CTF Chapter 13

62 5 1
                                    

"Marguerite, may naghahanap sayo." Sabi nung kaklase ko sa subject na 'to, actually nag-aaral nalang ako kasi vacant ngayon.

At, may naghahanap sa'kin? Edi wow.

"Sino daw?" Tanong ko sabay sara ng notebook ko.

"Ewan, pero ang ganda niya!" Sagot nito. Tumango nalang ako at lumabas na ng room.

Pagkalabas ko ng room agad may yumakap sa'kin. Nagulat naman ako nun. Sino ba naman ang hindi?

"Marguerite! Hah! I found you!"

Ooh. Sneaky Vachelle.

"Oh, ikaw lang pala! Bakit?" Tanong ko tapos bumitaw na siya sa'kin and naka-stilletos pa rin siya, as usual.

"Grabe ka! Hinanap-hanap pa kaya kita tapos yun yung pambungad mo sa'kin! seriously! Anyway, snack tayo, asan cafeteria ninyo?" Sabay-sabay nitong sabi.

Samahan ko na muna 'to. Baka mawala. Hehe. Tutal 2 hrs yung klase ko sa subject na 'to eh.

"Sige ba, let's go." Tapos naglakad na kami patungo sa cafeteria.

×××

Konti lang ang estudyante dahil hindi pa naman snack time or lunch time pero madaming napapatingin kay Vachelle, lalake man o babae.

Bakit? Kasi ang ganda niya at yung fashion niya. Agaw atensyon eh.

"Anong gusto mong food?"

"Kahit ano nalang."

"May ganon bang food! Wala naman Marguerite eh."

"Yung kaparehas nalang ng sayo."

"Okay. Ate, 2 large fries, and 2 coke zero."

"Sige ma'am."

Libre niya? Aba ang yaman talaga nito.

"Libre mo?" Tanong ko.

"Yeah, duh! Kaya nga kita tinanong diba?" Sabay irap nito.

"Ah, kaya nga. Haha." Tapos nag-peace sign ako sa kanya.

Tapos umupo na kami at nag kwento siya ng kahit ano minsan tumatawa ako sa pagkamaarte niya at yung humor na din niya.

Pero nagulat ako ng may nakita akong pamilyar na figure ng tao.

Actually magkasama sila.

Calum and Luke.

"Hi, babe. Sino yan!" Tapos ngumiti ito ng pagkalaki-laki.

Si Luke naman nakatingin lang sa'kin at kumunot ang noo niya nang nakita niya si Vachelle.

"Stop calling her that." Luke threatened.

"K. Sungit nito," at lumapit na si Calum sa amin.

"Hi, I'm Calum Hood. But you can call me mine." Sabay kindat nito kay Vachelle. Tae ang landi talaga nito.

Umirap muna si Vachelle at tiningnan lang ang kamay ni Calum. "You called Marguerite "babe" and now you want me to call you "mine" seriously?" Umirap ulit siya.

"Hehe. Trip lang naman yun. Sige na miss. Tanggapin mo na kamay ko, di ka naawa! Nangangayat ng nga eh." Sabay pout ni Calum.

"Tss." Di pa rin tinanggap ni Vachelle yung kamay ni Calum at napa "tss" nalang si Calum pero nakangiti pa rin ang loko.

"Okay, maiinlove ka rin naman sa'kin eh." Sabay kindat kay Vachelle pero binato lang siya ng fries ni Vachelle pero tumawa lang si Calum.

"Aba, confident ka pang tae ka ha!" She rolled her eyes again.

Closer to Fate (L.H.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon