18

159 2 0
                                    

KC's POV.

Bago ako umalis ay iniiwanan ko muna ng tubig at pagkain si Louella, yung sapat para sa maghapon niya. Nilo-lock ko rin nang maigi ang bahay lalo na ang gate.

"Good morning, ma'am!" masiglang bati sa'kin ni Kuya Guard. Agad ko rin siyang nginitian at binati pabalik. Pagkatapos ay nag-sign in muna ako bago tuluyang dumiretso sa elevator. Right after kong makarating sa floor namin ay nagsimula na rin ang trabaho ko.

Pagkatapos naman ng shift ko ay dumiretso agad ako sa bahay para magluto ng hapunan.

"Hi, Louella!" bungad ko nang buksan ang pinto. Nandoon kasi siya sa pintuan at hinihintay na pumasok ako. Nag-meow siya sa'kin kaya naman binuhat ko siya matapos na buksan ang ilaw. "How are you, hmm? Naubos mo ba yung food mo?" muli siyang nag-meow kaya naman hinalikan ko siya sa ulo at naglakad papunta sa kainan niya. Wala na itong laman kaya muli kong nilagyan bago siya binaba roon. Behave naman siyang kumain kaya napangiti ako.

Umakyat muna ko sa kuwarto para magbihis bago muling bumaba para magluto naman ng hapunan. Naghanap ako ng pwedeng lutuin, nagsimula akong maghanap ng ingredients sa ref at nakita roon ang mga sangkap para sa sinigang. Napangiti ako at kinuha ang manok pati na ang iba pang ingredients nito.

Nagsimula muna kong maghiwa bago sinimulang lutuin ang putahe. Sinabay ko naman ang pagluluto ng kanin sa rice cooker para hindi sayang sa oras.

Nagtaka ako nang mag-meow si Louella sa bandang sala kaya naman tinawag ko siya pero muli lang siyang nag-meow. Ibinaba ko ang sandok para lumabas at silipin siya.

"Hi!" masiglang bati ni Maisie habang buhat ang pusa. Napangiti naman ako at sinalubong siya ng halik sa labi.

"Ang aga mo yata ngayon?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat naman siya bago nagsalita.

"Wala kaming overtime e, hihi!" pagkatapos niyang halikan si Louella sa ulo ay ibinaba na niya ito. "Anong niluluto mo?"

"Ayy shocks! Oo nga pala!" dali-dali akong tumakbo papunta sa kusina at tinignan ang niluluto ko. Naramdaman ko namang sinundan niya ko kaya sinagot ko na ang tanong niya. "Hindi mo ba naaamoy yung sinigang?" sabi ko at tinikman ang niluluto ko.

"Tama lang ako, hihihi. Patikim nga ko," binigay ko sa kaniya ang sandok at tinikman niya rin. "Wow! Ang sarap mo talaga magluto!" manghang sabi niya. Bahagya naman akong natawa at pinatay na ang kalan.

"Kaya nga nag-asawa na ko e." I said chuckling. Napairap nalang siya at umiling.

"Magbibihis na muna ko bago tayo kumain." wika niya. Tumango nalang ako bilang tugon.

"Ihahanda ko lang sa lamesa para medyo lumamig." tumango nalang din siya bago umakyat sa kuwarto at sumunod sa kaniya si Louella.

Nang makababa na siya ay nakahanda na rin ang pagkain sa lamesa, kaya naman kumain na rin kami pagkaupo sa silya.

Ilang araw ding walang overtime si Maisie kaya naman maaga rin kaming nakakakain at nakakapagpahinga kasama si Louella.

Ngayon siguro ay may overtime siya sa trabaho dahil wala pa rin siya hanggang ngayon. At sa kadahilanang ayokong mag-overtime sa office ay iniuwi ko nalang ang trabaho ko sa bahay. Adobong baboy nalang ang iniluto ko para mabilis. Hindi ko na nahintay pa si Maisie para sabay kaming kumain dahil kanina pa kumukulo sa gutom ang tiyan ko.

Kasalukuyan akong nagty-type sa laptop ko nang biglang mag-ring ang phone ko na nakapatong sa bedside table. Agad ko 'tong tinignan at chineck kung sino ang tumatawag bago 'to sinagot.

"Mom?"

"Anak, are you busy?" tanong sa'kin ni Mommy Demi. Siya kasi ang tumawag.

"No, Mom. Patapos naman na po ako sa pagty-type. Bakit po?"

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon