UMUWI ako sa bahay na matamlay, pero hindi puwede makita ni Mama na ganito itsura ko kailangan kong magpanggap.
"Mama, nandito na po ako," sabi ko na parang galak na galak.
"Anak parang masaya ka yata ngayon mayroon bang nangyari na maganda sa school?" Masayang tanong sa akin ni Mama. Nadala rin siya sa acting ko.
"Opo Mama marami kaya ang saya ko ngayon!" Kung alam mo lang Mama ang sakit-sakit!
"Mabuti naman kung gano'n sige na magbihis ka na tapusin ko lang niluluto ko." Niyakap ko lang si Mama. Gusto kong umiyak sa mga balikat niya.
"Magpahinga lang po ako saglit, Mama." Tumango lang siya. Pagdating ko sa kwarto agad akong umiyak ang hirap pigilan at magpanggap na okay ka. Nilabas ko lahat ng sakit, pagkatapos ko mailabas naghilamos ako. Hindi puwede makita ni Mama na namumula mata ko. Mga ilang minuto rin ang lumipas tinawag na ako para kumain na kami. Habang kumakain nahahalata kong pinapansin ni Mama ang mata ko.
"Cassy, umiyak ka ba anak?" Tanong niya na may halong lungkot.
"Hindi Mama kanina kasi nagbabasa ako biglang sumakit ang mata ko, kaya nilagyan ko ng eye mo medyo makati nga," pagsisinungaling na sabi ko.
"Anak hindi ka ba nagsisinungaling sa akin?" Nahalata yata ni Mama na palusot ko lang.
"Hindi Mama kailan po ba ako nagsinungaling sa inyo?" Nakokonsensiya ako sorry Mama ayoko na mag-alala ka sa akin.
"Basta kapag may problema ka magsabi ka sa akin huwag kang maglihim." Ngayon lang po ako magsisinungaling sa'yo Mama.
"Opo," sabi ko at malaking ngiti ang ginawad ko sa kaniya.
After naming kumain pumunta na ako sa kwarto para gawin ang homework. Pilit kong winawaksi iyong nangyari kanina. Kahit masakit kailangan kong mag-aral. Hindi ako puwedeng bumagsak para hindi magalit si Mama malaki ang tiwala niya sa akin. Nang matapos akong mag-aral at hindi pa makatulog, lumabas muna ako sa may balkonahe ng aking kwarto para lumanghap ng sariwang hangin. Hay, sana ganito palagi ang nararamdaman ko parang hangin lang na malaya at walang sakit na tinatamasa. Pumatak ang mga luha sa aking mata at agad ko naman pinunasan. Ilang minuto ang ginugol ko at pumasok na rin. Pinatay ko ang ilaw at natulog na. Kailangan pumasok ng maaga bukas, fight lang!
Kinaumagahan maaga akong pumasok lahat ng nadadaan ko binabati ako. Anong mayron bakit maganda yata mood ng mga tao ngayon? Pagdating ko sa room nakita agad ako ng mga sisterette ko. Hindi pa ako nakakaupo gusto chumika na agad. Sinalubungan ko sila ng isang malaking ngiti.
"Good morning girls," sabi ko sabay hug at smile sa kanilang dalawa.
"Huwag ka na magkunwari Cassy hindi bagay sa'yo," banat agad ni Olivia.
"Hindi ako nagkukunwari girls okay ako." Galingan lang sa pag-arte Cassy sabi ko sa sarili.
"Hindi mo kami maloloko at madadaan sa smile. Kilala ka namin kaya spill it ano nangyari? Kahapon ka pa namin gusto kausapin kaso hindi mo pa kaya siguro ngayon puwede na," sabi ni Emma. Sa kanilang dalawa hindi uubra ang acting skills ko.
"Sige mago-open na ako. Kahapon kasi kinumusta ko si Liam kung okay lang siya dahil isang linggo siyang absent. Tapos pinasagutan niya sa akin lahat ng na-miss niya sa klase para makahabol tapos-" binitin ko pa sila halatang mga atat.
"Tapos nakita kong may kahalikan siyang babae pinakita pa sa akin." After kong sabihin yumuko ako.
"Boba ka talaga! Bakit lahat ng assignment niya ikaw ang gumagawa? Hindi ka nag-aaral para gawin mo bobo iyong tao. Kasi halos ikaw ang gumagawa. Wala na iyon matutunan at palagi ka na lang niya uutusan na gawin!" Palaban talaga itong si Olivia sana matapang din ako kagaya niya. "Bwisit na Liam! Sarap sapakin hindi na nahiya ang babastos!" segunda ulit ni Olivia hindi pa pala tapos magsalita.
"Girl I think tigilan mo na hindi na healthy para sa'yo. Look oh, namamaga mata mo dahil sa walang kwenta na lalaki na iyon," mahinahong pagkasabi ni Emma pero may diin.
