LUMIPAS ang araw, linggo, buwan at taon at ito magtatapos na kami sa susunod na buwan. Sa apat na taon pamamalagi namin sa Stanford Academy maraming alaala ang babaunin namin. At sa apat na taon na iyon minamahal ko pa rin siya. Kahit malamig pa rin ang pakikitungo sa akin. Halos sabunutan na ako ng aking mga kaibigan magising lang sa katotohanan. Pero wala eh mahal ko talaga siya na handa akong magtiis para lang sa kaniya. Maraming nanligaw at nagpaparamdam pero siya at siya pa rin. Breaktime at nasa canteen kami.
"Girls masaya ako dahil malapit na tayong magtapos. Ano balak niyo?" tanong sa amin ni Olivia.
"Ako baka maghanap agad ng work," sagot ni Emma.
"Ako hindi ko pa alam," iyon ang sagot ko. Hindi ko pa talaga alam.
"Baka ang plano mo ipagpatuloy pa rin ang kalibangan diyan kay Liam?" umirap na pagkasabi ni Olivia.
"Ano pa nga ba? Apat na taon na niyang mahal pero hindi naman siya mahal," malungkot na pagkasabi ni Emma.
"You know Cassy it's time to move on apat na taon ka ng nagtitiis at nagtiyatiyaga sa kaniya. Lahat ginawa mo na para mahalin ka pero wala e!" naiinis na sabi ni Olivia.
"Pagod na ako pangaralan si Cassy ako na ang susuko," sinasabi niya na nakataas ang mga kamay.
"Alam niyo girls habang may buhay may pag-asa," sabi ko sa dalawa.
"Katangahan ang tawag do'n!" segunda ni Olivia. Makaalis na nga alam ko naman hindi titigil ang mga ito.
"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Emma.
"Punta ako sa library gagawin ko iyong thesis ko." Tumango lang sila.
Habang abala ako sa aking thesis may bumagsak na documents sa aking harapan. Nang tiningnan ko kung sino ang may gawa si Liam.
"Ano ito?" tanong ko sa kaniya.
"Para sa thesis ko iyan gawin mo!" utos niya sa akin na pagalit.
"Pero may thesis din ako na dapat gawin," sagot ko.
"Eh di unahin mo muna iyong sa akin basta gawin mo iyan!" Pagkasabi niya umalis na siya naiwan akong tulala. Paano ko gagawin isang buwan na lang ang natitira. Hindi gano'n kadali gumawa ng thesis kakayanin ba? Tanong ko sa aking sarili.
Dumating ang araw ng pag-present sa thesis pero wala akong maipakita dahil hindi ko natapos. Iyong thesis ni Liam ang pinaglaanan ko ng oras. Ang masaglap iyan baka hindi ako makapagtapos at mawala sa akin ang pagka summa cum laude. Malungkot akong lumabas sa office ng dean na agad naman akong sinalubong nina Olivia at Emma.
"Girl ano sabi ni dean?" bungad sa akin ni Olivia. Hindi pa ako nagsasalita umiiyak na ako.
"Sabi niya baka raw hindi ako makapagtapos kung wala akong ma-present na thesis at ang masaklap mawala sa akin ang summa cum laude ko," humihikbing sabi ko.
"My god! Ano ba kasi nangyari bakit hindi mo nagawa?" tanong ni Emma.
"Ginawa ko iyong thesis ni Liam akala ko maihahabol ko iyong sa akin pero kulang na sa oras," umiiyak na sabi ko.
"Liam na naman! Bakit mo ginawa iyong thesis niya dahil sinabi niya gawin mo?" tumango lang ako bilang pagsagot.
"Tanga mo! Tanga mo! Hindi pagmamahal iyan kung hindi katangahan na!" galit na sabi ni Olivia.
"Oh siya tama na, nangyari na mag isip na lang tayo kung ano gagawin. Pakiusapan na lang natin si dean baka puwede ka pa bigyan ng chance," sabi ni Emm na hinihimas ang likod ko.
"Nakiusap na ako kaso ayaw pumayag. Problema ko rin kung paano ko sasabihin ito kay Mama." Hindi ko alam kung mapapatawad ako ni Mama.
"Mauna na ako sa inyo girls." Iniwan ko sila na malungkot ang mukha.
3rd Person Point of View
Nakasalubong nina Olivia at Emma sina Liam. Bakas sa mukha ng mga dalaga ang galit para sa kaibigan.
"Hoy! Ikaw ang laki ng problema na binigay mo kay Cassy hudas ka bwisit!" galit na sabi ni Olivia.
"Ikaw ah dahan-dahan ka sa mga tinatawag mo sa akin at ano ba ginawa ko sa kaibigan niyo?" tanong ni Liam.
"Hindi mo alam? Si Cassy kinausap ng dean namin at ang sabi hindi siya makakapagtapos. Ang masaklap nawala sa kaniya ang summa cum laude niya dahil sa bwisit na lalaki na iyan!" segunda ni Emma.
"Bakit ako ang tinuturo niyo!" malakas na pagkasabi ni Liam.
"Dahil sa lintik na thesis mo hindi natapos gawin ni Cassy iyong thesis niya. Dahil mas inuna iyong sa'yo!" pasigaw ni Olivia.
"Totoo ba iyon bro?" tanong sa kaniya ni Noah tumango ito bilang sagot.
"Kasalanan ko ba kung sunod sunuran ang kaibigan niyo," pagmamatigas ni Liam.
"Bro naman hindi ka na nadala, hindi ka na naawa kay Cassy mabait iyong tao sa'yo," wika ni William.
"Baka puwede pakiusapan dean niyo para bigyan ng chance si Cassy," sabi ulit ni William.
"Ginawa na iyan ni Cassy kaso hindi siya pinagbigyan," sagot ni Emma.
"Kumusta si Cassy?" nag-aalalang tanong ni Noah.
"Ayon walang tigil sa pag-iyak at hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa Mama niya," sabi ni Emma na nakatingin kay Liam.
"Gagawa ako ng paraan mahalaga ito kay Cassy at mahalaga siya sa akin," sabi ni Noah.
"Salamat Noah sa pagtulong mo kay Cassy. Hindi tulad ng iba riyan walang ginawa kung hindi saktan ang kaibigan namin!" pagpaparinig ni Olivia.
================================
BINABASA MO ANG
Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)
Romance[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo ang sakit, mapapaniwala ang iba na kaya mo, pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nagpa...