056

398 24 12
                                        

Sian



"Tell me Sian, maliban doon sa pinagtalunan natin may nagawa pa ba ako?" Soobin asked me habang gumagawa ng powerpoint para sa reporting kong hindi ko alam na nageexist pala. Cramming na kung cramming, kanina lang kasi sinabi sakin ni Reign na bukas na pala yung report namin at ako yung nakaassign sa powerpoint. Yung report naming sinasabi niya na sa next next meeting pa. Kaya ayon, haha cramming tayo. Ang gulo rin naman kasi minsan nung babaeng 'yon.




Nandito ngayon si Soobin sa dorm ko para tumulong dahil mapilit siya. Mabuti nga at wala si Kevin dito ngayon kundi aasarin na naman ako nun panigurado.



He knows about Soobin, alam niya rin lahat-lahat pati yung issue ko kay Reign at Soobin. Ewan ko ba, nakakainis kasi. Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan.



"Wala naman na? Unless may alam kang maling ginawa mo" sagot ko sakanya habang binabasa yung readings ko para sa long test ko bukas. Ngayon lang talaga ako nag-cram nang ganito. Sobrang nakakastress. Gusto ko nalang tulugan lahat eh.



"Sure ka?" ulit niya na ikinatango ko lang. Anong feeling niya? Aaminin ko sakanyang naiinis ako kasi gumagala sila ni Reign—na nag-eenjoy siya sa bonding nilang dalawa? Ha ha ha neknek niya.



Ilang oras rin ang tinagal ni Soobin sa pagtatype hanggang sa mamataan ko 'tong pinapanood nalang ako habang busy akong hinahi-lightan yung readings ko. "Hindi ka pa ba hinahanap sainyo?" tanong ko dito pero nagkibit balikat lang siya at binalik ang tingin sa cellphone habang nakangiting nagtatype doon.



Kausap siguro si Reign. Marahas nalang akong napailing sa aking naisip at pinilit intindihin ang bawat pangungusap na aking binabasa. Kapag nag-uusap kaya sila ano yung madalas nilang i-topic? Nagtatawanan rin kaya sila kagaya kapag nag-uusap sila sa cafeteria? Knowing Reign... she's really fun to talk to.



Now that I think about my chat conversation with him—ang boring ko palang kausap ni Soobin. Gosh Sian ano namang pake mo doon? Fifty-fifty ka parin dyan kay Soobin diba? Hindi naman big deal kung hindi siya nag-eenjoy kausap ka kagaya ng iba.




"Sian? Okay ka lang? Unimportant words na yung hinahi-light mo" biglang sabi ni Soobin na nasa tabi ko na pala at naiiling na nakatingin sa readings ko.



"H-ha?" imbis sumagot inagaw lamang nito bigla yung highlighter saka iyon nilapag sa lamesa. Sa sobrang pre-occupied ko hindi ko narin napansing unti-unti na pala nitong nililigpit yung gamit ko at isa-isang binabalik sa loob ng bag ko.





"You need a break Sian, and might as well tell me those things that keeps bothering you." seryosong sambit nito habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Parang minamagnet ng tingin niya yung mga ko kaya hindi ko narin namalayan ang biglaang pag-angat ko sa ere ng ilang segundo—kasunod ng dahan-dahan niyang pagbaba sa akin sa sofa. Did he just—oh my God.



"Now, Kim Sian. Tell me. Tell me everything." ang kaninang seryosong tingin nito ay mas naging seryoso pa yata. Sa halip magsalita hinayaan ko nalang ang katamihikan na pumaibabaw sa aming dalawa. Bahala siya dyan. Maybe by that he will stop. He will stop giving me those glares. Ilang minuto rin kami niyakap ng katamikan, hindi rin nagtagal nag-ayos ito ng upo at tumingin sa harapan pero akala kong tatantanan ako ay bigla ulit humarap sa akin.



"Sian~" bulong nito na halos kuryentihin na ang buong sistema ko. Nagwawala na yung mga kampon ko sa loob nang dahil lang sa simpleng pagbanggit niya sa pangalan ko tapos nagawa niya pang suklayin yung nakalugay kong buhok gamit yung kamay niya, na parang walang magiging epekto sakin 'yon?!




He's now stroking my hair using his hand habang sinusundan naman niya ng tingin yung sarili niyang kamay. Nakakainis. Naiinis ako. Naiinis ako sa ginagawa niya. Bakit siya ganyan. Bakit?!




Sa puntong ito hindi ko na talaga alam kung ano ba yung gusto niyang marinig mula sa akin. Dahil sa kinikilos niya para niya akong pinapaamo para mapaamin sa kasalanang hindi ko naman ginawa! Ang ilang beses na pagsusuklay niya sa buhok ko ay naulit pa ng maraming beses. Naramdaman ko pa yung isa niyang kamay na marahang pinipisil-pisil yung nanliliit kong kamay kumpara sa kanya.




I don't know what happened but in just a snap yung wall na binuo ko all these years ay nagiba nalang. I felt so safe with him all of a sudden. Na gusto ko nalang lahat aminin sakanya. Lahat ng worries ko, yung fears ko at lalong-lalo na kung ano yung nararamdaman ko. Dang it Kim Sian, you're not supposed to trust anyone. You're not supposed to him. You're not supposed to trust Choi Soobin. Bakit ang rupok mo?

focus | choi soobin (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon