Sinong gustong magmahal?

594 13 2
                                    

Maraming beses ka ng nasaktan dahil sa letseng pag-ibig na yan. Ginago ka. Ginamit ka. Pinaasa ka. Masakit. At pasakit ng pasakit kada relasyong iiwanan mo. Sinabi mo na sa sarili mo na baka hindi talaga para sa'yo ang magmahal. Baka may ibang bagay ang makakapagpasaya sa'yo. Kasi di ba, yun lang naman ang hanap ng tao. Maging masaya. Sumaya. Hanggang sa dumating siya. Siya na muling nagbigay sa'yo ng bagong kahulugan sa salitang masaya. Hindi mo siya hinanap. Hindi mo na lang namalayan ang pagdating niya. Basta, isang araw alam mong bigla na lang nanumbalik yung dati mong matatamis na ngiti. Mahal ka raw niya. At minahal mo siya. Naging kayo. Naging masaya nga kayo. Unang araw. Unang linggo. Unang buwan. Pinag-uusapan niyo na ang hinaharap. Ikinukwento mo na rin lahat ng sakit na pinagdaanan mo at kung paanong siya na ang gusto mong maging huli sa buhay mo. Pero mapaglaro pa rin ang pag-ibig. Gigisingin ka nito isang araw, na wala na rin siya. Kung paanong hindi mo namalayan ang pagdating niya, ganun rin ang pag-alis niya. Walang salita. Walang dahilan. Walang paalam. Marami kang tanong. Pero puro bakit ang karamihan? Maraming luha. Parang pinaasa ka uli ng tadhana. Parang inulit lang lahat ng sakit ng kahapon. Dinoble pa. Magmamahal ka pa ba? Gusto mo lang naman sumaya di ba. Malaking bagay ba itong hinihingi mo?

BABALA: BAWAL BASAHIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon