CTF Chapter 3

78 2 0
                                    

(Marguerite Victoria Jenisce Irwin's POV)

Nasa loob na ako ngayon ng Room, para sa isang subject na saksakan ng boring. Tss. Di naman ako nerd na as inn eh, nag-aaral lang talaga ako ng mabuti eh, yun na nga lang ang panlaban ko, Kaya diyan nalang ako nag-fofocus. Di naman ako pwede sa pagandahan, I'm just so.. Ugly.

Hinihintay ko ang kalbo kong Prof na super tanda na at sobrang hina ng boses akala mo nagdidiscuss sa white board eh!

Hmm.. Ano kaya ang gagawin ko? Isa lang ang bestfriend ng mga loner sa panahong ito-MUSIC.

Nung hinahanap ko na ang headphones ko. Ang mga kaklase ko naman daldal ng daldal kaya di ko mapigilang hindi makinig.

"May bago daw tayong magiging kaklase!"

"Oo! Lalake daw eh!"

"Sana gwapo at seatmate ko pa!"

"Ako din! Sana nga!"

"Tss. Mas gwapo pa rin si Papa Ashton ko diyan."

"Kaya nga! lalo na sina baby Calum at Michael ko!"

Ah. Magkakaroon kami ng bagong kaklase sa subject na toh? K. Tss. As if naman magiging kaibigan ko yun. Nahanap ko na finally ang headphones ko. Nagpatugtog nalang ako sa iTouch ko.

Seems I really missed you

After all...

Time won't let me keep

These sad thoughts to myself

Kumakanta na 'ko ng onti. Konti lang naman, baka marinig ako ng mga kaklase ko at pagtripan pa 'ko.

Dahil nga July palang medyo tinatamad pa daw ang mga Profs mag-orient, ganun daw talaga. Buti nga wala pa, Katamad, History pa naman. Kbye tss.

"Good Morning Class." Potek! Agad kong tinanggal ang magkabilang headphones sa tenga ko sabay lagay sa Bag. I thought this old man won't come. Haha.

"We have a new student here.." Sabi ni Prof, Agad namang nagpagandahan ang mga kaklase kong babae. Tss. Btch please. Ang lalandi. Tss. Agad namang lumabas ang isang..

FOREIGNER?! Baka kalahi ko toh! Agad nagtilian ang mga kaklase ko, Oo nga..

Ang gwapo eh. Tss ano ba 'yan!

Agad namang lumapit yung matangkad na gwapo kay Prof at shemay! Nakakawindang pati boses! Ang.. HUSKY! Mukha siyang commercial model ng toothpaste, Ang puti ng ngipin at wait-May Lip piercing? Pero bagay sa kanya! Bad boy ang dating! Teka nga!

'Anong pinagsasabi mo Marguerite?!' Tss.

Nagpakilala na siya.

"Hi everyone. I'm Luke Robert Hemmings. 18 years old, Pure Aussie, Pero marunong po akong mag-tagalog." Sabi niya sabay ngiti! Ang gwapo niya grabe! Aussie pala siya, Aba't kalahi ko! Agad naman nagsigawan ang mga kaklase ko.

"Ang gwapo niya! Waaaah!"

"Mas gwapo siya kaysa kay Ashton, Mike at Calum!"

"Aussie si Koya! OMAYGAS!"

"Ang hot niya magsalita!"

"Bad boy ang dating! sheeet!"

"Ang pogi ng ngiti niya! Waah!"

Okay! Kailangan ipagsigawan? pero God. He's so Handsome. Mukha siyang Anghel na badboy ang image! Meron ba nun? Ah basta!

"Hemmings. Sit beside uhmm.. What was your surname again, Miss?"

Teka, Ako ba?!

Tinuro ko ang sarili ko sabay sabing, "Uhmm.. M-me?"

"Ah. Yes. You are?"

"Uhmm.. I-Irwin sir, it's my S-surname." Utal-utal! Epekto yata nung Luke! Lakas ng effect sa'ken! Grabe! Ang presensya niya ay masyado akong naaapektuhan. Wait! SEATMATE?

HIM?!

"Oh. Right. Hemmings, sit beside Ms. Irwin." Sabi ni Prof. Seriously?! Di pa rin nag-sisink in sa utak ko na magiging katabi ko siya.

THIS GOD-LIKE CREATURE WILL BE MY SEATMATE IN HISTORY FOR THE REST OF THE SEMESTER? Tama ba?

Agad namang tumango si Luke. Naglakad ma siya papunta sa direksyon ko, Umupo na siya sa tabi ko. Sa hulihan kasi ako nakaupo, Loner eh. Peste. Tss, walang gustong makipagkaibigan saken kasi ayaw lang nila. K.

Parang tumingin siya saken nang naglalakad siya kanina!?-WHAAAT?!

Tiningnan ko siya, nakatingin lang siya sa Prof namin na nag-didiscuss ng naka-pokerface. Mukha siyang masungit na bad boy sa ganoong posisyon, Naka-sideview (Grabe ang gwapo niya kahit anong anggulo) pero noong nagpakilala siya kanina napaka-friendly at sweet ng pagkakasabi niya. Ang mga kaklase ko nakatingin din sa kanya pati mga nasa unahan. Ang Gwapo niya kasi. Ayts potek nanggaling pa talaga sa akin yun, pero totoo naman eh.

Tiningnan ako ng masama ng mga babae kong kaklase kasi dito napadpad si Luke sa tabi ko. Haha wawa naman sila. Joke. *peace sign*

Di ko namamalayan na kanina pa pala ako nakatingin sa kanya.

×××

Natapos na ang dalawa kong subject sa course ko tapos break na. Okay here I am Cafeteria. Hihihi.

Napansin ko si Luke na palabas ng subject niya at nagpunta sa Cafeteria.

Wait, sinusundan mo siya Marguerite? Shunga ka ba?

Ayts-Sige go lang di naman yata siya nakakahalata na sinusundan mo siya eh.

Maraming napapatingin sa kanya.

Mr. Headturner na ang bansag ko sa kanya. Grabe! *slow applause*

Maraming babaeng kinikilig sa kanya. Naalala kong bago pala siya kaya wala pa yatang kaibigan.

Speaking of Kaibigan..

"Hoy babae! Sinong sinusundan mo?" Tss. Kaibigan ko nga ba toh?

"Pupunta lang ako ng Cafeteria ano ka ba."

"Tss. No liars are allowed in this university."

"Wow. Nagsalita!"

"Tss. Sino nga kasi?!"

Bwesit tong lalakeng toh! Di man lang ako tinitigilan! At dahil nga may sinusundan ako, kumaripas ako ng takbo papuntang Cafeteria. Haha sorry Terrence!

Buti nalang nakita ko na si Luke. Headturner talaga. Napatitig nalang ako sa kanya ng biglang..

Tumingin siya sa direksyon ko, specifically sa akin!

And he effortlessly smirked at me. Yung nang aasar.

Ibig sabihin alam niyang sinusudan ko siya?!

"Sht."

Closer to Fate (L.H.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon