MINULAT ko ang aking mga mata halos puti ang makikita. May humawak sa aking kamay nakita ko si Mama na malungkot ang mukha.
"Mama, nasaan ako at ano po nangyari?" tanong ko sa kaniya.
"Nasa hospital ka anak si Noah ang nagdala sa'yo. Nakita ka niya na walang malay," paliwanag ni mama.
"Exam po namin ngayon Mama hindi ako puwedeng lumiban," sabi ko.
"Huwag mo na isipin iyon tumawag na ako sa school niyo pinaalam ko na sa kanila," sagot niya sa akin.
"Nagpunta rito kanina mga kaibigan mo at pinaliwanag nila ang lahat. Bakit hindi ka nagsasabi sa akin anak?" Alam na pala ni Mama kung anong pagtrato sa akin ni Liam.
"Mama, ayoko po kayo na mag-alala," iyon lang ang nasabi ko.
"Kung ayaw mo akong mag-alala mahalin mo ang sarili mo. Baka sa susunod hindi lang iyan ang mangyari baka mas malala pa." Hindi ako sumasagot nakikinig lang ako.
"Cassy, hindi masama ang magmahal kung sa tamang tao ang paglalaanan. Iyong hindi ka sasaktan, binabalewala, pinapabayaan at kaya kang protektahan. Lahat ginagawa mo para sa kaniya pero hindi niya kayang suklian kahit sa maliit na bagay," pagpapaalala niya sa akin.
"Mama, hindi ko po hinahangad na suklian niya masaya po ako sa ginagawa ko." Umiiyak ako habang sinasabi. "Ang sakit! Ang sakit lang mama. Mahal na mahal ko siya pero hindi niya ako magawang mahalin." Hindi ko na mapigilan maglabas ng hinanakit.
"Oh siya huwag ka na umiyak baka mapano ka pa. Pinalalahanan lang kita dahil ayoko na nasasaktan ka dahil sa kaniya. Ang swerte ng lalaking iyon dahil siya ang una mong minahal. Pero nalulungkot ako dahil ganyan ang nangyari. Talagang masakit dahil nagmamahal ka," pag-aalo sa akin ni Mama. "Mabait na bata si Noah anak gusto ko siya para sa'yo. Mapapanatag ang loob ko kung sa kaniya ka mapupunta." Nagpapatawa ba si mama?
"Magkaibigan lang po kami ni Noah, Mama," pagtatama ko.
"May gusto ka bang kainin anak? Huwag ka nang umiyak nasasaktan si Mama," umiling ako sa kaniya.
"Gusto kong matulog ulit." Tumango lang siya.
"Labas lang ako para bumili ng mga prutas." Hinalikan ako ni Mama sa noo at lumabas na. Naiwan akong mag-isa na nakatingin sa kawalan. Hindi ko mapigilan na dumaloy ang luha sa aking pisngi. Pinapalangin ko na sana balang araw iyong taong mahal ko ay mamahalin din ako. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kakaiyak.
May naririnig akong mga boses na nag-uusap at pagmulat ko nandito pala mga kaibigan ko.
"Girl mabuti at gising ka na kumusta na pakiramdam mo?" pangungumusta ni Emma.
"Medyo okay na ako, matagal na ba kayong nandito?" tanong ko sa kanila.
"Kanina lang sabi ni tita tulog ka kaya hindi ka namin inistorbo," sabi ni Olivia.
"Musta exam? Pagpasok ko na lang saka ako mag-take," sabi ko sa kanila.
"Huwag mo na problemahin iyon in-excuse ka na namin at pinaalam na ni tita," sabi ulit ni Olivia. Ginala ko ang aking mga mata at nakita ko si Noah na nakangiti sa akin.
"Hi Noah hindi pa ako nakakapagpasalamat sa'yo sa pagtulong mo sa akin, maraming salamat," sabi ko na nakangiti.
"Wala iyon para sa'yo Cassy. Pero sana next time huwag mo na akong pakabahin." Halatang may pag-aalala.
"Ahem baka langgamin kami rito," pang-aasar ni William.
"Hindi mo ba alam Cassy sa sobrang pag-aalala niya sa'yo na-" pinutol ni Noah ang sasabihin niya.
"Na ano William?" tanong ko.
"Na halos paliparin niya iyong kotse madala ka lang sa hospital agad," dugtong niya.
"Ikaw talaga Noah hindi mo dapat ginawa iyon paano kung may nangyari sa'yo." Kahit paano nag-aalala din ako para sa kaniya.
"Huwag mo na akong alalahanin pa ang isipin mo magpagaling ka." Tumango lang ako sa kanila. May hinahanap ako akala ko nandito siya para kumustahin umaasa na naman ako.
"Huwag mo hanapin iyong tao na walang pakialam sa'yo!" inis na sabi ni Olivia.
"At saka kalimutan mo na siya you deserve someone better," segunda ni Emma.
"Hindi naman natuturuan ang puso girls kung sino ang dapat natin mahalin. Mahirap ilaan sa iba kung siya talaga ang tinitibok," malungkot na pagkasabi ko.
"Cassy, imulat mo ang mata mo sa iba dahil may taong pinapahalagahan at minamahal ka." Nakatingin si Noah sa akin habang sinasabi niya.
"Iyon nga ang sabi namin sa kaniya gumising siya sa katotohanan at huwag magbubulagbulagan!" may diin na sabi ni Emma at umirap pa.
"Ah gising naman ako kanina tulog," pagbibiro ko.
"Hahaha palatawa rin pala itong si Cassy," tumatawang sabi ni William. Tumagal pa sila ng ilang oras at saka na umuwi.
Nakalabas na rin ako sa hospital. Sa pananatili ko roon hindi siya bumisita kahit isang beses. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita magmula ng na-hospital ako. Ngayon papunta ako sa study room para mag-take ng exam. Nakasalubong ko siya sa hallway akala ko hihinto siya at kukumustahin ako, pero nilagpasan niya lang ako na parang hangin. Hindi ko na siya tinawag baka ayaw niya talaga akong makita. Kaya pinabayaan ko na lang kung ano ang gusto niya. Naglakad ako papunta sa study room na may bigat sa dibdib.
================================
BINABASA MO ANG
Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)
Romance[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo ang sakit, mapapaniwala ang iba na kaya mo, pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nagpa...