Untold part of Choi Soobin
"Ano 'yang mga 'yan?" bungad sa akin ni Jia nang maupo ito sa hospital bed niya at may hawak na saging sa kaliwang kamay habang deretso itong nakatingin sa mga paper bag na dala-dala ko.
"Ah, Sian's stuff." sagot ko rito na binigyan agad ako nang makahulugang tingin. "Stationeries? Dala-dala mo 'yan dito at hindi para sa akin... nakakapanibago ha." tanging sambit ni Jia habang inuusisa na yung laman ng mga paper bag.
"Well, sabagay umabot ka na nga sa point na tinanong mo yung wishlist niya eh--eto pa kaya." hawak-hawak iyong saging na kanina niya pa kinakain, tumayo ito at nilapitan ako.
"Alam mo Soobin," panimula nito saka ako tiningala habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa magkabilang balikat ko. "Sobrang... sobrang proud na proud ako sayo. Pakiramdam ko unti-unti nang yumayabong iyong pananim na pinaghirapan kong itanim." dagdag nito at ilang sandali lang ay tinulak ako nang marahan.
"Paano ba naman kasi parang dati lang lagi mo iyong iniindian sa mga lakad niyo tapos.... away bati pa kayo." naiiling nitong sabi at hindi maalis ang mga ngiti sa labi. Kung alam niya lang na siya lang din naman yung dahilang kung bakit hindi ko nasisipot si Sian. Hindi na ako nagbalak magsalita pa at isang iling nalang ang aking naitugon habang hindi mapigilan ang pagkurba ng aking mga labi.
"Pero sobrang natutuwa talaga ako ngayon na ibang level na yung progress ng friendship niyo. Nako talaga hindi ako papayag kung hindi mag-uupgrade sa L word yung relationship niyo." dagdag nito at tanging paggulo nalang sa buhok nito ang aking naging tugon.
Wala rin namang magbabantay kay Jia kaya nagpresinta nalang akong manatili doon para bantayan siya habang iniisip kung ano yung isusulat sa mga papel na binili ko para kay Sian.
Sa mga araw na nakilala ko si Sian, I found out that she's a very simple and lovely person, simple lang siya at sobrang appreciative na mas gusto nitong inuulan siya ng mga bagay na galing sa puso mo kaysa ng mga mamahaling bagay na pwedeng mong tapatan sa kahit anong halaga. Mas gusto nito iyong mayaman sa efforts, meaning at pagmamahal kaysa pagkagastusan mo siya. I'm willing to spoil this girl so much actually, mapa-efforts pa man o material na bagay. Willing ako.
Nasa punto na ako na willing akong ibigay sa kanya lahat nang meron ako. Nasa punto na ako na ang mahalaga lang sa akin sa oras na 'to ay palaging makita siyang masaya at masaksihan ang unti-unting pagbalik ng dating siya.
Iyong taong hindi takot sumandal sa ibang tao. Iyong dating siya na hindi nahihirapang magtiwala sa ibang tao. Gusto kong burahin lahat ng worries niya, bigyan siya ng assurance na hindi lahat ng tao ay pinanganak para manloko. Na wag siyang matatakot ulit bigyan ng pagmamahal yung mga bagong darating sa buhay niya dahil ang ilan doon ay handang suklian siya nang higit pa sa kaya niyang ibigay. Yun lang ang mahalaga sa akin sa oras na 'to, si Sian.
Sian's birthday.
"Last minute 'to pero sure ka ba talagang wala kang balak sabihing birthday mo ngayon?" si Yeonjun at abala na sa pagsabit nung mga mahahabang confetti. Maaga kaming nagsimulang mag-ayos dito sa rooftop dahil may lakad pa ako mamayang tanghali at iyong family dinner sa bahay na kailangan kong siputin bago kami magkita.
"Hindi ko naman talaga sinabi sa kanya at wala akong balak ipaalam." tipid kong sagot. It's Sian's special day, it should be all about Sian only. Gusto ko maramdaman niyang sobrang special siya sa kaarawan niya.
"Pero ang cool no Benten? Hindi lang si kuya Jin yung kasunod mo ng birthday, pati si Sian. Birthday ni kuya Jin, tapos sunod na araw birthday mo, tapos kinabukasan naman birthday ni Sian. Magkakasunod iyong birthday niyo e hindi ba paborito mo pang senior si kuya Jin? Tapos iyong kapatid naman niya...." hindi na itinuloy ni Beomgyu yung sinasabi niya at binigyan nalang ako nang makahulugang tingin. Dumating din naman si Taehyun at Kai na dala-dala iyong malaking cooler, "Sabi ni manang ipapadala niya nalang daw doon sa bata niya yung inorder nating drinks" sambit ni Kai habang inaayos nila ng pwesto yung malaking cooler.
BINABASA MO ANG
focus | choi soobin (✓)
Short Story[COMPLETED] "in scale of zero to soobin, gaano ka kafocus sa studies mo?" whereas choi soobin a college student becomes more focus on his studies after a heart break. voltxt five series #2 soobin x reader
