064

406 33 29
                                        

Sian
(*long narration ahead)




"Hulaan mo saan tayo kakain ni Tobin?" biglang sabi nalang ni Soobin habang nagbabasa ako ng libro. Nandito kami ngayon sa isang book café na may mini playground for kids. Kapwa kami focused ni Soobin sa kanya-kanyang librong pinili namin habang si Tobin naman ay busy sa paglalaro doon kasama yung ibang mga bata.




"Saan?" baling ko sa kanya na hindi inaalis sa libro ang paningin. Out of all the books na dapat kong kuhanin ito pang tungkol sa research ang nadampot ko. 'Effective ways to stay focused on a certain path' E kahit sandamakmak na paraan pa 'tong ilagay nila dito, kung hindi naman desidido yung tao, wala rin.




"Hulaan mo nga" sagot nito sa akin kaya mabilis ko itong inangatan ng tingin and to surprise me tutok parin 'to doon sa librong binabasa niya. About yata 'yon sa politics or history? Hindi ko alam. Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig magbasa ng libro, nandito lang ako dahil kay Soobin. I love books yes—gusto kong nakakakita ng sandamakmak na libro dahil nakakarelax siya. But reading them? Not really.




"Saan ba? Sa mcdo?" wala sa sarili kong hula. Bored na bored akong sinarado yung librong binabasa ko kanina dahil wala narin namang pumapasok sa utak ko. Para lang silang mga salitang dumadaan sa paningin ko at walang balak pumasok at manatili sa buhay ko. That's how life works anyway.





May darating sa buhay natin para dumaan lang, para bigyan tayo ng kaalaman pero ang totoo wala naman talaga silang balak pumasok talaga sa buhay natin—wala silang balak magstay. Dumating lang sila para magsilbing lesson sa buhay natin. To help us be a better version of ourselves.




Kagaya nga ng hula ko, sa mcdo kami dumeretso nila Soobin pagkatapos sa café. Nakita ko pa 'tong ngumingiting mag-isa saka iiling. Kakabasa niya siguro ng libro 'yan, nahihibang na.





"Anong gusto ng Tobin namin ha?" tanong nito kay Tobin habang kalong-kalong niya ito.



"Chicken!! I want chicken tata!" sigaw ni Tobin na kumuha ng atensyon sa pwesto namin. Ilang mga bulungan agad yung narinig ko na mabilis kong ikinairap sa loob loob ko.




"Ay ano ba 'yan sayang naman ang mga kabataang ito kay aga aga magsipag anak" sabi nung matandang babae sa tabi ng table namin.




Maski yung mga high school students na nasa tabi ng table namin ay hindi kami pinalampas.
"Gosh ang gwapo gwapo pa naman nung guy tapos...pumatol lang sa ganyan" napangisi nalang ako doon. Right, I know. Ang isang kagaya ko ay hindi nababagay sa mga tinuturing niyong gwapong nilalang. Alam ko.



"Magpakilala ka sis, baka biglang ma-fall sayo. Kabit ka usto mo yon?" sagot pa nung isang babae saka sila nagtawanan. Fucking shit. This scenario really reminds me of someone. Someone I used to know.



Nakagat ko nalang yung pang-ibabang labi ko nang unti-unting maalala na naman yung mga nangyari dati—sa ilang taon na lumipas masasabi kong naka-move on na ako pero hindi ko maitatangging nandito parin yung sakit. Wala naman nang kaso sa akin 'yon pero nasasaktan parin ako sa tuwing naaalala yung nangyari.




I should have listened to my mom. Kung nakinig lang ako noon sa kanya na magfocus lang sa studies hindi sana ako nasaktan. Hindi sana ako napaglaruan nang ganon. Kung nakinig lang ako hindi sana ako nahihirapang magtiwala ngayon.




My mom raised me well. Pinalaki niya kami ni kuya nang mag-isa, siya yung tumayong nanay at tatay namin with the guidance of my grand parents. Pero kahit ganoon never siyang nagkulang sa amin. Never naming naramdamang may kulang na parte sa buhay namin.



focus | choi soobin (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon