special chapter 01

170 5 1
                                    

Untold part of Choi Soobin




"Snek" bungad ni Beomgyu sa amin pagbalik nito mula sa counter. Katatapos lang ng basketball finals at nandito kami ngayon sa cafeteria ng Creker High para kumain. Parepareho kaming nakatingin lang kay Beomgyu na may hawak-hawak na tray at hinihintay itong ituloy yung sasabihin niya.


Pagkaupo nito, imbis magsalita ngumuso lang ito papunta sa isang direksyon na mabilis rin naman naming sinundan. Napailing nalang ako sa isipan ko. Mga chismoso rin talaga 'tong mga kaibigan ko kahit kailan. At doon nakita namin si Juyeon na kateammate namin na kasakasama yung mga taga Creker.

"Natalo lang tayo sa game nangibang-bakod na tsk tsk" si Beomgyu na nagbubwisit na tumabi sa akin.

"Ungas. Mga tropa niya 'yang mga 'yan" si Yeonjun na may hawak-hawak nang coke in can sa kanang kamay.


"Uy pala, kailan magsisimula mangampanya tatay mong yorme?" baling ni Kai sa isa saamin na tahimik lang kumakain.


"Maka-tatay mong yorme naman 'to!" si Yeonjun sabay kagat nito sa burger niya. "Pero oo nga kailan ba? Baka pwede sumide-line ulit" dagdag nito habang ngumunguya.


"Matic na sali rin ako ha? Volunteer na may bayad" sambit ni Kai na tumatango-tango pa.


"Tangina volunteer na may bayad pwede ba yon bwahahaha" hagalpak na sabi ni Beomgyu kasunod noon ang pagkaramdam ko ng maraming hampas sa braso—si gago, nabilaukan na.


Nagpanic kaming lahat dito sa table namin dahil kapwa nakalimutang kumuha ng inumin, maliban kay Yeonjun na nakaubos na. "Ako na. Mamaya magkalat pa kayo rito, paalala ko lang na wala tayo sa school natin" pagpiprisinta ko.


Mabilis akong tumayo at pumunta sa pinakamalapit na vending machine, at kung sinuswerte ka pa nga naman. May pila. Isang babaeng nakatayo lamang sa harapan ng machine na tila ba nag-iisip. Pinipisil ng kanang kamay nito ang kanyang pang ibabang labi habang ang kaliwa naman ay nakasuporta sa ilalim ng kanyang siko. "Miss may problema po ba?" tanong ko rito. "Naghulog po kasi ako ng barya kaso wala paring lumalabas" mahinang sabi nito at halatang nahihiya sa presensya ko.


Lalapitan ko pa sana ito nang bahagya para pumantay sakanya nang may sumulpot na lalaki sa tabi nito saka siya kinausap. Base sa itsura nila, parang magkakilala ang dalawa kaya naman hindi na ako nag-abala pang makielam. Marahang kinalampag nung lalaki yung vending machine gamit iyong kamao niya at kasunod naman noon ang paglabas ng isang can ng softdrinks, kinuha ito nung lalaki at inabot doon sa babaeng kausap ko kanina.


"If you didn't get it in one try just slightly tap the buttons" nakangiting baling sakin nung lalaki at nakuha pang magthumb up na ikinatango ko nalang. Sa pagbalik nang dalawa sa table nila hindi rin nakalampas sa paningin ko iyong isang box ng cupcake na halatang home made--nahagip ko pa itong inabot nung lalaki doon sa babae. Hindi ko naman na pa sila sinundan nang tingin at binalik ang atensyon sa pagkuha ng inumin para kay Beomgyu. Pero sa paghulog ko ng barya doon sa vending machine tila ba kasabay din nun ang pag-unlock ng mga ala-alang matagal ko nang naibaon sa limot.








"Is that for me?" napapitlag ako sa biglang pagsulpot ni Yua sa tabi ko kasabay nang paghablot niya sa tupperware na hawak kong may lamang ilang pirasong cupcake. Inangat niya ito at pinagmasdan. "You know my kuya doesn't like sweet stuff." nakangiwi nitong sabi na ikinakaba ko. Bibig din nito eh! Kapag iyan narinig ng kuya niya..


"Look oh kuya Soobin gave me a box of cupcake" nakangiti nitong sabi kay Yuan nang tabihan siya nito. Tingnan mo, kakasabi ko lang eh. Napayuko na lamang ako sa presensya ng kapatid nito. You did this to yourself Choi Soobin! Magdusa ka dyan sa madaldal na bubwit na 'yan. "Oh look, it comes with a letter too!" matinis pang sigaw ni Yua na mas lalong nagpakaba sa akin. Napalunok nalang ako nang makita sa peripheral vision na hawak-hawak niya na iyon at nakuha pang iangat sa ere na akala mo ay mababasa niya ang mga nakasulat sa loob sa pamamagitan ng liwanag na tumatagos sa papel.


focus | choi soobin (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon