08

205 4 0
                                    

KC's POV.

Kinabukasan ay nauna akong nagising kay Maisie. Napangiti ako at napatitig sa tulog niyang mukha. Mas mukha kasi siyang maamo kapag natutulog. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya at inilagay 'yon sa likod ng tenga niya.

Marahan ko siyang hinalikan sa labi, at 'yon ang dahilan ng bigla niyang paggising.

"Good morning, babe~" bungad na bati ko. Napangiti naman siya at inginudngod ang mukha sa dibdib ko. Bahagya naman akong natawa at hinaplos nang marahan ang buhok niya. "How's your sleep?"

"It's fine." she said in a muffled voice.

"Hmmm...order na ba ko ng breakfast natin? This is our first day, magswi-swimming tayo."

She whined. "Later, let's just stay like this for a while." hindi na ko nagsalita at ipinagpatuloy nalang ang paghaplos sa buhok niya.

Ilang minuto lang kaming nanatiling gano'n bago kami nagpasyang tumayo. Naghilamos kami at pagkatapos ay nag-order na ng breakfast.

"May cottage na rin tayo, then yung mga iihawin natin mamaya ko nalang ipapalabas sa staff." sabi ko habang naghahanap ng isusuot. Tapos na kaming kumain ng almusal, kaunti lang kinain namin dahil baka hindi na kami makakain ng iihawin namin mamaya.

"Oh sige, ako na muna magbibihis ah?" tumango nalang ako bilang tugon at naglakad na siya papunta sa cr. Ilang minuto lang naman siya ro'n at sumunod na rin ako. Nakadoble yung suot naming damit sa suot naming one piece swimsuit. Hindi naman ito ang unang beses naming makitang nakasuot ng ganito ang isa't-isa kaya naman hindi na kami nagulat pa.

"Let's go?" nakangiting sabi ko at tumango naman siya bilang tugon. Sabay kaming lumabas ng kuwarto, pero bago kami pumunta sa dalampasigan ay inihabilin ko muna kung anong oras nila dadalhin sa cottage ang mga iihawin namin mamaya.

Dinala namin ang ilang gamit sa cottage tulad ng tuwalya, sunblock, at tsinelas. Kasama na kasi sa ihahatid nila ang mga gagamitin namin sa pagkain kaya hindi na kami nag-abala pang magdala. Nagpahid muna kami ng sunblock pagkatapos hubarin ang doble bago tuluyang maglakad papunta sa dagat.

"Na-miss ko ang beach!" halos patiling sabi niya nang makaapak sa tubig. Nakaalalay kami sa isa't-isa hanggang sa makalubog ang kalahati ng katawan namin sa tubig-dagat.

"Ako rin e. Puro kasi swimming pool ang nililiguan natin noon. Ayaw tayong payagan sa dagat, unless family outing 'yon."

"Yeah, right! Buti nga pumayag na sila this time na kahit tayong dalawa lang."

"Isa lang ang ibig sabihin no'n. May tiwala sila sa'tin na kaya na nating maging independent. So, we shouldn't break that trust."

"I know. Kaya...let's enjoy the 3 days of being here!" she said giggling. Binasa niya ko ng tubig sa mukha kaya saglit akong hindi gumalaw. Nang maka-recover ay siya naman ang binasa ko ng tubig sa mukha, sabay kaming tumawa at nagsimula nang magbasaan.

"Ahh!" lumangoy siya palayo nang hindi na niya malabanan ang pambabasa ko sa kaniya. Natawa naman ako at sinundan siya. "No! Diyan ka lang!"

"Rawr~!!!"

"Ahhh~!!!" sabay ulit kaming tumawa at nagkulitan pa sa tubig. Nang mapagod kami ay umupo kami sa buhanginan at sinubukan bumuo ng sand castle, kahit na wala kaming gamit na timba para ipunin ang buhangin.

"'Wag ka kasi diyan sa malapit sa tubig. Mabubuwag talaga 'yan." natatawang sabi ko dahil naiinis na siyang gumawa.

"Ihhh! Hindi talaga ako makaipon nang buhangin." reklamo niya.

"E pa'no wala naman kasi tayong gamit para gumawa ng sand castle." natatawa at naiiling kong sabi. Ngumuso naman siya at binuwag na nang tuluyan ang binubuong sand castle. "Oh? Bakit?"

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon