14

148 2 0
                                    

KC's POV.

Ngayong araw ang board exam ni Maisie, ilang linggo rin ang preparation niya tungkol dito. Ako naman ay naghihintay ng tawag ng in-applyan kong publishing company bilang editor.

Kasalukuyan akong nagbibihis dahil katatapos ko lang maligo, nang biglang mag-ring ang phone ko. Napakunot ang noo ko habang iniisip kung sino 'yon at kinuha ko ito mula sa ibabaw ng bedside table. Saglit ko munang tinitigan ang number bago ko ito sagutin.

"Hello?"

"Good morning, ma'am. Is this Ms. Kathlyn Cassandra Villamedez?"

"Ah. Yes, ma'am. Bakit po?"

"Hi, I'm Mrs. Cuenco from HR Department. Thank you for your application to Bookworm Publishing Company, we were impressed by your background and would like to invite you to an interview today at our office, to tell you a little more about the position and get to know you better. Kindly look for Mr. Murell for your job interview. Thank you!"

Murell? Sounds familiar to me.

"Pwede po bang matanong kung anong oras ang interview?"

"Your schedule would be at 1 to 2 o'clock in the afternoon."

"Okay, thank you so much, ma'am! I'll be there later."

"Okay, thank you!"

Pagkababa ng linya ay ibinaba ko ang phone ko sa kama ko at hindi napigilang sumayaw habang sumisigaw sa saya.

"Ahhh!!! Yes! Yes! Yes! Mai-interview na ko! Hahahaha! Wohoo!"

*tok* *tok* *tok*

"Honey? What's going on?" tanong ni Mommy Rosana mula sa labas ng kuwarto ko. Mabilis ko munang tinapos ang pagbibihis ko bago buksan ang pinto.

"Mommy!" mahigpit na yakap muna ang ibinungad ko sa kaniya at halata naman ang pagtataka sa mukha niya. "May job interview na po ako mamaya sa in-apply-an kong trabaho last week!" tuwang-tuwang sabi ko matapos na bumitaw sa yakap.

"Wow! Ang bilis ng process ah! Congrats, honey!"

"Sana ma-hired na rin po ako after ng interview." hinawakan niya ang pisngi ko at marahan na hinaplos.

"I'm sure you will, honey. Ikaw pa!" I giggled. "By the way, anong oras ang interview mo?"

"Mamaya pong hapon, 1 to 2 pm."

"Oh siya, magluluto na ko ng tanghalian para maaga ka ring makaalis, okay?"

"Okay, Mom. Thank you,"

"Hmm. Sige, maghanda ka na ng susuotin mo mamaya." tumango nalang ako bilang tugon sa kaniya bago siya muling bumaba.

Hindi ko na isinarado pa ang pinto at naglakad nalang ako papunta sa closet para mamili ng formal attire para sa interview mamaya.

After kong kumain ng lunch ay nagbihis na kaagad ako. Black pants, white blouse and a black blazer partnered with black shoes. Inipit ko ang itim kong buhok sa high ponytail at naglagay ng light make up para mas mukhang presentable. Nagpaalam muna ako kay Mommy Rosana bago naglakad papunta sa kotse ko.

To: Maisie

Babe! Good luck ulit for your exam❤️ may job interview din ako ngayon at hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. Just text me when you got home and balitaan mo rin ako about sa exam mo, okay? Ingat ka pauwi. Love youuuu!

*sent

Pagka-send ng message ko ay sumakay na agad ako sa kotse at nagmaneho pagkatapos na magsuot ng seatbelt. Kaninang umaga ay anong oras na rin siyang nagising dahil kailangan niya ng sapat na tulog para active ang utak niya mamaya. Hapon din ang oras ng exam niya, hinati raw kasi ang schedule at mabuti nalang ay maaga silang nasabihan.

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon