hinawakan ulit ni Darren kamay ko at dineretso papunta sa babae.

"Lynelle naalala mo pa si Ate Micah?" Tanong niya.

Si Lynelle yan?! Ohmy! Ang ganda ganda na niya at malaki na siya.

"Oo naman kuya. Namimiss ko na nga siya eh" sabi niya.

Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

Pagbitaw ko, nakatingin siya sa akin confused.

"Ate sino ka?" Tanong niya.

"Ako si Ate Micah mo. Miss na rin kita Lynelle! Anlaki laki mo na." Sabi ko.

"Oh gosh!" Hinila kami ni Darren ni Lynelle sa isang corner na walang tao.

"Kuya! Ano toh? Bat mo siya dinala dito? Don't get me wrong miss ko si Ate Micah pero magagalit sina mommy at daddy niyan" Sabi ni Lynelle.

Ngumiti lang si Darren.

"Ako na bahala magpaliwanag sa kanila Lynelle" Sabi ni Darren.

♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●

Okayyy guys so um..next chapter na yung sleepover nila pati na rin ang explanation ni Darren ;)))

The Maid (A Darren Espanto Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon