finale

133 3 0
                                        

Eclipse


Ang buong sistema ay hindi parin makapaniwalang totoong Soobin ang nasa harapan ko ngayon. Ibubuka ko sana yung bibig ko para magsalita nang magsigawan yung mga tao sa paligid namin dala ng excitement, including our friends. "Omg ayan na! Magkalapit na sila" nangingibabaw na sabi ni Yua.

Sabay kaming nagbaling ng tingin doon ni Soobin nang hindi nag-iiba ng posisyon. Magkalapit sa isa't-isa naming hinintay ang muling pagsanib pwersa ng araw at buwan para bigyan kami ng iisang liwanag, liwanag na hinding-hindi maikukumpara sa liwanag na dala nilang dalawa kapag nag-iisa.

We stared in awe as they kissed. "A ring.." bulong ko. Halos maluha narin ako saya nang makita kung paano sila bumuo ng isang higanteng singsing sa kalangitan habang ipinapakita sa amin yung liwanag na taglay nila kapag magkasama.

"Yeah.." si Soobin saka nito hinawakan yung kamay ko kung saan mabilis din namang nagreact ang buong sistema ko nang dahil sa kuryenteng dumaloy sa akin nang humawak ito. Seriously! Kailan pa naging source ng kuryente si Soobin?

Kitang-kita ko kung paano hinawakan ng isa niya pang kamay yung kanang kamay ko, inilahad niya iyon at mabilis ding kinuyom muli pagkatapos niyang maglagay ng isang kapirasong puting papel sa loob.

Nagbalik ito ng tingin sa itaas, "5 minutes and 6 seconds."

"Meron lang tayong limang minuto at anim na segundo para masaksihan ang pagsasama nilang dalawa ngayon." sabi ni Soobin na sapat lang para marinig ko.

"Pero Sian, gusto ko sa pagkakataon na 'to, wala nang panahon at wala nang oras yung magdidikta kung hanggang kailan natin pwedeng makasama ang isa't-isa. Sana simula sa araw na 'to, kagaya ng isang eclipse magiging malapit na tayo sa isa't-isa.... pero sa paraan nating dalawa." seryosong sabi ni Soobin na punong-puno ng sinseridad.

Hinuli niya yung kamay kong may hawak nung maliit na papel. Pinahawak niya iyon sa akin gamit yung tintuturo at hinlalaki ko saka niya tuluyang iginaya yung kamay ko sa ere,  itinapat niya iyon sa liwanag na nagmumula sa araw at buwan.

"Sian..." bulong nito sa akin saka ibinaling ang tingin sa kamay kong nakaangat sa ere. Mabilis kong sinundan iyong tingin niya, at doon bumungad sa akin ang kanina lang na puting-puting papel na may mga letra nang nakasulat.

Mga salitang makikita mo lamang sa pamamagitan ng liwanag, dahil sa ginamit niyang panulat doon. Those words officially electrified me and all of a sudden, my heart started beating rapidly, way so much faster than.... how it was racing every time our eyes meet.

Para akong nakainom ng isang galong kape, saka sinabuyan ng ilang baldeng kaba. Pero sa kabila noon, alam kong oo at oo lang ang gustong isagot ng buong sistema ko. It's Choi Soobin after all. He is Choi Soobin.

"D-do you know the tale of The Sun and the Moon?" iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko. Tumango ito.

"They are two lovers who rarely meet, Sian... panay naghahabulan, at halos parating nalalampasan ang isa't-isa. Pero sa kabila noon, binigyan parin sila ng pagkakataon para magkrus yung landas nila at hayaang magharap--habang ang buong mundo ay sama-sama silang masasaksihan nang may pagkamangha sa mga mata" dugtong ko kay Soobin.

Kasabay ng pag-gaya ko sakanya papunta sa tabi ko, iginalaw ko yung kamay ko at inabot yung kamay ni Soobin na nakahawak sa wrist ko. Inabot ko iyon at pinagsaklob sa isa't-isa saka ito dahan-dahang binaba kasabay nang pag-angat ng kaliwa kong kamay sa ere, sa posisyon na para bang tinatakpan ko yung liwanag na tumatama sa mukha ko. Malapit din ang kamay ko sa hanay ni Soobin at sapat lamang ang taas nito para sa aming dalawa.

focus | choi soobin (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon