"M-Mama!" Binabanggit ng batang si Cassidy habang nasa isang sulok at naglalaro ng barbie doll. Wala siyang pakialam sa paligid niya basta masaya lang ito na naglalaro mag-isa.
"Iiwan ko na siya sa'yo ikaw na bahala sa kaniya. Basta kung anuman ang napag-usapan natin sa atin lang dalawa iyon hindi niya dapat malaman," sabi ng babae na medyo bata pa.
"Sa kalagayan ko ngayon baka masira ko lang ang buhay niya," wika pa niya na umiiyak.
"Ako na bahala sa kaniya huwag ka ng umiyak. Hindi mo kagustuhan ang nangyari kung bakit nagkaganito ang buhay mo ngayon, walang gusto na mangyari ito," sabi naman ng isang babae habang hinahagod ang likod niya.
"Salamat hindi ako nagkamali na sa'yo ako nagtiwala. Pahalagahan mo siya gaya ng pagpapahalaga ko sa kaniya." Tuloy pa rin ito sa pag-iyak.
"Sige na puntahan mo na siya," sabi ng babae na medyo matanda sa kaniya.
Nilapitan niya ang batang si Cassidy na tuloy pa rin sa paglalaro.
"Mag-ingat ka rito kapag okay na ang lahat magiging masaya na tayo. Malalaman mo rin sa tamang panahon." Sinasabi niya iyon habang hinihimas ang buhok ng bata.
Sa edad na tatlong taong gulang wala siyang kamuwang-muwang. Tiningnan lang niya ang babae at nagpatuloy sa paglalaro.
Sa kabilang dako puro ingay ang maririnig sa bawat sulok ng mansion. Nasa hagdan at nagtatago ang batang si Liam habang pinapanood niya kung anong nangyayari. Dahil sa tatlong taon pa lang siya hindi niya ito maunawaan.
"John, ibigay mo na kung ano ang gusto niya makuha sa'yo," nagmamakaawang sabi ng asawa niya.
"Hindi ako tanga Rosamie para basta na lang ibigay ang gusto niya. Mautak siya sa bandang huli tayo ang madedehado!" galit na sabi ng asawa niya. Talagang desidido na ayaw ibigay.
Habang patuloy na nagbabangayan ang mag-asawa nakatingin sa kanila ang batang si Liam. Umiiyak lang ito pero hindi alam kung ano ang pinag-aawayan ng magulang niya.
Nagulat siya ng may dumating na lalaki at tinutukan ang ama nito ng baril. Dahil mabilis ang pangyayari humarang ang kaniyang ina at sinalo ang bala na para dapat sa kaniyang ama.
"M-Mommy!" Umiiyak na sabi ng batang si Liam habang nakahandusay ang kaniyang ina sa sahig.
================================
BINABASA MO ANG
Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)
Romance[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo ang sakit, mapapaniwala ang iba na kaya mo, pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nagpa...