22

190 2 0
                                    

KC's POV.

I'm pacing back and forth in the living room. Parang may mali, parang may hindi tama. Hindi ko alam kung ano at bakit ganito ang nararamdaman ko pero pakiramdam ko talaga may hindi tama.

Ilang araw na kaming hindi nagkakausap ni Maisie. Ilang araw na rin siyang hindi bumabalik dito. Ibinigay niya talaga ang cool off na hinihingi ko.

Napaupo ako sa couch at napahilamos sa mukha. Pagkatapos ay napabuntong-hininga dahil sa ilang araw niyang wala rito, roon ko lang na-realize na itinaboy ko ang nag-iisang nagtitiis at nakakaintindi sa'kin. Itinaboy ko ang taong nagmamahal sa'kin...itinaboy ko ang asawa ko.

*phone rings*

Napatuwid ako ng upo nang mag-ring ang phone ko mula sa coffee table. Agad ko 'tong kinuha at sinagot nang makita kung sino 'to.

"Hello, Ate Selene?"

"KC, naka-confine ngayon si Maisie. Pumunta ka rito, kailangan mong malaman ang dahilan." biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang balita sa kaniya kaya naman nataranta ako.

"S-sige, Ate. Magbibihis lang ako." pinatay ko na agad ang tawag at nagmamadaling umakyat sa taas para magbihis. Pagkatapos ay ni-lock ang pinto at gate matapos kong mailabas ang kotse.

Mabilis akong nag-drive papunta sa ospital kung saan naka-confine si Maisie kaya naman mabilis lang din akong nakarating. Dumiretso ako sa information desk para itanong kung saan ang kuwarto ni Maisie, at pagkasabi ng nurse kung saan ay lakad-takbo akong pumunta roon. Naabutan ko si Ate Selene sa labas ng kuwarto ni Maisie, nakaupo sa bench at parang may hinihintay. Agad naman niyang naramdaman ang presensya kong papalapit kaya tinignan niya ko at tumayo.

"Ate, kamusta si Maisie?" malungkot siyang tumingin sa'kin at bumuntong hininga.

"Sabi ng doctor na nag-check at nag-examine sa kaniya, mayroong Acute Myeloid Leukemia si Maisie." nanlaki ang mga mata ko at parang nanlambot ang mga tuhod.

"Paanong...p-paanong nangyari—"

"Mas naging severe ang case niya dahil mas dumami ang bilang ng immature white blood cells niya sa katawan. Mas lamang na ang white kesa sa red blood cells, and...it's fatal."

Awtomatiko akong napaupo sa bench dahil nanlambot na ng tuluyan ang tuhod ko. Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko at nanlalamig ang buong katawan ko. Wala pang taon noong namatay sina Mom...tapos ngayon nasa alanganin na rin ang buhay ni Maisie. Paano nalang ako kapag nawala siya sa'kin?

Bigla akong nilamon ng konsensya ko dahil noong mga panahon na hindi niya ko iniwan, ipinagtabuyan ko lang siya. Hindi ko man lang naisip na maikli lang ang buhay at anytime ay pwede rin siyang kunin sa'kin.

Niyakap ako ni Ate Selene nang makita niyang napaiyak na ko. Hindi ko alam kung saan ko sisimulang humingi ng tawad sa lahat ng naging kasalanan ko kay Maisie. Hindi ko alam kung paano...kung paano ako sobrang makakabawi sa kaniya.

"Shhhh...you can see her. Nandoon siya sa loob, gising na at kausap ni Mom." tumango ako pinunasan ang luha.

"Salamat, Ate." tumango lang siya habang tipid na nakangiti. Tumayo na ko at nag-martsa papunta sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Maisie. Huminga muna ako nang malalim bago dahan-dahang pinihit ang doorknob.

Nang sumilip ako ay sabay na lumingon sa'kin si Tita Reese at si Maisie. Kinausap muna saglit ni Tita Reese si Maisie bago nagpasyang tumayo at iwan kami.

Marahang tinapik ni Tita Reese ang kanang balikat ko habang marahang nakangiti, marahan ko rin siyang nginitian bago siya tuluyang lumabas ng kuwarto.

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon