NAABUTAN ako ni Mama na gumagawa ng sandwich.
"Cassy hija, baon mo ba iyan bakit ang dami yata?" Tinuturo niya iyong sandwich na ginagawa ko.
"Hindi lang para sa akin Mama pati kina Olivia, Emma at saka po sa lalaking gusto ko." Mahina ang pagkasabi ko nung lalaking gusto ko. Ewan lang kung narinig niya open ako kay Mama lahat sinasabi ko sa kaniya.
"Umiibig ka na Cassy!" gulat na sabi niya sa akin. Naku po! Baka pagalitan ako!
"Mama sorry hindi ko agad nasabi sa'yo. Pero hindi ko pa naman po siya boyfriend sa katunayan po ayaw niya sa akin dahil po sa itsura ko." May lungkot na pagkasabi ko.
"Aba! Hindi pala maganda ang ugali ng lalaki na iyon. Nilalait ka niya bakit minamahal mo pa rin?!" Galit na pagkasabi sa akin ni Mama.
"Mahal ko siya Mama kahit gano'n ang trato niya sa akin." Umiling si Mama sa sagot ko.
"Cassy tingnan mo si Mama at makinig ka sa akin. Hindi kita pagbabawalan mahalin siya dahil alam ko diyan ka masaya. Pero sa oras na nakikita kong nasasaktan ka kahit ayaw mo layuan mo na siya at kalimutan. Mahal kita anak hindi kita pinalaki para saktan lang ng iba. Ayokong nakikita kita na umiiyak, alam mo iyan dahil doble ang sakit na nararamdaman ko." Mahabang paliwanag ni Mama kadahilanan para mapangiti ako. Nakaka-touch lang mahal ako ni Mama at mahal ko rin siya. Kahit kami lang dalawa masaya kami.
Pagsapit ng recess nasa tapat lang namin ng upuan sina Liam at ang kaibigan niya. Lumapit ako para ibigay ang sandwich na ginawa ko kanina.
"Hi Liam! Sandwich mayroon din kayo Noah at William." Sabay abot ko sa kanila. Masayang tinanggap nina Noah at William pero si Liam nilagay lang sa mesa.
"Thank you sa sandwich Cassy." Sabay na sabi nilang dalawa tumango lang ako.
"Liam kumusta iyong physics assignment mo na sinagutan ko perfect score ba?" Tumingin siya sa akin pero umiwas din agad.
"Yes I got perfect score thanks to you." Cold na pagkasabi niya.
"Ah di ba ala-" magsasalita sana si William pero pinutol ni Liam.
"Tara na may klase na tayo." Anyaya niya sa mga kaibigan.
"Pero mamaya pa-" naputol ulit ang sasabihin ni William dahil hinila na niya ito. Sumunod si Noah na dinampot iyong sandwich ni Liam na naiwan sa mesa.
"Ako na lang magbibigay sa kaniya." Pinakita iyong sandwich na iniwan ni Liam.
"Okay bye," sabi ko at pumunta sa upuan kung nasaan sina Olivia at Emma.
"Tingnan mo ugali talaga ng Liam na iyon. Ang bastos hindi man lang nagpasalamat iniwan pa iyong bigay mo!" High blood na naman siya.
"Hayaan mo na Olivia nakalimutan lang ibibigay naman ni Noah sa kaniya," sabi ko sa kaniya.
"Sigurado ka bang kakainin niya o baka itapon lang sa basurahan?" may pag-aalinlangan tanong ni Emma.
"Hindi naman siguro niya iyon gagawin," pagtatanggol na sabi ko.
"Ang mahirap sa'yo Cassy sobra kang mabait at paniwala diyan kay Liam. Minsan imulat mo rin mga mata mo!" Hindi ba sila napapagod magbigay ng pangaral sa akin?
"Sige tama na, kainin niyo na lang iyong dala kong sandwich," sabi ko sa dalawa baka saan pa mapunta ang usapan.
"Inumin wala baka mabulunan kami," sabi ni Emma.
"Sige kukuha lang ako saglit lang." Aalis na ako para bumili ng narinig kong sabi ni Emma na joke lang. Ayos lang naman sa akin.
Magkakaroon ng quiz bee contest sa labas ng school at ako ang ipanglalaban nila. Natatakot man pero kakayanin dahil nandiyan naman sila para suportahan ako. Nakasalubong ko sa hallway iyong tatlo papunta kasi ako ng library para paghandaan iyong contest.
"Liam, Noah at William punta kayo sa quiz bee para may mag-cheer sa akin pampalakas ng loob ko," sabi ko sa tatlo.
"Oo alam namin binalita ng school. Pero hindi namin alam kung kailan," wika ni William.
"Next week na iyon natatakot nga ako kasi konti lang preparation ko." Ilang araw lang kasi ang pagre-review ko late na dumating iyong memo sa school.
"Naku! Huwag kang kabahan Cassy kayang-kaya mo iyan ikaw pa at saka magche-cheer kami sa'yo!" sabi ni Noah habang nakahawak sa balikat ko at tinapik-tapik.
"Titingnan ko kung makakapunta ako." Iyon lang sagot ni Liam at umalis na. As usual cold na naman at hindi tumingin. Nagpaalam na rin iyong dalawa.
Ilang oras din ang ginugol ko sa library para mag-review. Exempted ako sa mga klase para mag-focus sa contest. Nagulat ako kasi biglang naupo sa tabi ko si Liam na siya lang mag-isa. Ito na ba iyon nagugustuhan na rin niya ako?
"Cassy favor naman gawan mo ako ng poem tungkol sa photography." Saka niya nilahad ang notebook at pen niya.
"Wala ako masyado alam sa photography, fashion design ang forte ko." Ano alam ko sa photography?
"Alam mo iyan ikaw pa lahat ng bagay easy lang sa'yo." Saka siya umupo sa kabilang mesa nakikipaglandian sa babae. Habang ginagawa ko iyong poem niya nakikita ko kung paano niya landiin iyong babae. Si girl naman gustong-gusto. Kahit nasasaktan ako sa mga nakikita ko pinagpatuloy ko pa rin. Dapat kong matapos dahil kailangan niya. Sinantabi ko nga muna ang pagre-review ko. Kung sa akin mo ginagawa iyan paglalambing mo sa babae Liam magiging masaya ako. Pero sa ginagawa mo sinasaktan mo lang ako. Kaso kailangan ko maging matatag dahil alam ko balang araw matutunan mo rin akong mahalin sana.
================================
BINABASA MO ANG
Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)
Romance[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo ang sakit, mapapaniwala ang iba na kaya mo, pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nagpa...