"Hindi ko kaya girls mahal na mahal ko si Liam." Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.
"Mahal mo siya pero hindi ka niya mahal. Lahat ginagawa mo para sa kaniya pero binabalewala ka lang. Kaya kalimutan mo na si Liam may makikilala ka pa riyan na mas deserve sa pagmamahal mo." Hindi na ako sumagot parang hindi ko kaya na palitan siya sa puso ko. Napatigil kami sa pag-uusap ng pumasok ang dean ng department namin.
"Good morning class I have an announcement. Malapit na ang foundation natin at kaugalian na magkakaroon ng Ms. Stanford Academy 20**. Bawat department magkakaroon ng representative so sino ang kukunin natin para ipanglaban?" Lahat nag-uusap kung sino ang ipanglalaban namin.
"Sir, may suggestion po ako si Cassy ang ipanglalaban natin matalino at maganda." Ano raw? Ayoko hindi ako magaling pagdating diyan sabi ng isip ko.
"So agree ba kayo ro'n?" Lahat nag-approve hindi ito puwede.
"Sir, kung puwede po sana iba na lang. Ayoko po hindi ko gamay ang pagdating sa beauty contest," sabi ko.
"Pero Cassy agree lahat ng classmates mo kaya wala ka na magagawa ro'n. Kaya mo iyan nandito kami nakasuporta sa'yo." Lahat sila sinasabi na sige na kaya mo iyan, nandito lang kami para sa'yo, may tiwala kami sa'yo. Hay, napasubo na naman ako.
Nandito kami sa may soccer field nanonood sa mga naglalaro. Wala akong nagawa kung hindi tanggapin na sumali sa beauty contest na iyan kahit wala akong alam. Tanungin ko nga mga sisterette baka may idea sila.
"Girls wala akong alam pagdating sa beauty contest paano ba iyon?" tanong ko sa kanila.
"Una introduce yourself, then talent portion, swimwear, long gown at question and answer portion," sabi sa akin ni Emma.
"Ah! May swimsuit ayoko na sumali hindi ako magsusuot no'n!" Putek mayron pala iyon e never ako nagsuot sa buong buhay ko.
"Why naman girl maganda shape ng body mo? Believe me pak na pak ka!" Pagbibigay lakas ng loob na sabi ni Olivia.
"Pero nahihiya ako ayoko makita ng maraming tao." Totoo naman parang nababastusan ako.
"Anong kinakahiya mo kung mayroon ka naman ipagmamalaki? At saka ipakita mo kay Liam na iyan kung ano ang sinasayang niya!" Hindi talaga ako convince parang hindi ako makahinga.
"Bili lang ako maiinom natin girls," sabi ko at tumayo na. Aalis na sana ako ng...
"Oh my god!" Rinig kong tili ni Emma. Ano ba nangyari bakit sumisigaw siya? Pagmulat ko ng aking mata nasa harapan ko si Noah hawak ang soccer ball. Nagulat ako dahil nakahawak ang kaliwang kamay niya sa baywang ko at sa kanan naman niya iyong soccer ball.
"Oh Noah, anong nangyari bakit ka narito?" Tanong ko habang nakahawak pa rin siya. Hindi kami gumagalaw kaya ako na ang bumitaw.
"Muntik ka ng tamaan ng bola mabuti nasalo ko," sabi niya na nakatingin sa akin at kumindat pa. "Wala ba masakit sa'yo?" tanong niya ulit.
"Wala naman salamat sa'yo Noah," sabi ko na nakangiti.
"Mabuti naman pinakaba mo ako! Psst, bola niyo next time mag-ingat kayo muntik na kayong makatama ng tao." Bilin niya sa mga naglalaro tumango naman ang mga ito.
"Tsk! Hindi kasi nag-iingat gusto may nagproprotekta pa sa kaniya!" sabi ni Liam at umalis bigla.
"Huwag mo na lang pansinin iyong sinabi niya problemado lang iyon." Pagkasabi ni Noah umalis na rin sinundan niya sina Liam.
"Nanggagalaiti talaga ako riyan kay Liam. Wala na nga naitulong gano'n pa ang sasabihin bwisit siya sarap sapakin sa mukha!" Galit na sabi ni Olivia.
"Hayaan na lang natin siya may problema kasi sa business nila." Intindihin na lang kahit gano'n talaga ugali niya.
"Wala akong pakialam sa business nila. Basta huwag siya mandamay ng tao sa problema niya nakakabwisit!" Kapag galit talaga siya hindi mo maamo.
"Relax na girl tama na kain na lang tayo treat ko," sabi ko sa kanila para matapos na. Sumama naman sila sa akin.
================================
BINABASA MO ANG
Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)
Romance[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo ang sakit, mapapaniwala ang iba na kaya mo, pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nagpa...