Sian
Nasa cafeteria kami ngayon ni Soobin at katatapos lang namin umorder ng lunch. Kapwa may hawak-hawak na tray naglakad kami papunta sa isang bakanteng table. Akma ko na sanang ipapatong yung tray ko sa table nang makarinig ako ng babaeng sumigaw ng pangalan ko.
"Sian!" tawag sakin nung familiar na babae at hindi nga ako nagkakamali. Reign at nagawa pa akong kawayan saka sinenyasang doon umupo sa table na inooccupy niya. Nilingon ko si Soobin para hingin yung desisyon niya pero isang iling lang ang tinugon nito sa akin.
"It's okay Soob" tanging sabi ko at nagsimulang magmartsa papunta doon sa table ni Reign habang nakangiti. It's okay. I'm fine. Past is past anyway. And besides nakamove-on na ako hindi na dapat 'yon big deal sakin.Sa paglalakad ko narinig ko pang bumuntong hininga si Soobin sa likod ko at may binulong-bulong sa sarili niyang hindi ko na narinig masyado dahil narin sa ingay dito sa cafeteria.
"Grabe kumusta weekends natin bes? Grabe namiss talaga kita" bungad ni Reign nang makaupo ako sa tapat niya.
"Soobin dito ka nalang. Malinis dito sa tabi ko" offer ni Reign kay Soobin pero hindi nagpatinag si Soobin na parang wala talagang narinig at patuloy na pinunasan ng tissue yung space sa tabi ko. Isang mahaba kasi yung upuan dito sa cafeteria na kapantay nung haba ng table. Tinulungan ko si Soobin sa paglilinis para mabilis rin na maalis yung kalat na nasa parte ng table sa harapan nung pwesto niya.
Kung anu-anong dinadaldal samin ni Reign habang kumakain pero nanatiling tahimik lang si Soobin sa tabi ko na minsan ako nalang ang nagiging spokesperson nito sa tuwing kakausapin siya ni Reign.
"Oh wait, kuya Byungchan! Juyeon!" biglang sambit ni Reign. I froze there holding my pair of eating utensils. "Wala na yatang vacant seat kasi break narin ng senior high. Dito nalang rin kayo. Soobin, Sian you guys don't mind naman right?" tanong samin ni Reign at nagawa pa akong kindatan.Gumilid pa si Reign papunta sa tapat ni Soobin, si Byungchan sa gitna at si Juyeon—na halos katapat ko. "Hi Sian" biglang sabi ni Juyeon as soon as he sat down saka ako nginitian. Ang gago nagawa pa talaga akong batiin!
"Wait is this Sian? Yung kinukwento mong kaibigan mo kamo?" biglang tanong ni Byungchan kay Reign na ikinalunok ko. Napatingin pa sakin si Soobin, probably checking my reaction dahil narin sa biglang paglapit sakin nito at pasimpleng pagtukod niya ng kamay niya sa espasyo sa likuran ko. Parang tuloy nakayakap yung kaliwang braso niya sa likuran ko.
"Oo kuya. Siya yun, yung sinasabi ko sayo nung gumala tayo na crush na crush ka" walang prenong sagot ni Reign kay Byungchan na ikinasamid ko.
"Ohmygosh Sian // Okay ka lang Sian?" sabay na sabi ni Reign at Byungchan habang si Juyeon naman ay mabilis na inabot sakin yung tumbler ko at inalalayan pa akong umunom doon habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa dibdib ko.
And Soobin? He's just there. Eating. Napakaunbothered hindi manlang nag-aalala or what. Wala talaga siyang reaction. Nakakainis!
"Dahan-dahan lang kasi" sabi ni Juyeon at nagawa pang tumawa ng marahan habang pinagmamasdan akong umuubo dahil sa katangahan ko rin.
Parang huminto yung table namin nang dahil sakin at pinanood lang nila ako hanggang sa matigil ako sa kakaubo. Well, except for one."Gosh Sian, you scared me. Okay ka na ba?" tanong sakin ni Reign na alalang-alala yung itsura. Tinanguan ko lang ito saka ako nagpunas ng bibig.
"Pero totoo ba Sian?" biglang sabi ni Byungchan sakin na ikinaubo ko pa ng mahina ulit. "A-ano, oo? Pero sli—I have to go" putol sakin ng katabi ko na ikinagulat ko na maski sila Reign ay nagulat sa biglang pagtayo ni Soobin. "Late na pala. Kailangan ko pang dumaan sa club namin bago yung klase. Una na ako"
"Oh- okay sige. See you around Soob" may galak na sabi ni Reign kay Soobin. Ako naman itong nanatiling nakatingin lang sa pagkain ko at pinakiramdaman ang pag-alis ni Soobin na hindi rin nagawang kausapin ako bago siya tuluyang umalis.
Nagpatuloy ang kwentuhan sa table namin, na hindi ko na masyadong pinagtuonan ng pansin dahil sa presence ni Juyeon na panay pa ang tingin sakin. Kung hindi pa ako tinext ng mga kaklase ko sa susunod na subject hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob para mauna sa kanilang umalis. Soobin naman kasi, iiwanan mo nalang ako sa ganito pang sitwasyon!
BINABASA MO ANG
focus | choi soobin (✓)
Cerita Pendek[COMPLETED] "in scale of zero to soobin, gaano ka kafocus sa studies mo?" whereas choi soobin a college student becomes more focus on his studies after a heart break. voltxt five series #2 soobin x reader