Dati

197 2 0
                                    

Dati, sabi mo, mahal na mahal mo ko. Ilang beses mo pa ngang inulit sabihin na ako ang buhay mo at ikamamatay mo pag nawala ako sa'yo. Dati, sabi mo, ako lang ang nagpapasaya sayo. Na kahit anong lungkot ng araw mo, isang text ko lang mapapawi na yun. Dati, sabi mo, ako ang gusto mong makasama sa habambuhay. Sinama mo na ko sa mga pangarap na binubuo mo. Ang sarap balikan ng lahat ng dati. Kung saan ako ang pinakamahalagang tao sa buhay mo. Teka, nasabi ko na ba sayo na mahal na mahal din kita. Na ikamamatay ko rin pag nawala ka sa'kin. Na tanging ikaw lang din ang nagpapasaya sakin. At ikaw lang ang gusto kong makasama habambuhay. Kung ito pa yung dati - pero hindi na ito yung dati. Kasi ngayon, may iba ka ng sinasabihan ng mahal na mahal. Siya na rin ang sinasabi mong nagbibigay ngiti sayo. Siya na ang bagong gusto mong makasama pagtanda. Hindi nga siguro totoo yung dati sa atin, kasi buhay na buhay pa rin tayong dalawa ngayon. Di totoong mamamatay ka at mamamatay ako pag wala tayo sa buhay ng isa't isa. Walang namatay. Kung meron man, baka yung nararamdaman na lang natin. Nararamdaman natin nung dati. Kasi nga, dati na lang yun. At lahat ng dati, lumilipas. Nakakalimutan. Ayoko na ng dati.

BABALA: BAWAL BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon