Sorry readers kung ngayon lang po ako ng update. Sobrang busy po kasi sa school at sobrang tambak kami ng homeworks at kung anu ano pa. Mejo nakakabaliw na po sa school kaya sorry kung ngayon lang nag update. Sana maintindihan niyo po ako. Don't worry, I'll do my very best para maka update at sisiguraduhin kong maganda ang update ko...
Itong chapter na ito ay..... bsta maganda.. Comment your reactions.. SILENT READERS please paramdam naman kayo oh...
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Kath's POV
Nakababa na kami ng sasakyan ni Enrique. Papasok na sana kami ng mall ng biglang...
Enrique: Kaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaath!!
*BANG!
Nagulat na lang ako ng nakayakap na sa akin si Enrique. Natamaan siya ng baril! No!
Enrique: Ka-----th, sa-----bi *ow* k----o sa----yo, po----pro---tek---ta--han kita?
Kath: Enrique! No, wag kang magsalita ng ganyan.
Duguan si Enrique. May tama siya ng baril sa likod niya. Madaming tao na nakapaligid sa amin nung makita nila kami.
Kath: Anong tinutunganga niyo dyan!? Tumawag kayo ng ambulansya!!!! sigaw ko sa kanila.
Umiiyak na ako ngayon. Bakit ngayon pa?? Kung kelan ok na kami, kung kelan masaya kami ng kaibigan ko. Nadilat pa yung mata ni Enrique pero halatang hinang hina na siya. Di baleng maligo ako sa dugo, wag lang mawala sa akin si Enrique.
Agad kong kinuha sa bulsa ko yung cellphone ko at di-nial ang number ni Daniel.
Dialling.......... Batman Deejay ♥
(Phone convo)
Daniel: He----
Kath: Daniel! Si Enrique! natataranta na ako.
Daniel: Ano nangyari?
Kath: Na---baril.(Ano!? Tutunganga kayo dyan? Tukungan niyo kami!) sigaw ko sa mga tao sa paligid, umiiyak kong sabi.
Daniel: Ano!? Nasaan kayo?
Kath: Papuntang ******** Hospital.
Daniel: Papunta na kami. Tatawagan ko na lang Kuya mo.
Kath: Salamat.
.......Call ended
Daniel's POV
Sh*t! Bakit nangyari yun!? Bakit nabaril si Enrique? Syempre kahit karibal ko yan kay Kath, pinsan ko pa din yan.
Lester: Oh? Anong----
Daniel: Nabaril si Enrique mga dude!
Silang apat: Ano daw!? Bakit!?
Daniel: Hindi ko alam! Basta, tara na!
Agad kaming tumakbo papuntang sasakyan ko at pagkasakay namin ay umalis din kami kaagad. Ano kaya nangyari kay Kath? Ok kaya siya? Ano ba! Mababaliw ako kakaisip dito eh. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari lahat ng ito?
Bakas sa mukha nila yung pag aalala sa sinapit nung dalawa. Kahit ako, natataranta na din sa narinig ko. Umiiyak si Kath nung tumawag siya sa akin. Sumisigaw na din siya para makahingi ng tulong. Hindi kaya may feelings pa din siya para kay Enrique?