10

173 3 1
                                    

KC's POV.

Nakabalik na rin kami sa wakas. Nasabi na rin ni Maisie kina Abby at Crissanta ang tungkol sa mangyayaring sleep over sa bahay nila, at sa kabutihang palad ay pumayag naman sila. Excited pa nga dahil magkakasama-sama na ulit kaming apat.

Nagpaalam din ako kina Mommy Rosana at Mommy Demi. Ang sabi nila sa'kin ay panghuli na 'to ngayong sembreak dahil may mga aasikasuhin pa raw akong gawain sa school. Ayos lang naman sa'kin dahil pinayagan pa rin nila ako.

Gabi palang ay inihanda ko na ang mga dadalhin ko sa bahay nila Maisie. Hapon pa naman kami pupunta ro'n pero wala e, excited ako kaya aagahan ko na mag-ayos ng gamit.

Inasikaso ko nalang muna ang ilang gawain sa school ng umaga para mabawasan kahit papa'no ang gagawin ko. 5 pm ay nagpasya na kaming pumunta sa bahay nila Maisie.

"Grabe! Na-miss ko kayong dalawaaaa!" tuwang-tuwang wika ni Crissanta at sabay kaming niyakap ni Maisie. Nandito pa kami sa labas ng bahay nila dahil kararating lang naming tatlo, halos magkakasunod.

Natawa nalang kami sa ginawa ni Crissanta.

"Long time no see, guys! I missed you all." wika naman ni Abby at isa-isa kaming niyakap nang mahigpit.

"Oh siya, mamaya na ang chikahan. Pumasok na muna kayo, tara." sabi ni Maisie at nagpatiunang pumasok sa loob ng bahay nila.

"Grabe, wala pa ring pinagbago bahay niyo, Maisie! Maganda pa rin at maaliwalas!" komento ni Crissanta pagkapasok habang inililibot ang paningin.

"Siyempre, maganda na kaya hindi na kailangan pang mas pagandahin. Baka pumangit na kasi." sagot ni Maisie.

"Kung sabagay tama ka." pagsang-ayon ni Crissanta.

"Maupo na muna kayo riyan, dadalhan ko muna kayo ng juice. Wala pa kasi si Mom at Ate, mamayang gabi pa ang uwi." sabi ni Maisie bago pumunta ng kusina. Pagkabalik niya ay may dala na siyang tray na may lamang isang pitsel na juice at mga baso.

"Ang tahimik mo ata, KC?" puna sa'kin ni Crissanta na bahagya kong ikinagulat.

"Ha? Uhm...wala, napagod lang siguro yung utak ko sa gawain kanina. Binawasan ko na kasi yung gawain sa school para hindi tambak." sagot ko. Sa totoo lang ay iniisip ko lang ang magiging reaksyon nila kapag sinabi na namin sa kanila ang tungkol sa'min ni Maisie kaya ako tahimik.

"Nako, 'wag mong isipin 'yon. For sure mahal ka no'n." pagbibirong komento naman ni Abby. Lihim kaming nagkatinginan ni Maisie at pinigilan ang mangiti. Kumuha naman ako ng isang baso ng juice at saka iyon ininom.

"Speaking of, ang tagal nating hindi nagkausap-usap ah. May mga jowa na ba kayo? Update naman diyan." muntik ko nang maibuga ang juice na iniinom ko, buti nalang ay napigilan ko agad. Kaso nga lang ay naubo ako dahil pinilit ko 'yong lunukin.

"KC! Jusko! Ano ba kasing ginagawa mo?" nag-aalalang sabi ni Maisie na agad namang kumuha ng tissue at iniabot sa'kin.

"Salamat." wika ko at pinunasan ang bibig ko. Tinapik-tapik naman ni Abby ang likod ko habang bahagyang natatawa.

"Ano ba kasing ginawa mo? Nagtanong lang ako about sa jowa e." komento ni Crissanta at maya-maya'y napasinghap. "Don't tell me, meron na nga?!" nanlalaki ang mga matang sabi niya. Hindi ako nakapagsalita at napatitig lang sa kaniya.

"Guys, let's go! Para maibaba niyo na yung gamit ninyo sa kuwarto." pagsingit ni Maisie na ikinahinga ko naman nang maluwag. Nagsitayuan na kami at sumunod sa kaniya. Umakyat kami sa hagdan at naglakad papunta sa kuwarto niya.

"Eeek! I'm so excited! Anong activity ba gagawin natin? Netflix and chill? Panoorin natin yung mga bagong movie ngayon!" sunod-sunod na sabi ni Crissanta. Kahit kailan madaldal talaga 'to. Tsk! Tsk!

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon