Chapter 1

1.3K 66 79
                                    

Kasalukuyan

I'M Cassidy Tyler taking up fine arts major in fashion design. I'm just a simple girl hindi ako marunong mag-ayos sa sarili, pero ang nagustuhan nila sa akin ay ang pagkakaroon ko ng magandang kalooban. Kahit nasasaktan at nagagalit nakangiti pa rin kaya hindi mahirap para sa akin na magkaroon ng mga kaibigan.

"Tara punta tayo sa basketball court," sabi sa amin ni Olivia. Isa sa mga kaibigan ko bali dalawa sila siya at si Emma.

"Ano gagawin natin doon?" tanong ni Emma.

"Basta punta na lang tayo wala ng maraming tanong." Pamimilit sa aming dalawa kaya wala akong nagawa kung hindi magpatianod na rin. Doon ko siya unang nakita at minahal ko na agad. Siya si Liam Arnault taking up fine arts major in photography. Mayaman ang pamilya niya kaya sikat siya sa school. Nagmamay-ari sila ng hotel, airlines, airport, restaurant, resort, gallery, condominium, groceries, printing companies at mga sasakyan. May dalawa siyang kaibigan sina Noah at William pareho rin mayaman tulad niya. Hindi maitatangging g'wapo sila mga greek god na bumaba sa lupa. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya napana na ni kupido ang puso ko.

"Miss pakihagis naman iyong bola sa akin." Doon nawala ang pagkatulala ko ng narinig ko siyang nagsalita. Napunta pala ang bola sa may paanan ko kaya nagmamadali kong hinagis sa kaniya pabalik ang bola. Nginitian niya ako my god! Panaginip ba ito o hindi?

"Girl okay ka lang? Ngumiti lang sa'yo para ka ng nabaliw." Pang-aasar sa akin ni Emma.

"Girls iba na ito buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito."

"Ang alin? Baka nararamdaman mo lang na natatae ka." Kalokohan ni Olivia talaga oh!

"Hindi iyong feeling na parang may butterfly sa tiyan at ang bilis ng tibok ng puso ko hawakan niyo." Kinuha ko mga kamay nila at nilagay ko sa aking bandang puso.

"Naku girl! May sakit ka sa puso bakit hindi mo sinasabi sa amin?" Panira talaga sila ng moment ko.

"Puro naman kayo kalokohan eh! Seryoso ako tapos mamimilosopo lang kayo. Diyan na nga kayong dalawa." Umalis ako at umarte na parang nagtatampo sinundan naman nila ako.

"Girl sorry na hindi namin sinasadya. Tara upo tayo roon at magkwento ka makikinig kami," sabi ni Olivia na parang nalulungkot.

"So ano ba iyon?" tanong ni Emma.

"Girl may gusto ako kay Liam parang hindi nga gusto eh mahal ko na siya," sabi ko na kinikilig.

"Ngayon mo lang nakita mahal agad. Ang bilis yata girl at saka hindi ka kilala nung tao." Nalungkot ako sa sinabi ni Emma. Totoo naman hindi niya ako kilala.

"Suportahan niyo na lang ako at saka tulungan niyo ako. Ano gagawin ko para makilala niya ako?"

"Hindi rin namin alam girl pero sige mag-isip tayo ng paraan." Buti at may mga kaibigan ako na handa akong tulungan.

Kinabukasan at nakaisip na rin kami ng paraan kung paano niya ako makikilala. Nakita ko siya kasama mga kaibigan niya nasa canteen sila. Nanininerbyos ako baka hindi ako makapagsalita kapag kaharap ko na.

"Kaya mo iyan girl nandito lang kami ni Emma sa likod mo," sabi ni Olivia. Malapit na kami sa pwesto nila sobra na akong nanginginig.

"Hi Liam i-ito sandwich para sa'yo ako ang gumawa niyan," sabi ko na nauutal.

"A-ako pala si Cassidy, Cassy na lang para hindi mahaba." Saka ko inabot sa kaniya iyong sandwich.

"Salamat dito Cassy at nice meeting you." Ngumiti siya at nag-shake hands kami. Nahawakan ko ang kamay niya sobrang lambot parang kamay ng babae.

"Sige bye," sabi ko. Pero hindi pa kami nakakalayo nakita kong binigay niya sa mga kaibigan niya iyong sandwich.

"Oh! Sa inyo na ito hindi ako kumakain ng ganyan!" singhal niya.

"Parang ang lakas ng tama sa'yo bro," sabi ni William sa kaniya.

"Hindi ko siya type bro tingnan mo naman ang itsura niya nakakasuka." Pangit ba ang tingin niya sa akin? Narinig ng ibang estudyante ang sinabi niya tungkol sa akin at pinagtawanan ako.

"Bro watch your words babae pa rin siya kaya respetuhin mo," sabi ni Noah mabuti pa siya.

Habang naglalakad kami pabalik sa room hindi ko mapigilang maiyak.

"Sige lang iiyak mo lang iyan." Pag-aalo sa akin ni Olivia.

"Girl nakita mo naman at narinig kung anong sinabi ng Liam na iyon. Mahal mo pa rin ba siya?" Masakit ang mga sinabi niya tungkol sa akin. Pero hindi pa rin nababawasan ang pagmamahal ko sa kaniya.

"Pangit ba ako at nakakasuka ang itsura?" tanong ko na umiiyak.

"Maganda ka hindi mo lang alam mag-ayos ng sarili. Pero sana hayaan mo na siya hindi deserve ni Liam iyong mga luha mo. Basta narito lang kami pareho ni Olivia for you." Pati mga kaibigan ko naiiyak na rin para sa akin.

"Huwag ka ng umiyak tara na baka ma-late tayo sa next class." Masakit isipin na hindi niya gusto dahil sa itsura ko pero hindi ako mawawalan ng pag-asa. Kung mag-aayos ako baka magustuhan niya. Tama, sige mag- aayos ako para sa kaniya.

================================

IrishHeaven

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon