MATAPOS mangyari hindi na ako pumasok. Nagdahilan na lang ako kay Mama na masama pakiramdam ko at naniwala naman siya. Kumusta na kaya sila? Masaya ako kasi malapit na silang magtapos. Ako hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin. Natigil ako sa pagmuni-muni nang kumatok si Mama.
"Anak nandito sina Olivia at Emma," sabi ni Mama. Anong ginagawa nila rito? Pinagbuksan ko agad ng pinto si Mama at pinuntahan mga kaibigan ko.
"Girl kumusta ka na?" tanong agad ni Olivia.
"Okay lang ako kayo kumusta na ano balita sa inyo?" tanong ko sa kanila.
"Okay lang kami Cassy at ito nga may balita kami sa'yo kaya nandito kami!" masayang sabi ni Emma.
"Ano iyon?" tanong ko ulit.
"Sinabi sa amin ni dean na bibigyan ka raw niya ng chance dapat within one week matapos mo iyong thesis mo. Kapag nagawa mo iyon makaka-graduate ka at babalik sa'yo ang summa cum laude mo!" malakas na pagkasabi ni Emma.
"Talaga totoo ba iyan?" Hindi ako makapaniwala.
"Oo girl salamat kay Noah kasi tinulungan ka." Natigilan ako si Noah ano kinalaman niya?
"Ano kinalaman ni Noah dito?" nagtatakang tanong ko.
"Kasi sabi niya sa amin gagawa siya ng paraan kasi mahalaga ito para sa'yo," seryosong pagkasabi ni Olivia. Kung gano'n dahil kay Noah dapat akong magpasalamat sa kaniya.
Bago mag one week natapos ko na iyong thesis ko at excited kong ipasa kay dean. Masaya ako habang naglalakad dahil makaka-graduate na ako at babalik sa akin ang honor ko. Dahil sa lutang ang isip hindi ko napansin may nabangga ako.
Bogsh... bago ako matumba may brasong humawak sa akin. Pag-angat ng aking tingin si Noah ang nakita ko. Dahil sa sobrang kasiyahan niyakap ko siya agad ng mahigpit.
"Noah salamat sa'yo," sabi ko habang nakayakap sa kaniya ng mahigpit.
"Ahem nandito pa kaming dalawa ni Liam." Pagbasag ni William sa amin. Agad akong kumawala kay Noah.
"Sorry hindi ko kayo napansin na dalawa hello sa inyo," sabi ko. Tumingin ako kay Liam na masama ang tingin sa akin.
"Bakit ang saya mo yata Cassy?" pansin ni Noah.
"Oo kasi makaka-graduate na ako at utang na loob ko iyon sa'yo Noah," sabi ko at tumingin sa kaniya.
"Ako?" Turo niya sa kaniyang sarili.
"Oo kasi sabi nina Olivia at Emma gumawa ka ng paraan para tulungan ako kaya maraming salamat," nakangiting sabi ko.
"Ah gano'n ba oo walang anuman iyon Cassy happy ako sa'yo," nakangiting sabi niya.
"Tapos na kayo mag-usap tara na!" sabi ni Liam at agad umalis. Galit na naman siya.
Mabilis lumipas ang araw at ngayon graduation namin. Tumagal din ng ilang oras ang ceremony at nag-speech ako kahit nakakaiyak ang speech ko pinigilan ko. Lahat nagkakasiyahan na hinanap ko si Liam pero hindi ko makita. Sa dami ng tao hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang nakita ko siya sa may field.
"Liam congrats sa'yo." Pagbati ko sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot.
"Bakit ka nandito do'n tayo naroon silang lahat." Pero wala pa rin siyang imik. "Liam pun-" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng putulin niya.
"Ano ba Cassy? Tumigil ka na ang kulit-kulit mo!" Natahimik ako sa sinabi niya.
"Nag-aalala lang kasi ako sa'yo dahil mag-isa ka lang dito," mahinang pagkasabi ko.
BINABASA MO ANG
Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)
Romance[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo ang sakit, mapapaniwala ang iba na kaya mo, pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nagpa...