SUMAPIT ang araw ng quiz bee kahit kinakabahan confident pa rin ako. Hinanap ko kung saan umupo sina Mama sa dami ba naman ng tao rito sa auditorium. Mabuti at nahagilap ng aking mga mata. Katabi niya sina Olivia at Emma sa likuran nila sina Noah at William. Bakit wala si Liam? Nalungkot tuloy ako, baka busy siya sana makahabol man lang sabi ng isip ko.
Hindi ako puwedeng panghinaan ng loob ngayon madaming estudyante at teachers na narito para suportahan ako. Kaya gagawin ko ang lahat para sa karangalan ng aming school. Fifty school ang maglalaban-laban more than five hundred random questions sa iba't ibang asignatura. Multiple choice at the same time may essay pa. Dalawang oras na ang lumipas at paubos na kami magagaling din kasi ang ibang kalahok talagang pinaghandaan nila. Sobra na akong nanenerbyos tumingin ako sa gawi nina Mama nagche-cheer sila sa akin pati mga school mates ko. Kaya lumakas ang aking loob hanggang sa umabot na dalawa na lang kaming natira.
Hindi rin nagpapatalo ang aking katunggali bawat tanong pareho naming nasasagot ng tama. Sa huli ako ang tinanghal na champion tiningnan ko si Mama pati mga kaibigan ko na tuwang-tuwa. Naiyak pa nga si Mama nagce-celebrate na rin mga estudyante at teachers ng school namin.
Umakyat si Mama niyakap ako ng mahigpit at hinalikan. Pati mga sisterette ko nagyakapan kami. Hindi ko inaasahan na niyakap ako ni Noah gulat man pero nakabawi rin. Kita sa mga mukha nilang lahat ang kasiyahan. Napatigil ako at nagmuni-muni dahi hindi siya pumunta. Sana nandito ka para makita ko na masaya at proud ka rin sa akin.
Kinabukasan lahat ng estudyante nagkumpol-kumpol sa quadrangle. Para i-announce ng school president ang pagka-champion ng aming school. Pinaakyat ako sa stage para i-acknowledge, lahat sila binabati ako. Bawat department tinitingnan ko kung makikita ko siya pero wala. May nangyari kaya sa kaniya?
Sa may basketball court nakita ko sina Noah at William. Hinanap siya ng aking mata baka pumasok na pero wala rin kaya tinanong ko mga kaibigan niya.
"Noah at William ilang araw na hindi pa rin pumapasok si Liam may nangyari ba sa kaniya?" Nag-aalala ako baka may nangyari nga.
"Nagkaproblema isa sa mga business nila kaya siya muna ang umaasikaso," sagot ni William habang nagdri-dribol ng bola.
"Ah gano'n pala akala ko may nangyari sa kaniya." Buti na lang mapapanatag na kalooban ko.
"Huwag mo na siyang isipin masamang damo iyon kaya matagal mamatay." Pagbibiro ni Noah kaya nagtawanan kami ni William.
Makalipas ang isang linggo pumasok na rin si Liam. Kumustahin ko kaya? Sobrang stress niya siguro dahil sa problema ng business nila kaya nilapitan ko.
"Liam, mabuti at nakapasok ka na kumusta ka?" tanong ko sa kaniya na may pag-alala. Tinigil niya ang pagsusulat at tiningnan ako.
"Okay lang," iyon ang sagot niya cold pa rin.
"Nabanggit sa akin nina Noah na nagkaproblema sa business niyo naayos na ba?" Hindi ko alam pero parang galit wrong timing yata ako.
"Huwag mo na problemahin Cassy ang hindi mo problema." Napahiya ako tama nga naman business nila iyon. Bakit ako makikialam?
"Worried lang ako sa'yo basta kung may maitulong ako sabihin mo lang." Bakit ganito ang trato mo sa akin? Kahit binabalewala mo ako palagi nandito pa rin ako, sabi ng isip ko.
"Gusto mong makatulong? Sige gawin mo lahat ng naiwan kong assignment para makahabol ako." Siya nga itong humihingi ng tulong siya pa itong galit.
"Sige ayos lang sa akin wala naman ako masyadong gagawin amin na." Pagkasabi ko binigay niya sa akin. Ba't ang dami matatapos ko kaya ito?
"Aalis lang ako saglit at babalik din agad umpisahan mo na iyan." Tinuro niya mga handouts at tumango lang ako.
Ilang oras na rin ang nakalipas at malapit ko ng matapos. Nagtataka ako sabi niya babalik siya agad pero hanggang ngayon wala pa. Pag-angat ko ng aking mukha nakita ko siyang may kasamang babae. Nakaakbay iyong babae sa baywang niya at siya nakaakbay sa balikat nung babae. Parang hindi siya iyong babae na nilalandi niya nung nasa library kami iba na naman? Lumapit sila sa akin.
"Ano Cassy patapos na ba?" Tanong niya habang hinahalikan iyong babae sa pisngi.
"Sino siya kaibigan mo o classmate?" Tanong ng malanding higad.
"Hindi katulong ko siya. Katulong sa paggawa ng mga assignment pati projects. Sige doon muna kami." Saka niya niyaya iyong babae sa may sulok na tago pero nakikita ko naman. Hindi ko pinansin ang sinabi niya kahit ang sakit. Tapusin ko na lang baka magalit pa siya lalo. Malapit na akong matapos pa-simple akong tumingin sa puwesto nila. Nakita ko silang naghahalikan pinakita pa talaga sa akin ang pinaggagawa nila. Okay lang na ipagawa niya sa akin lahat hindi ako mapapagod dahil mahal ko siya, pero iyong makita kong may kahalikan nadudurog ang puso ko.
May pumatak na luha sa may papel na sinasagutan ko. Pinunasan ko ito para hindi niya makita. Pagkatapos binigay ko na tumigil muna sila sa paghahalikan para kunin sa akin tapos tinuloy nila ulit. Hindi na ako nagpaalam pa at nagmamadaling umalis. Ang sakit kailangan kong iiyak ito, hindi man lang siya nagpasalamat sa akin. Sana kahit batiin lang ako sa pagkapanalo ko masaya na ako ro'n, kaso pati iyon nakalimutan niya. Liam, bakit ganyan ka sa akin? Lahat naman ginagawa ko para sa'yo pero hindi mo iyon makita.
================================
BINABASA MO ANG
Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)
Romance[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo ang sakit, mapapaniwala ang iba na kaya mo, pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nagpa...