(Marguerite Irwin's POV)
"Hey." Kulbit ko kay Terrence. Kanina pa siya busy kaka-cellphone. Kanina pa din ako ini-isnab paka-upo lang namin dito sa cafeteria. Problema ng goldfish na toh?
I smiled by the thought of it, Imagine Terrence swimming in the Aquarium. with his big, big mouth. Bwahahaha. Ano ba naman tong iniisip ko? Para akong tanga.
"Pffft." Di ko na napigilan yung pagtawa ko. Umangat naman ang ulo ni Rence na kanina pa nakayuko habang busy kaka-cellphone, Seryoso yung Aura niya. Pesteng Bestfriend toh! Yayayain ako tapos ano? Isnabin ang existence ko, ano siya sinuswerte?
Tinignan niya lang ako ng masama—rephrase let's just say, Na-weirduhan sa inaasta ko, Paano ba naman tatawa ng Mag-isa ang isang Marguerite Irwin? Tss. Unbelievable.
Pinadaanan niya lang ako ng tingin at tumingin ulit sa cellphone. Sumimangot naman ako.
"Hoy Terrence." Kulbit ko ulit. Grabe talaga! Nag-aaksaya talaga ako ng panahon sa goldfish na toh.
Snob ulit.
"Arellano." I poked him.
No Response. Simsimi ang peg ng lolo niyo.
"Lexis." Tapos tinusok-tusok ko yung tagiliran niya, yan kasi yung lagi niyang ginagawa para batiin ako.
"TL, TL, Little Star, How I wonder what you are?" Tapos tusok-tusok ulit sa tagiliran. Mukha akong tanga na nakangiti, ngayon ko lang na-imbento yang kantang yan. Bwahahaha. Kurni ko. Kaloka!
"Up above the world so high like a diamond in the sky, TL, TL, Little star, How I wonder what you are?" STILL. NO. RESPONSE.
Nakakatampo na ah.
Siguro totoo nga, the worst feeling in the world is...to be ignored.
Ano ba yan ang echos ko, kung ayaw niya akong pansinin e'di wag! Di ko siya pinipilit! I don't give a damn, Terrence!
"Ii-invite ako tapos di pala ako papansinin. Saya ng lunch ko peste." I said sarcastically. Aalis na talaga ako. As in to the Mt. Kilimanjiro Level!
Agad akong tumayo at umalis. "Walang kwentang bestfriend, alis na'ko. See you soon." Ngumiti ako sa kanya kahit di siya saken nakatingin. Sabi ko ulit ng sarcastic tone, Di man lang ako tinitignan. "Leche." I whispered.
Ang saya talaga! Grabe ang bipolar din ng ugok na toh, Kanina nag-rereminisce pa'ko ng first meeting namin nung 4th year higschool ako at siya first year college na nun, pero pumunta siya nun ng school dahil may kukunin siya. Tapos kanina pa, inakbayan ako. Tapos ano ngayon? INISNAB! BINALEWALA! I thought to myself while walking away from the Ipis na Goldfish.
I startled when someone grabbed my arm. "WHAT?!" Di ko mapigilang mapa-sigaw ng makita si Terrence. I know i'm being mean, but damn! Kanina ini-isnab ako tapos ngayon hahabul-habulin ako?
"Sorry Marguerite." Sabi niya habang hinahawakan yung kamay ko at nakatungo. Iniwas ko yung kamay ko sa kamay niya.
"Sorry? Ano ka sinuswerte? Kanina lang di mo man lang ako pinansin! Tapos ngayon, Sorry? Hanep mo pare!" I said in a sarcastic tone.
"Sorry na. Text kasi ng text yung coach namin sa Basketball team dahil may practice daw. Sorry na, Bestfriend."
Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Wala akong pake, peste.
"Uy. Si Marguerite yung kapatid ni Ashton!"
"Si Terrence! Ang gwapo niya!"
"Hala! Nag-aaway sila?"
"Lagot si Papa Terrence, inaaway niya si Marguerite, Lagot siya 'kila Papa Ash, Papa Calum and Papa Mike!"
BINABASA MO ANG
Closer to Fate (L.H.)
FanfictionFate is still weird. The word fate is still weird, The "fate" in fate is weirder. Copyrights © 5sosflukexsh 2014