07

204 2 0
                                    

KC's POV.

Days has passed. May bakasyon kami ng isang linggo kaya naman napagpasyahan namin ni Maisie na pumunta sa beach. Hindi naman kami pinigilan at tuwang-tuwa pa nga sila dahil magkakaroon kami ng quality time together. By the way, today is Sunday so, sa Wednesday pa ang balik namin.

"Mag-iingat kayo ro'n ah." bilin sa'min ni Mommy Demi.

"Yes, Mom. Nakaayos naman na po ang lahat doon, tsaka 3 days lang naman kami ro'n." sagot ko habang inaayos ang laman ng maleta ko. Si Mommy Rosana ay nasa sala, kinakausap si Maisie.

Pagkababa ko ay tumayo na si Maisie mula sa pagkakaupo sa couch, tumayo rin si Mommy Rosana at ngumiti sa'kin.

"Aalis na po kami." paalam ko. Tumango si Mommy Rosana at niyakap ako.

"Take care, honey." sabi niya at marahang tinapik ang likod ko.

"Yes, Mom. We will." pagkabitaw ko sa yakap ay si Mommy Demi naman ang yumakap sa'kin. Niyakap din nila si Maisie bago kami tuluyang lumabas ng bahay.

Nilagay na namin sa loob ng kotse ang mga dala namin bago tuluyang sumakay. Nagsimula na kong mag-drive pagkatapos naming magsuot ng seatbelt.

"Anong pinag-usapan niyo ni Mommy Rosana?" tanong ko habang naka-focus sa daan.

"Hmmmm...nothing much. Pinag-iingat niya lang tayo and sabi niya mag-enjoy tayo ro'n."

"Talaga? 'Yon lang?"

"Hmm. Unless, gusto mong pag-usapan ka namin?"

"At ano naman ang pag-uusapan ninyo tungkol sa'kin?"

"'Bout your childhood." she said, almost laughing.

"No! That was embarrassing!" nakangusong tugon ko, natawa lang siya.

"Malalaman ko rin 'yan, soon." umiling nalang ako at hindi na sumagot, nagpatuloy nalang din ako sa pagdri-drive.

Matapos ang ilang minutong pagdri-drive ay nakarating na rin kami sa wakas. Ipinarada ko na ang kotse sa parking lot bago tinanggal ang seatbelt.

"Hey, Maisie." bahagya kong inalog ang katawan niya para gisingin. Maaga kasing gumising kaya inantok sa biyahe.

"Hmmmm..."

"Gising na...we're here." bahagya pa siyang inaantok nang idinilat niya ang mga mata niya. Nilibot niya muna ang paningin sa labas ng bintana bago tumingin sa'kin.

"Nakatulog pala ako?" nagtataka niyang tanong na bahagya kong ikinatawa.

"Yup, habang nasa biyahe. Halika na?" nakangiti siyang tumango at tinanggal na ang seatbelt. Sabay kaming bumaba para kuhanin sa backseat ang dala naming gamit. Kasya naman kaya roon nalang namin inilagay. Huminga siya nang malalim bago ikinawit ang braso sa'kin.

"I'm sooooo excited!" she said giggling so I smiled.

"Let's go, then." sabi ko at naglakad na kami papasok sa loob ng beach resort. Dumiretso kami sa front desk para kuhanin ang susi ng pina-reserve naming kuwarto. Pagkakuha namin no'n ay dumiretso na agad kami sa kuwarto para maibaba na ang gamit at makapagpahinga saglit.

"Wow..." bulalas niya. Kahit ako ay namangha sa ganda ng kuwarto. Simple lang pero presko. May isang cr, maliit na couch, at kama na kasya ang dalawang tao. May malaki ring sliding window na kitang-kita ang dagat sa harap kaya masarap din ang simoy ng hangin na pumapasok sa loob ng kuwarto, at may puting kurtina rin na nakasabit para matakpan ang bintana. Airconditioned ang kuwarto at mayroong flat screen tv na nakasabit sa dingding sa tapat ng kama.

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon