06

212 6 3
                                    

KC's POV.

Masaya kong ibinalita kila Mommy ang tungkol sa'min ni Maisie. Sobrang natuwa naman sila dahil sa wakas ay nakaamin na ko at nangyari na ang matagal nilang hinihintay. Sunod naman naming balak ay sa pamilya niya. Kahit na alam kong kilala na nila ako ay hindi pa rin naman nawala ang kaba ko, ngunit tila umaayon ang tadhana sa pag-iibigan namin dahil kung tanggap kami nila Mommy ay mas tanggap kami ng pamilya ni Maisie.

Magkahawak-kamay kaming pumasok ng University. Wala kaming pakialam kung husgahan man kami ng nasa paligid, hindi naman nila hawak ang buhay namin.

"You're glowing." wika niya. Nakangiti ko naman siyang nilingon.

"It's because I'm so happy and in love." natawa naman siya sa isinagot ko at napailing.

"Kung mas maaga ka lang sanang umamin edi sana matagal nang naging tayo."

"Hmmm... Baka ito talaga yung nakatadhana sa'tin." muli nalang siyang nailing habang marahang tumatawa.

"Whatever, KC. Torpe ka pa rin."

"Takot lang akong ma-reject ng kaibigan ko, okay?"

"Manhid ka rin kasi. Tsk! Tsk! Tsk!"

Napanguso nalang ako bilang tugon. "Kailan natin sasabihin kila Abby ang tungkol dito?" tanong ko.

"Hmmm...mas maganda siguro kung i-surprise natin sila."

"Sige, pag-usapan natin ang tungkol diyan mamayang uwian."

"Hmm. Sige."

"Kita nalang tayo mamayang lunch." nakangiti siyang tumango at humalik sa pisngi ko. Bahagya pa kong na-estatwa dahil hindi pa naman ako sanay sa mga pagbabagong tulad nito.

"Huy! Ayos ka lang?" natatawa niyang tanong matapos pitikin ang daliri niya sa harap ng mukha ko.

"A-ahh... Hmm! A-ayos lang ako, hehe. Sige ah! Ingat ka."

"Sige, ikaw din!" nginitian ko nalang siya bago kami naghiwalay ng daraanan. Ngunit papasok palang ako sa room ay bigla nalang akong hinatak ni Charles papunta sa isang gilid na malayo sa pintuan.

"Nakakagulat ka naman, Charles! Ano bang kailangan mo?" gulat na panimula ko.

Saglit niya kong tinitigan at bumuntong-hininga. "I just want to say sorry." napakunot ang noo ko. "Hindi na sana ako nagpatulong sa'yo dahil mukhang naka-istorbo lang ako kay Maisie."

"Actually, no. Hindi ka naka-istorbo sa kaniya, she really had fun with you. And thank you dahil hindi mo siya pinabayaan." nakangiti kong sabi.

"Hmm. Thank you rin dahil hindi mo siya ipinagdamot sa'kin. 'Yon nga lang ay hindi niya ko type, but that's okay. Hindi ko naman mapipilit ang sarili ko sa kaniya."

Bahagyang lumawak ang ngiti ko sa kaniya at tinapik sa kanang balikat. "Thank you for your understanding." ngumiti rin siya bilang ganti.

"E kung...okay lang, pwede ko bang matanong sa'yo kung kilala mo yung type niya?" napatigil ako sa itinanong niyang 'yon at nangapa ng isasagot. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin agad sa kaniya ang tungkol sa'min ni Maisie. Kailangan ko muna siyang tanongin.

"Uhm—" nang magsasalita na ko ay biglang tumunog ang bell kaya hindi ko na 'yon naituloy pa. Saved by the bell! "N-next time nalang, Charles. Halika na. Baka mahuli pa tayo ni prof na nasa labas." nagpatiuna na kong maglakad papasok ng room dahil ayoko nang humaba pa ang usapang 'yon.

Nagsimula ang morning class at naging maayos naman ang lahat. Ngunit ewan ko ba dahil hindi mapakali ang utak ko kakatingin sa oras. Simula no'ng maging kami ay bigla ko nalang siyang gustong laging makita't makasama. Siguro nga gano'n talaga, may magbabago't magbabago pero nasisiguro ko na ang pagkakaibigan namin ay hindi mawawala.

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon