13

149 3 0
                                    

KC's POV.

Kagabi pa ko hindi mapakali. Hindi nga ko nakatulog nang maayos dahil sa pagka-excite sa magaganap ngayon. Graduation na kasi namin at isang malaking achievement 'to para sa'ming students. Ipinagpapasalamat ko na nakayanan naming ipasa hanggang huli, at ngayon ay ito na ang katas ng paghihirap namin sa loob ng apat na taon.

Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin, simple lang ang ayos. Suot ko ang dress na binigay sa'kin ni Maisie isang linggo bago ang graduation. Kahit siya ay binigyan ko rin dahil graduation gift namin 'to para sa isa't-isa, at sabi rin namin na sabay namin 'tong isusuot sa graduation day. Hindi kami magkasamang bumili pero halos magkatulad ang nabili naming dress. Off the shoulder short dress ang binili namin, black sa'kin at white naman ang sa kaniya.

Isinuot ko na ang graduation gown at cap pagkatapos kong isuot ang black stiletto shoes ko. Tinitigan ko ang reflection ko sa salamin at huminga nang malalim bago unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Honey," napalingon ako kay Mommy Rosana nang marinig ko ang boses niya. Nginitian ko siya at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kuwarto ko. "We're so proud of you." malawak ang ngiting sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "Always remember that we're always here, okay?" dahan-dahan akong tumango at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

"Yes, Mom. Thank you so much because you're always there for me. Para po sa inyo ni Mommy Demi ang tagumpay ko na 'to." nginitian niya rin ako at bahagyang tumango.

"Nako, marami ka pang mararanasan. By the way, ako ang sasama sa'yo ngayon sa University. Si Mommy Demi mo raw kasi ang mag-aasikaso para sa pakain natin dito mamaya."

"Hmm. Sige po, at halina po kayo dahil baka nakapila na po sila roon." tumango siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko bago kami sabay na lumabas ng kuwarto.

"Wow! You look pretty ah!" malawak ang ngiting puna ni Mommy Demi sa'kin. Naabutan namin siya na inaayos ang bag ni Mommy Rosana na nakapatong sa coffee table. Malawak naman akong napangiti dahil sa compliment na natanggap ko.

"Thank you, Mom. Mauna na po kami, baka nakapila na po kasi sila roon e."

"Hmm. Sige sige, mag-iingat kayong dalawa. Mahal, text mo ko kapag pauwi na kayo ah?"

"Sige, Mahal. Alis na kami." humalik muna kami ni Mommy Rosana sa pisngi ni Mommy Demi bago tuluyang lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.

Nasa shotgun seat ako dahil si Mommy Rosana ang nag-drive papunta sa University. Pagkarating namin doon ay mga nakapila na sila at hinihintay nalang ang oras ng simula ng graduation ceremony.

Kasalukuyan na kaming nagpi-picture ni Mommy Rosana malapit sa stage. At pagkatapos namin mag-picture ay hinubad ko na ang graduation gown at cap dahil mainit.

"Babe!" nilingon ko ang pamilyar na boses na tumawag sa'kin mula sa likuran. Katatapos lang kasi ng ceremony, inabot kami ng gabi dahil sa rami ng estudyante rito. Nakangiti akong humarap sa kaniya at ibinuka ang mga braso.

Sinalubong naman namin ang isa't-isa ng isang mahigpit na yakap habang parehong malawak ang ngiti sa mga labi namin.

"Congrats!" masiglang sabi niya pagkabitaw sa yakap. Binati niya rin si Mommy Rosana na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Congrats din sa'yo, babe. Grabe! Finally nakatapos na rin tayo!" sunod-sunod siyang tumango habang nakangiti.

"You look nice with that dress!" sabi niya habang nakatitig sa kabuuan ko.

I giggled and scanned her. She's also wearing the dress that I gave to her, and she partnered it with white heels. Nakahubad na rin ang graduation gown and cap niya.

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon