special chapter 03

114 4 0
                                    

— SIAN —

"Hindi ka na nakapag-focus sa pag-aaral mo kaya ayan, natengga ka na sa uni" it's Ruie, in black off shoulder long sleeves top paired with a denim skirt and a black chunky high heeled combat boots. Nandito kami ngayon sa bar kung saan palaging nag-gigig noon si Beomgyu.

"Ang laki na nga ni Tobin, nakakapasok narin sa iskul mag-isa pero hindi ka parin gumagraduate" gatong ni Reign. She's wearing a white turtle neck long sleeves na may naglalakihang bilog na earring sa magkabilang tenga. Kitang-kita ko pa kung paano sila magpalitan ng ngisi.

Amp! Nakuha na naman nila akong pagtulungan, lagi nalang nila akong inaatake tungkol sa studies ko. Maliban kay Ruie hindi kagaya nilang lahat na nakagraduate na at nakapasa sa board, nag-shift ako ng course midway, from being a business student lumipat ako ng public administration dahil pakiramdam ko doon talaga ako nararapat. Kung alam lang nila, I got too focused kaya! To the point na hindi ko na madistract yung sarili ko--but that person.

"Pinagtutulungan niyo na naman si Sian eh, alam naman nating lahat kung bakit nag-aaral parin siya ngayon" sambit ni Yua at nagawa pang i-wiggle wiggle yung kilay niya sa amin. Nahawa na talaga ito nang tuluyan sa jowa niya. Pang-asar narin. Nakaputi rin ito kagaya ni Reign ang pinagkaiba nga lang exposed na exposed yung balat niya sa suot suot niyang off shoulder ruffle crop top.

"Hindi niya maiwan yung campus dahil sa mga memories na meron siya doon kasama si you-know-who" dagdag ni Reign kay Yua at nagawa pang mag-apiran sa harapan ko. Baka may memories! Wala namang ginawa 'yon kundi i-stood up ako. Indianin! Nakakainis! Ever since that day talaga, naging close narin si Reign sa mga babae. Lumaki rin naman yung circle namin dahil sa mga babaeng dumating sa buhay nung lima. Well pati rin naman yung samahan nila lumaki rin dahil sa ibang mga lalaking connected sa mga mahal nila sa buhay. Like Jay...

"Girl, nasaan ba kasi yung jowa mo para hindi ako itong pinagdidiskitahan mo" rinig ko nang bangayan ni Reign at Yua sa may couch na mukhang may pinagkakaguluhan. Nanatili akong nakaupo sa may counter at pinagmasdan ang cocktail na nasa harapan ko, it's a watermelon vodka punch. Hindi ko pa na-try pero isa ito sa mga recommendation ni Reign.

"Walang jowa-jowa! Let's get wasted! Sagabal lang ang mga iyon sa atin!" sigaw ni Yua. Ever since they graduated in college naging busy na silang lahat sa kanya kanyang profession. Yua is a successful fashion designer and has her own clothing line, habang si Yeonjun naman ay isa ring known mechanical engineer. He owns a car shop business and they are both successful and happy...together, I guess?

"May nag-away na naman" naiiling na bungad ni Ruie nang tabihan ako nito sa counter. Si Yua ang unang nakarating sa amin dito kaya hindi narin nakakapagtakang malaman na may lq silang dalawa. Yung mga away naman nila madalas hindi seryoso kaya hindi narin bago. Maya-maya okay na ulit sila. Pero ang cute lang nila, minsan napapaisip rin ako kung bakit ba talaga sila nagtatalo. Anong feeling...

"Moscow mule for me please" baling ni Ruie doon sa bartender at seryosong bumaling sa akin na kinakaba ko. For some reason, Ruie's glares are giving me chills. Humarap ito nang buo sa akin saka ipinatong ang kanang braso sa counter table.

"You know, I've been meaning to ask this Sian. Ano ba talagang nangyari nung araw na 'yon?" tanong niya na ikinalunok ko. Ano nga ba? Hindi ba nabanggit sakanya ni Beomgyu? E partners in crime sila? O baka hinuhuli niya lang ako at gusto niyang marinig yung version ko?

"Hindi nagkwento sakin si Beomgyu kaya wala akong ideya. Basta ang alam ko lang nung araw na 'yon siya yung kasama mo. That's it." sabi nito. Ilang sandali lang sinerve narin sakanya yung Moscow mule na order niya na kumuha ng atensyon niya. Tinignan niya iyon. A cocktail served in a copper mug.

focus | choi soobin (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon