041

464 30 7
                                        

Sian


"Kim Sian! May bisita ka sa labas!" sigaw ng magaling kong kuya. Inis akong bumangon saka padabog na ginulo yung buhok ko. Wala sa sarili kong tinitigan yung kumot ko na kasalukuyan pang nakapatong sa hita ko.


"Kim Sian!" sigaw pa ulit nito mula sa ibaba, kasunod ng ilang hiyawan na narinig kong mula rin sa ibaba na paniguradong kagagawan ng mga kaibigan niya. Kung hindi ko pa alam uutusan lang ako niyan na pumunta sa tindahan para bumili nang kung anong trip niyang ipabili kahit meron namang stocks sa ref.



Sobrang annoying. Suot-suot ang isang oversized shirt at short shorts ay nagtungo ako sa banyo at doon naghilamos at mag-toothbrush. Hindi na ako nag abala pang magsuklay at derederetsong bumaba sa sala kung nasaan nakatambay ang lahat. Binati pa ako ng good morning nung mga kaibigan niya kahit na tanghali naman na.
"Ang aga talaga magising nitong si Sian kahit kailan" sarkastikong komento sa akin ni Hoseok na kaibigan ng epal kong kuya na tinawanan ko lang. Sila lang naman itong ang aga aga mambulabog, kitang natutulog pa yung tao.




"Anong hinihingi mo?" takang tanong sa akin ni kuya Jin nang makalapit ako sakanya nang nakalahad. Inirapan ko na lamang ito at inangat ulit ang akin kamay sa harapan niya. "Yung pambili. Asan na?"




Imbis bigyan ako ng pera nag-angat lang ito ng kamay saka tinulak yung noo ko gamit yung hintuturo niya. "May naghahanap sayo sa labas, puntahan mo na at kanina pa kinakalampag yung gate" sabi nito na ikinakunot ko lamang ng noo.





Sino namang maghahanap sakin? Si Reign? Jia? Imposible. Hindi naman nila alam kung saan talaga ako nakatira. Maliban sa dorm ko malapit sa campus. "Pinagtitripan mo ba ako?" tanong ko sakanya. Pero natigilan na lamang ako nang makarinig kami ulit ng kalampag mula sa labas kasabay ng pag-sigaw ng "Tao po!!"
Sinenyasan nalang ako ni kuya na i-check kung sino ba 'yon nang tumigil na.




Bumuntong hininga na lamang ako at tamad na tamad na naglakad papalabas. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lamang ng pintuan namin tumambad na agad ang pagmumukha ng limang lalaking kapwa pa nakangiti na nasa labas, maliban sa isa. Natigilan narin ako sa paghakbang at napaawang na lamang ang bibig nang maaalala kong hindi pa pala ako nagsusuklay!



Ohmygod.



Babalik sana ako papasok sa loob para manlang mag-ayos sandali pero bigo na akong mabuksan pa yung pintuan. Mariin na lamang akong napapikit sa inis. Bwisit. Epal talaga. May araw rin sakin 'yong gagong 'yon. Makikita talaga niya.




Bumuntong ako ng hininga at dahan-dahang naglakad papalapit kila Beomgyu na ngiting-ngiti pa habang kumakaway sa akin. Binuksan ko yung gate nang makalapit ako dito at pinapasok sila isa-isa. Sa pagpasok nila nagtama pa ang tingin namin ni Soobin na mukhang ang tamlay pa.



"Paano niyo nalamang dito ako nakatira?" tanong ko sakanila nang makarating kami sa garden para doon tumambay dahil may pitong kalat sa loob ng bahay.


"Connectionssss" sagot ni Beomgyu at mukhang proud pa sa sinabi. "Actually dapat si Benten lang pupunta kaso nahihiya daw siya kaya sinamahan na namin" pagpapatuloy ni Beomgyu kaya napatingin nalang ako kay Soobin na nagawa pang mag-iwas ng tingin at pasimpleng magtago sa likod ng katabi niyang si Kai.



"May dala nga 'yang flowers ate Sian kaso... sabi ni ate Jia allergic ka daw pala sa flowers kaya tinapon nalang niya" si Taehyun naman at makahulugan pang tinignan si Soobin na mukhang nakanguso na para i-maintain yung seryoso niyang mukha dahil sa pinagsasabi ng mga kaibigan niya. Flowers? Bakit naman ako daldahan ng flowers niyan?



"Dapat nagsabi kayo na pupunta kayo ngayon para nakapagready manlang ako, ang dami pamanding kalat sa bahay" pag-iiba ko ng topic. "Surprise kasi ate Sian, nagwork naman diba? Nasurprise ka nga" sabi ni Kai at nagawa pang tumawa, pero natigilan rin ito nang wala niisa sa amin ang umimik.




Ilang segundo rin kaming natahimik kasabay ng pagtitinginan nilang lima na mahahalata mong nagsesenyasan. Bigla namang tinapik ni Yeonjun yung balikat ni Beomgyu saka nagsalita, "Ganda ng garden niyo Sian, pwede lumibot?" tanong niya sakin habang nililibot yung tingin sa mga halaman.
"Mukhang instagrammble talaga. Magpipictorial ako ha?" si Beomgyu naman ngayon at dahan-dahang tumayo at naglakad papalayo sa kinauupuan namin para tingnan yung kabuuan ng garden.



Pasimple namang tumayo si Taehyun para sumunod kay Beomgyu na sinundan rin ni Yeonjun na nagawa pang hatakin si Kai kasama niya. Kaya ang ending kami lang dalawa ni Soobin ang naiwanang nakaupo doon.



"Hindi ka ba susunod sa kanila?" tanong ko pero hindi ito umimik sa halip at binuksan niya lang yung bagpack niya at may inilabas doon.



"Oh." sabi niya sa akin habang may inaabot na bulaklak. Tinitigan ko lang 'yon kaya kinuha niya nalang yung kamay ko para iabot doon. "Lollipop lang 'yan"



"Bat—peace offering ko 'yan" putol niya sa sasabihin ko saka tumingin sa malayo.



"Peace offering?" ulit ko sa sinabi niya.



"Oo. Gusto ko sanang mag-apologize sa pang-iindian ko sayo nitong mga nakaraan, at kung wala kang gagawin ngayon... gusto ko sanang ituloy yung pagbawi ko." ang mga mata niyang kaninang nakatingin lang sa malayo ay sinalubong na yung mga mata ko—kaya ako itong walang nagawa kundi mag-iwas ng tingin sa kanya. Shete Kim Sian umayos ka! Hindi ka ganyan kabaduy.



Kahit kabado, pinilit kong tingnan ng deretso sa mata si Soobin bago sumagot. "Diba sabi ko naman sayo, hindi ako pwede nga—weh?" napalunok na lamang ako nang marinig ang boses ng isang taong pinakakinamumuhian ko at mariing napakagat sa pang-ibabang labi ko.



"Kala mo kung sinong busy magkukulong lang naman 'yan sa kwarto niya nang buong araw" dugtong ni kuya Jin na nakadungaw na pala mula doon sa bintana ng kusina namin. Don't tell me kanina pa 'to nakikinig sa usapan namin?




Mabilis kong sinamaan ng tingin si kuya kaya napahalakhak na lamang siya doon sa loob. Ang malakas niyang halakhak ay unti-unting humina hudyat na naglakad na siya papalayo sa amin.




"Hmm. So paano ba 'yan Kim Sian? You're going with me" siguradong sabi ni Soobin na parang wala na akong choice kundi ang sumama sa kanya. Nahindi na ako makakatakas at makakagawa ng dahilan para hindi sumama sakanya. Nagawa pa ako nitong ngisian pagkatapos lumabas noon sa bibig niya.




Ang kaninang matamlay na si Soobin na ang soft tingnan ay napalitan na lamang ng isang kakaibang Choi Soobin na hindi ko yata gugustuhing makasama buong araw.

focus | choi soobin (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon