narration
▸ stray kids - story that won't end'Alam mo kung gaano ka kagusto ni Soobin.'
Boses ni Yuan na paulit ulit nalang na nageecho sa isip ko. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang maalala pa ang itsura nito habang sinasabi ang mga katagang iyon. Napapikit na lamang at ako nailing sa sinseredad na gumuhit sa mukha niya.
Dang it. Tama ba yung naging desisyon ko?
"Alam mo yung kasabihang it's better late than never?" biglang sambit ni kuya na nakacross arms pa habang suot suot iyong paborito niyang apron.
"Anong connect?" tanong ko, siya naman itong nag-angat ng braso at bumagsak ang mga mata sa suot niyang wrist watch.
"4 o'clock yung flight, mag-aalas alas nuebe palang naman, pwede ka pang humabol." nagkibit balikat ito at bumalik sa loob ng kitchen.
Huminga ako nang malalim at muling pinailaw ang cellphone kong kanina ko pa paulit-ulit na tinitingnan. 10:30 am.
Ruie:
Susunod daw si Soobin kay Jia dahil mukhang walang balak iyon umuwi. Alam mo naman yung sitwasyon diba?Ruie:
Just saying...Taehyun:
Hindi ko alam pero sabi sakin ng konsensya ko i-message ka, kaya eto. Ate Sian 4 o'clock daw. Chinat lang samin hindi naman kami magkakasama.Sinubukan kong magtipa ng mensahe para sakanila pero nauwi lamang ako sa buntong hininga, kasunod nang pag-lock ko sa cellphone ko.
Ano na Sian? Ano ba talaga plano mo sa buhay?
"Hindi na kuya" pumwesto ako sa kitchen counter habang tinatalikuran ang kuya kong nasa kalagitnaan na ng pagriritual.
Nagulat nalamang ako nang makatanggap ako ng batok mula sakanya, "Kuya!!"
"Kung naghahanap ka ng sign, yan ang sign ko para sayo. Sabihin mo lang kung kailangan mo pa" seriously? Batok? Sign? Ano pa nga bang aasahan ko rito sa kuya ko.
"Kuya, too late na. Binlock ko na iyon sa facebook. Saka nagpaalam narin ako..."
"Bahala ka nga sa buhay mo. Basta ako hindi ako nagkulang sa pagtutulak sayo. Kung ayaw mong sundan heto, listahan ng mga dapat bilhin. Ikaw nalang mamili ng mga stocks natin tutal wala ka namang lakad." sambit nito saka nilahad sakin iyong listahan niyang ubod ng haba. May usapan kasi sila nung mga kaibigan niya, may paglibre raw si kuya Yoongi mamaya.
Hindi naman na ako umangal doon saka nagtungo sa kwarto upang mag-ayos. Si Soobin lang naman iyon at isa pa siya itong may kasalanan sa aming dalawa. Bakit ko siya hahabulin? He left me! Dapat nga sinusumpa ko na ang lalaking yon ngayon kagaya ng ginawa ko kay Juyeon nung highschool.
Beomgyu:
Maya-maya mawawala na tong message ko pero sana wag ka papagutom Sian!Iyon lamang ang natitirang unread sa inbox na ipinagkibit balikat ko nalang may mga times talagang weirdo ang dating sa akin ni Beomgyu, okay naman sana siya, pero may parte sakanyang hindi ko naiintindihan. Kaya imbes replyan ito nagpatuloy nalang ako sa pag-aayos.
Hindi rin naman ako nagtagal at nagtungo sa pinakamalapit na grocery store, napabuntong hininga sa haba ng pila. Mommy, gusto ko nalang humimlay sa dami ng tao. Mabilis muli akong nag-ikot ng tingin, parang mas maganda yatang umuwi nalang talaga muna at bumalik mamaya bago sila magsarado. Pero sa halip sundin iyong bumubulong sa akin, wala sa sarili akong naglakad papasok.
BINABASA MO ANG
focus | choi soobin (✓)
Short Story[COMPLETED] "in scale of zero to soobin, gaano ka kafocus sa studies mo?" whereas choi soobin a college student becomes more focus on his studies after a heart break. voltxt five series #2 soobin x reader