AFTER ng interview mas lalo kaming nakilala mapa-local and international. Kaliwa't kanan ang mga advertisement namin sa billboard. Mas dumami ang projects despite na busy din kami sa mga business. Halos wala ng pahinga kaya bago sumapit ang holidays need namin magpahinga.
Hindi na rin kami masyadong nagbabangayan ni Liam siguro napagod na rin kaming dalawa. Pinapahalagahan na lang namin iyong samahan na mayroon kami. Inimbitahan niya kami na magbakasyon isa sa mga resort nila pumayag ang mga kaibigan namin no choice kung hindi sumama na rin ako.
Two days from now Christmas na so we already have two days na magkakasama dahil sa araw ng Christmas family ang kasama namin. Nakahanda na ang lahat at papunta na kami sa isang private resort. Pagdating namin kami lang ang tao at mga nakabantay na sobrang dami.
Pumunta kami sa kanya-kanya naming kwarto na halos kasinglaki ng isang suite sa hotel at kita mo ang kabuoan ng karagatan. Pagbaba namin may mga nakahandang pagkain halos lahat masasarap halatang pangmayaman talaga. Hanggang tingin lang siguro ako.
"Oh girl, bakit hindi ka kumakain?" puna na tanong sa akin ni Olivia.
"Eh kasi girl bawal sa akin ang fats at carbo you know mga model." At tiningnan nila ang nakahain na pagkain sa mesa.
"What do you want? Tell me para ipaluto ko sa chef o ipagluluto kita," sabi ni Liam.
"No, it's okay ito na lang vegetable salad ang kainin ko," sagot ko.
"Mabubusog ka ba diyan girl?" tanong sa akin ni Emma.
"Sanay na ako na usually mga ganitong pagkain ang kinakain ko," ani ko habang hinahalo iyong sauce.
"Kumain ka lang Cassy huwag mo gutumin ang sarili mo later mag-gym tayo para ma-burn iyong kinain mo," sabi sa akin ni Noah.
"Okay lang swimming na lang exercise ko later." Ngumiti ako pagkasabi.
So after namin kumain nagpahinga ng ilang oras. Marami kaming ginawa na activity nag-surfing iyong tatlo habang kaming mga girls nag-sunbathing, gumawa ng sand castle, nag-volleyball, nag-scuba diving at ang huli swimming.
Nagswi-swimming kami habang pinapanood kami ng boys. Napagod sila kaka-surfing nakakaasiwa lang kasi panay ang tingin nina Liam at Noah sa akin. Nang hindi ko na kinaya ang mga tingin nila humahon na ako. Paupo pa lang ako sinuotan ako ni Noah ng roba, pero hindi ligtas sa panigin ko si Liam na agad umalis at may kausap sa phone.
Pagsapit ng gabi gumawa kami ng bonfire sa gitna. Nag-iinuman habang nagkwekwentuhan, may kantahan pa nga at sayawan masaya lang nakakapawi ng pagod. Umalis ako saglit at pumunta sa kusina para kumuha ng ibang makakain hindi ko alam na sumunod sa akin si Liam.
"Oh, bakit nandito ka?" tanong ko sa kaniya.
"Sinundan talaga kita," sagot niya sa akin.
"Kukuha lang ako ng ibang makakain tapos babalik din ako ro'n. Sige na mauna ka na susunod na lang ako." Kaso hindi pa rin siya umaalis.
"Cassy, can we talk?" mahinahon niyang tanong na parang nagsusumamo.
"Tungkol saan Liam?" Tiningnan ko siya.
"About us," sabi niya na titig na titig sa akin. Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin at niyakap ako ng may pag-iingat.
"I miss you so much nang umalis ka hindi ko alam ang gagawin ko," sabi niya na parang naiiyak. "Nang nawala ka para akong mababaliw kakaisip sa'yo. Kahit gusto kitang puntahan pinigilan ko ang aking sarili dahil galit na galit ka sa akin." Habang sinasabi niya hindi sumisiksik sa aking alaala naguguluhan ako. Puro kasinungalingan na naman ba ito? Sabi ng isip ko kaya tinulak ko siya.
BINABASA MO ANG
Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)
Romance[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo ang sakit, mapapaniwala ang iba na kaya mo, pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nagpa...