097

320 24 2
                                    

Sian



Staring at the dark sky na napupuno ng mga nagkikislapang bituin. Marahan akong pumikit at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Ilang minuto nalang 12 midnight na—birthday ko na, at sobra akong natutuwa dahil pinaranas sakin ni Soobin lahat ng nasa bucket list ko. Now I know why he's asking me about my wish list last time. Eto pala yun.. nagiguilty tuloy ako kasi naging dahilan pa yun ng matinding pag-aaway namin. Hay nako Kim Sian ka talaga. But whatever, past is past anyway!




Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng rooftop habang nakaupo ako sa comforter na nasa ilalim ng isang open roof na tent. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang bawat bagay na ginawa ni Soobin. Hindi niya lang pinaranas sakin yung nasa bucket list, mas hinigitan niya pa iyon.





May mga polaroids pictures pa namin na nakasabit sa tali at napapalibutan ng fairy lights. Mga pictures namin iyon na kasama si Tobin saka pictures naming dalawa na magkasama at yung iba naman halos mga picture ko na kinuhanan niya nang hindi ko alam. May iilan ring stolen shots namin ni Soobin na magkasama na mukhang mga kaibigan niya ang kumuha.




Ibinalik ko ang tingin sa isang box na kanina ko pa hawak-hawak, puno ito ng mga handwritten letters ni Soobin na mahahalata mong pinaghandaan niya ng matagal dahil sa dami nito at pagkahaba-habang mensahe kada sulat. Since when did he start preparing these stuff...really. But there's this one letter I opened randomly. Nasagot nun ang lahat ng katanungang naglalaro sa isipan ko.





Tuluyan nalang akong naluha nang umabot ako sa pinakadulo ng sulat, 'Thank you for helping me to be the improved version of myself Sian. People may see me as the strong and hardworking person—the almost perfect student I've ever be, but in reality, I am not that person they think I am. Weak ako and very dependent. I've lived letting the elders control me at mabuhay sa paraang gusto nila. I'm like a puppet, but when I'm with you, bigla nalang akong nagiging independent—being that one person you can rely on. At some point, nakapag-focus ako sa kung anong klaseng tao talaga ako at kung ano yung kailangan kong ayusin sa sarili ko. There's nothing wrong with me, it's just that—you've completely changed me Sian, you've helped me to become the best version of myself'





'I have a lot of secrets, including my biggest deep dark secret during my childhood. But I'm more than ready and willing to unveil them if needed. And it's because of you Sian. Siguro kung kumalat man yung sikreto ko na 'yon hinding-hindi na ako matatakot dahil nasa tabi kita'




'All I need is you, I don't care about my past anymore dahil sa present at future na ang focus natin ngayon. I'd like to create more memories with you in the future. Sana kapag dumating man yung araw na kinakatakutan ko noon, hindi ka mawawala sakin. Dahil ngayon, alam ko na sa sarili ko kung ano ang dapat kong katakutan. At yun ay ang mawala ka sa buhay ko'




'You've helped me heal. You've helped me realize things. Confirm things. And most importantly you've helped me conquer my fears. Thank you for everything Sian. Thank you for being my last puzzle piece.'




Napahinga ako ng malalim at napatingala na lamang sa kalangitan. What did I do... Ano ba talaga ang eksaktong ginawa ko? Hindi ako aware na ganito na pala ako ka-special para kay Soobin to the point na kinonsider niya pa ako as his last puzzle piece.




Sa kalagitnaan ng pag-eemote ko nakarinig na lamang ako ng pagbukas ng pintuan nitong rooftop kaya mabilis akong napalingon doon expecting that one tall guy, Choi Soobin.



"Beomgyu..."


"Sian. tara uwi na kita" he said habang nakatayo doon.


"Baka nalate lang si Soobin. Samahan mo nalang akong maghintay dito" sagot ko sa kanya nang nakangiti at sinenyasan siyang lumapit sa akin. Kagaya ng sinabi ko, naglakad nga papalapit si Beomgyu at saka ako tinabihan.




Tinukod niya yung magkabila niyang kamay sa likuran niya para gawin iyong sandalan. Bumuntong ito ng hininga at tumingala rin sa kalangitan.




"Hindi ka man aware pero kasalanan ko talaga 'to." Beomgyu said out of nowhere.




"Kasalanan ko kung bakit ganito yung nangyari.." ulit niya pa na ikinatingin ko sa kanya. He's still looking at the sky kaya hindi ko sigurado kung nashushunga ba ako at ako talaga yung kausap niya o nagmomonologue lang siya dahil feel na feel niya yung pagtitig sa mga kalangitan.



"Sian, hindi na darating si Soobin" ang kanina lang na nakatingala na si Beomgyu ay nakaharap na sa akin ngayon. Ang mga matang namumungay niya ay derekta nang nakatingin deretso sa mga mata ko. Nangungusap ang mga iyon, nangungusap na makinig ako sa kanya. Imbis magpabudol nag-iwas ako ng tingin.




"Maghihintay ako" tangi kong sagot nang hindi siya tinitignan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo namin nang bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Ano na namang klaseng drama 'to? Parang kanina lang ang daming stars tapos ngayon bigla bigla nalang bubuhos yung ulan? Dang it.




Hindi ako nagpatinag doon at dinama na lamang ang bawat patak ng ulan na dumadampi sa balat ko kahit imposible ko na itong maramdaman dahil sa sabay sabay nilang pagbagsak sa akin.



Kasabay ng pagpikit ko ang marahas na paghila sa akin ni Beomgyu paalis ng rooftop, "Hayaan mo na si Soobin. Iuuwi na kita"

focus | choi soobin (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon