Paskong Walang Regalo

2.4K 35 3
                                    

PASKONG WALANG REGALO

Umiyak ang batang anak ng tsuper

Nagsabi ang kanyang inang isang tindera

Hindi mabibili ang nais niyang baro

Na kanyang aginaldo ngayong Pasko

Umiyak ang batang anak ng tsuper

Nagsabi na siya sa kanyang mga kaibigan

Kamag-aral, kapitbahay at mga kalaro

Na kanyang regalo’y sadyang magara’t bago

Umiyak ang batang anak ng tsuper

Bakit wala na siyang regalo

Lalo’t ngayong magpa-Pasko

Nagalit ang batang anak ng tsuper

Ngunit nabatid niya ang isang bagay

Kanyang ama’y nameligro ang buhay

Nabundol sa trak ang minamaneho

Umiyak ang batang anak ng tsuper

BABALA: BAWAL BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon