20

175 2 0
                                    

KC's POV.

Nailibing na sina Mom. Hindi ko na pinatagal pa dahil nakapunta naman lahat ng kamag-anak namin at wala nang hinihintay. Marami ang nakiramay. Pero ang hirap pa ring tanggapin na wala na sila.

Wala na talaga sila.

"Babe," hindi ko naririnig ang pagtawag niya kaya hindi pa ko lumilingon noong una. "Babe." but this time ay napalingon na ko at bahagya ko siyang nginitian. Yakap ko ang picture nina Mommy, hindi pa rin ako nagbibihis simula kaninang inilibing sina Mom sa sementeryo. Nakakatamad na kasing kumilos. Parang naputulan ako ng isang paa at hindi na ko makalakad pa nang diretso. "Magbihis ka na't kumain, please?" dagdag ni Maisie.

"Wala akong gana." matamlay na tugon ko.

"Babe...tatlong araw ka nang hindi kumakain. Yung eyebags mo ang lalim na oh. Kain ka kahit konti lang, please?"

"Sorry, babe. Wala talaga akong gana..." bumuntong hininga nalang siya at hindi na nagsalita pa.

Meow~

Nilingon ko si Louella nang umakyat siya sa kama at kumiskis sa braso ko. Bahagya akong napangiti at marahan siyang hinaplos sa likod.

"Sorry, wala lang talagang gana si Mommy KC."

Meow~

"Magbihis ka nalang, babe." muling wika ni Maisie. Tumango ako dahil ayokong makipagtalo sa kaniya. Binitawan ko ang picture frame at inilapag sa kama. Pagkatapos ay pumunta sa closet para kumuha ng damit bago dumiretso sa cr para magbihis.

Tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin ng cr. Malalim at nangingitim ang eyebags. I looked like a mess. Magulo ang buhok at wala ring ayos. Medyo pumayat din ako dahil ilang araw na kong hindi kumakain.

Napabuntong hininga ako at namalayan ko nalang na muli nanaman akong umiiyak. Naghilamos nalang ako ng mukha pagkatapos na magbihis. Paglabas ko ng cr ay nag-aalala si Maisie na tumingin sa'kin.

"Umiyak ka nanaman." malungkot niyang sabi. Hindi ako sumagot at bumuntong hininga lang bago muling umupo sa kama.

"Ang sakit talaga, babe...h-hindi ko matanggap...hindi ko matanggap..." niyakap niya ko kaya muli akong napahagulgol.

"Shhh... I know it hurts but you can do it, hmm? Nandito lang ako..." isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya at doon mas napaluha.

Lumipas ang ilang araw ay hindi pa rin nawawala yung sakit sa'kin. Naaapektuhan na rin nito ang trabaho ko at normal na pamumuhay. Hindi ko na kasi alam kung paanong sisimulang muli ang buhay ko ngayong wala na sina Mommy.

"KC! Yung tubig!"

"Ahh!" nagulat ako sa pagsigaw na 'yon ni Ashley kaya nawala sa ulirat ko na mainit pala ang tubig na inilalagay ko sa tumbler imbes na malamig. I hissed.

"Nasaan ba kasi ang isip mo, gurl? Ayan oh! Napaso ka tuloy."

"Sorry...sige na, kumuha ka na." sabi ko at gumilid para bigyan siya ng space sa pagkuha ng tubig.

"Gurl, kung ako sa'yo mag-leave ka na muna para makapagpahinga. Tignan mo sarili mo oh, napapabayaan mo na." wika niya habang naglalagay ng tubig sa baso niya. Napabuntong hininga naman ako at tinapon sa cr ang tubig na kinuha ko.

"Sige, kakausapin ko si sir Murell para sa leave." marahan siyang tumango at tinapik ang kanang balikat ko.

"Kaya mo 'yan, hmm? Pakatatag ka. Tandaan mo, nandiyan pa naman si Maisie sa tabi mo. Hindi ka nag-iisa, kaya 'wag mong pabayaan ang sarili mo." muli niyang tinapik ang balikat ko bago maglakad palayo sa'kin. Napabuntong hininga ako ulit at hindi na itinuloy ang pagkuha ng tubig.

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon