Sorry kung medyo lame po yung update ng Chpater 18. I'll try pagandahin ang mga sumunod pang chapters. May mga revelations pang marereveal at stories na mailalantad kaya sana continue supporting TBL :)))
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Diego's POV
Pagkalabas namin ng sinehan.....
.
.
.
.
.
.
.
Bakit ganyan ka tadhana??? Kami na nga ang lumayo, pinagtagpo niyo pa rin kami? Ano ba talagang gusto mo??
Di na lang namin pinansin yung nakita ng barkada. Tuloy-tuloy kami sa paglalakad namin pero nanadya talaga siya at binunggo niya pa talaga ang girlfriend ko.
"Ouch!" iritadong sabi ni Julia at sumama ang tingin sa kanya. Ano ba talagang gusto niyang palabasin dito?
"Sorry ha pero kasi, pwede ko bang hiramin saglit ang boyfriend mo?" sabi niya kay Julia habang nakangiti ng pang-asar. Nakita ko namang masama ang tingin ng mga girls at kulang na lang ay pumatay sila ng tao ngayon.
"Hindi pwede." kalmadong sabi ni Julia pero halatang mong inis na inis na siya. Haha, ang cute cute niya talagang mainis. No offense ha.
"Saglit lang naman eh." sabi niya na medyo tumaas na ang tono ng pananalita niya.
"Alam mo Jace, kung akin, ok lang pero nasa kanya pa rin ang desisyon eh. Pumayag man ako pero kung siya mismo eh hindi ka gustong pag aksayahan ng panahon. Dba Babe?" sabi ni Julia sa akin at lalo siyang tumabi sa akin. Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"Sorry Jace pero kasama ko kasi ang barkada at ang girlfriend ko kaya ayokong iwan sila para sa mga kalokohan mo na naman." sabi ko sa kanya.
Pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya ay lumakad na kami pero nakaramdam ako ng kaba nung sumigaw siya.
"Protektahan niyo yang mga babaeng yan dahil baka sa isang iglap eh may mangyari ng hindi maganda sa kanila. Tandaan niyo, kukunin ko ang dapat sa akin at sa mga kaibigan ko." sabi ni Jace tapos nilingon ko siya at nakita kong ngumiti niya. Hindi simpleng ngiti kundi isang ngiting may kasamaang itinatago.
Sh*t! yun na lang ang isinigaw ko sa isip ko. Hindi pwedeng may mangyaring masama kay Julia. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya kailangang mag-usap kami ni Jace sa lalong madaling panahon.
EJ's POV
Wow Author! Thank you at pinayagan mo ako na magkaroon ng sarili kong POV para maipahayag ko man lang ang nararamdaman ko.
Aaminin ko, nakaramdam ako ng kakaibang kaba nung marinig ko yung sigaw ni Jace kanina.
Alam kong kalalaki kong tao pero nagpapadala ako sa mga ganyan. "Mocha baby, I think we should protect Julia and Kath. Sila yung pinaka binantaan. We all know her." sabi ni Kiray sa akin habang naglalakad kami. Napunta kami ng.barkada sa Timezone.
"I think we should unwind. Dba Babe?" sabi ni Diego kay Julia na kasalukuyang kasama si Kath.
"Ahhh--eh--- kayo na lng muna kasi mag-uusap kaming girls. Girls? Leggo." sabi ni Julia na parang hindi siya mapakali, miski sa Kath hindi mapakali eh Putcha naman! Letcheng Jacel yun, bumalik pa kasi. Kung may gagawin siya sa mga kaibigan ko, sana naman hindi yung iniisip ko.
Kath's POV
Nagulat ako nung biglang lumapit sa akin Julia na mukhang kinakabahan. Aish! Siguro dahil ito sa bruhildang Jace na yun.
"Sa tingin mo ba Bes kayang gawin ni Jace yung sinabi nya kanina?" tanong ni Julia sa akin.
"We all know her Juls. Madami siyang kayang gawin." I simply told her. Di ko alam pero natatakot ako sa kayang gawin ni Jace. Patago siyang kumilos kaya hindi mo malalaman na may binabalak na pala siyang masama sayo.
"Di ko alam kung bakit Bes pero natatakot ako eh." sabi ko sa bestfriend ko. Oo alam ko na dapat hindi ako matakot, pero iba talaga si Jacel eh. Hindi sya simpleng kaaway lang. Siya yung tipo ng tao na kapag nabangga mo, humanda ka sa revenge nya.
"Hayy naku Julia Montes! Wag ka ngang nega. Think positive okay? Nandito nman kami eh." sabi ni Yen sa kanya.
"Naku guys! Tara na nga! We're here to have fun, hindi para mag drama ng walang katapusan." sabi ko sa kanila.
Agad kaming naglakad at pumunta sa Timezone para makapag enjoy naman kami at mawala ang pagka BV namin dahil kay Jacel.
Third Person's POV
Habang nagsasaya ang barkada ni Kath, di nila alam na may matang nagmamatyag sa bawat kilos nila. Hindi man lang nila alam na ang ni DJ na ang tinuturing niyang kaibigan ay ang taong gustong trumaydor sa kanya. Pangalanan muna natin siyang Thirdy habang hindi pa narereveal kung sino talaga siya.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo Pre? Magkakaibigan tayo alam mo yan." sabi ng isa sa mga kaibigan ni Thirdy. Ang lalaking ito ang pinaka pinagkakatiwalaan niya.
"Alam ko ang ginagawa ko. Gagawin ko kung ano ang dapat noon ko pa ginawa." cold niyang sabi sabay tayo at lumabas ng bahay ng isa sa mga kaibigan niya.
"Maghanda kayo sa mmga mangyayari. Sinabi ko sayo noon pa, walang talo-talo, pero ano? Inagaw mo siya sa akin. Pasensya ka na DJ, pero sa labang 'to, kakalimutan ko ang salitang kaibigan." bulong nya sa sarili sabay nilukot ang picture ni DJ at ni Kath na magkasama.
- - - - - - - - -
Ayan, super tagal kong di nag UD! Namiss ko si Wattpad.. :))
Sino kaya siya? Ano kayang binabalak niya?
- - - - - - - - - - - - -
TEASER FOR THE FOLLOWING CHAPTERS:
"Akala ko kabigan kita! Pero ano!? GInaga*o mo ko!"
"Di ako makapaniwalang magagawa mo akong lokohin! This is not what I expected!"
"Please believe me! HIndi ko gustong gawin yun! Napilitan lang ako!"
"Hindi ako nagparaya para sa wala. Anong sabi ko sayo, ingatan mo siya dba? Pero anong ginawa mo? Tarantado ka tlaga eh!"
"Tama na please. Wag nyo na muna siyang lapitan. Masyado pang mahirap para sa knya ang lahat ng 'to."
- - - - - - - - -
Abangan ang mga susunod kong update. I love you guys! Follow me on twitter! @janellaaaaaaaaa
Clue: Pagkakaibigan
Time Check: 12:05 AM
